CHAPTER 17 - FACING THE TRUTH

1468 Words
Evan’s POV  Hindi ko inaasahan yung mga nanyari samin ngayon, at ulit, nawalan kami nang kasama. Oo, tama nga yung sinabi ni chris na simula’t sapul palang, lahat kami pwedeng mamatay at hindi na makapunta sa safe zone. Pwedeng mamatay ako, si angel, si devone at si kuya luke. Walang ligtas sa aming lahat. Napaka laking kawalan samin na mamatay si chris, lalo’t isa pa sya sa mga may kaalaman sa maraming bagay.   Pero wala na kaming magagawa kung hindi tanggapin nalang. Napatigil nalang kami nang marinig namin na sumabog nalang yung floor kung nasaan si chris. At nagulat pa kami nang may isa pang sumabog, at nag tuloy tuloy ito sa iba’t ibang floors.  “M-may bomba lahat nang palapag dito, pasasabugin na to nang mga military kasi marami nang zombie, kaya kailangan na nating umalis dito!” sabi ni kuya luke. Nang biglang may sumabog nalang malapit samin at napatalsik kaming lahat. Parang nabingi at nahilo ako nung mga oras na yun. Medyo lumabo nang onti yung paningin ko, at nakita ko si popo na parang wala lang nangyari sa kanya. Mabuti nalang. Pero kitang kita ko yung hirap saming lahat, halos hindi kami maka tayo dahil sa lakas nang impact samin. Sumunod pa ang ilang pag sabog nang builing na yun, at guguho na. Kung hindi kami makaka layo sa building na yun, baka matabunan kami.  “Guguho na yung building! Tara na!” sabi ko.  Inakay ko na si angel at si kuya naman akay akay nya si devone. Binilisan na namin yung pag takbo kahit na sobrang sakit nang katawan namin.  Iniiwasan nalang namin yung mga zombie na papunta samin para maka alis agad kami sa school na yun. Pero kung may malapit na samin, agad tinataga ni kuya yung mga zombie at ako naman binabaril ko. Hanggang sa makapunta kami sa entrance nang school at tumakbo na palayo sa school, nang makarinig kami nang isang malakas na pag sabog, sabay sabay na pag sabog nang mga bomba sa iba’t ibang building na nakapag patumba sa lahat nang gusali dun sa school, at syempre nakapatay sa mga natitirang zombie.  Inisip ko nalang ang pag sasakripisyo ni chris, kung hindi dahil sa kanya, baka pare- parehas na kaming patay ngayon. Pumasok muna kami sa isang store, doon sinarado agad namin yung pinto para walang makapasok na zombie.  Nang pag upo ko palang, saka ko naramdaman ang sobrang pagod at sakit nang katawan. Tinignan ko nalang sila kuya, kitang kita ko sa mga muka nila yung pagod at pang hihinayang.   “Guys, uhmmm… I know that is hard for us that chris is dead. Pero tama yung sinabi satin ni chris na pwedeng mamatay tayong lahat, ako, angel, evan at luke. Lahat tayo walang ligtas, kaya sana wala nang mabawasan pa satin, at tuparin nating kung ano yung gusto ni chris, yung makapunta tayo sa safe zone. Dahil walang magyayari satin kung sa lahat nang oras mag dadalamhati tayo sa pagkawala ni chris. Kaya simula ngayon, gawin natin to para sa sarili natin at para kay chris.” Sabi ni devone  Tumango nalang kami lahat, at ako naman niyakap ko nalang si angel dahil naluluha parin sya, kaya pinatahan ko nalang sya. Si kuya naman kumuha nang mga natirang pag kain sa store, para naman makakain kami. Nawala na kasi yung pagkain namin, kasi na kay chris yun, nasa bag nya lahat. Dahil nga may harang na bakal na yung pintuan at yung salamin na pader nang store, nag decide kami na doon muna mag pahinga at bukas nalang sumabak ulit sa laban.  Kumain kami nang nakuha ni kuya, konting de latang ulam at kung ano ano pa. Pero walang gana si angel.  “Angel,uy kumain ka…” sabi ko ”W-wala akong gana.”  Hinawakan ko yung kamay nya at pinilit na kumain. At kumain naman sya. Pero konti lang. “E-evan… dito ka lang huh? Wag mo kong iiwan,.. tabihan mo lang ako..” sabi na sakin na parang nag mamaka awa. “Wag kang mag alala angel, dito lang ako. Hindi kita iiwan.“ at hinalikan ko sya sa noo. Pagkatapos naming kumain, nag pahinga na kami at natulog na. Si angel, nakahiga at ako naman nakaupo. Ako kasi yung nag babantay sa amin, at dahil nga meron pang sugat si kuya. Pinag pahinga ko nalang sya, pati din si devone. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.  Bigla naman akong nagising dahil sa kaluskos. Syempre kinuha ko agad yung baril ko at hinanap kung ano ba yung narinig ko. Medyo may kalakihan tong store na to, siguro dobleng laki nang 7/12 store. Kaya hinanap ko talaga kung ano yung narinig ko, nakita ko si popo, natutulog lang, kaya imposible naman na sya yun. Kaya dito na ko kinabahan. Dahan dahan ang pag lalakad ko, Nang mapunta ako sa dulo, Madilim, kaya ginamitan ko nang flash light na nakuha ko sa store kung nasaan kami ngayon. Dahan dahan kong tinapat yung ilaw sa sahig pa angat. Nang Makita ko yung spiker na nakatalikod, at biglang humarap sakin, galit na galit sya sakin at ang huli ko nalang nakita yung kamay nya na sobrang laki na may tusok tusok na papunta sa akin.  ****   Angel’s POV  “Evan…evan…uy nananaginip ka, gising..” hanggang sa nagising si evan. Pawis na pawis sya nung ginising ko sya at parang takot na takot. Hindi ko naman alam kung bakit. “Evan.. A-ano bang napanaginipan mo? Ba’t parang takot na takot ka?” tanong ko.  “Uhm.. ah…wala.. wag mo kong alalahanin.. sige na, matulog ka nalang ulit” sabi ni evan “Oh.. sige..” Natulog nalang ulit ako kasi pagod na pagod na yung katawan ko at bugbog na kaya tinulog ko nalang.  Kinabukasan “Bakit hindi ka man lang nagsabi na ikaw pala yung nag ligtas samin?” sabi ni ate “Ganito kasi, Nung huli tayong nagkita, pinuntahan ko agad si evan sa bahay. Pero nakita ko syang wala nang malay nung mga oras na yun. Hindi ko naman alam kung bakit o paano. Una kong inisip baka infected na sya. Kaya dinala ko agad sya sa ospital, pero mali ako nang desisyon na pumunta nang ospital. Pag dating ko doon, Halos puro zombie na ang sumalubong samin, Kaya tumakbo ako pataas, at may nakita akong video cam sa sahig kaya kinuha ko. Baka kasi may mapanood ako doon kung bakit nagkaroon nang zombie, pero bigo ako. Kaya nag video nalang ako habang tumatakbo, tapos bigla naman may lumitaw na jumper sa harapan namin ni evan, at kinuha si evan nung jumper. Pinaputukan ko yung jumper hanggang sa namatay sya na nahulog si evan. Dinala ko sya sa isang room kung saaan nagising sya. Nung akala kong makakabalik ako dahil hahanapin ko si mama, hindi na nangyari. Kasi may nakakita sakin na mga rescuers, Sinama nila ako nang walang sabi sabi at dinala sa safe zone.” “Safe zone?!” Gulat na tanong ni Ate “Oo, nakapunta na ako doon, kaya ako lumabas ulit nang safe zone para hanapin si evan at hanapin kayo, pati narin si papa.Hinatid nila ako doon sa bahay namin dahil ayon ang sinabi ko, pag balik ko doon sa bahay, sinuot ko tong costume na to at ginamit yung katana na pinaka iingat ingatan ko. Nag lakad lakad ako kung saan saan, nag babaka sakaling Makita ko kayo, napadpad ako sa isang tagong lugar kung saan nakarinig ako nang mga putukan, nang tinignan ko yun. Saka ko kayo nakita. Ikaw, si chris at pati narin sila Angel at evan. Nang Makita ko kayong nandon sa sitwasyon na yun, gumawa agad ako nang paraan para maligtas ko kayo. Pinatay ko muna yung switch nang ilaw para dumilim, at doon na ko kumilos para iligtas kayo. At nung mapatay ko na lahat nang pwede kong mapatay, nagtago ako dahil may tumatawag sa CP ko, nakita ko na si papa yung tumatawag at humuhingi nang tulong. Nasa school sya at kailangan nyang maligtas. Kaya umalis agad ako at binuksan ulit yung switch. At pagdating ko doon, Pinuntahan ko agad kung nasaan si papa, Pero pagdating ko kung saang floor si papa, saka ko sya nakitang zombie na. Puro sya kagat nang zombie. Pero hindi ko magawang patayin si papa. Pero wala akong magagawa kung hindi pataying sya. Dahil hindi na sya yun. Kaya nilakasan ko nalang ang loob ko. Pero nung dumami yung zombie, nagtago ako sa isang room. At saka na ko tumawag sayo, hoping na masagot mo. At buti nalang nasagot mo. Matapos nating mag usap, nakita kong nasisira na yung pintuan, kaya hinanda ko na yung sarili ko dahil ang daming zombie. Nung una nakaya ko, hanggang sa nakita kong napatay ko na sila lahat, nang pag labas ko nang room. Bigla akong kinagat nang zombie, at saka ko binali yung leeg nya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya bumaba nalang ako nang isang floor kasi naririnig ko na kayo. At doon na tayo nag kita.” “Pero sana man lang nagsabi ka luke” sabi ni ate. Nang bigla kaming makarinig nang parang lumalagabog sa bakal nung pinto, parang ang dami. Hanggan sa nasira yung bakal at nakita namin kung ano yung lumalagabog. “Fuck.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD