CHAPTER 16 - THE RESCUE 2

1377 Words
Evan's POV Hindi ko maintindihan kung anong kalokohan ang nararamdaman ko sa katawan. Kakaiba, yung tipong ngayon ko lang naramdaman. Pero siguro naman hindi to makaka abala sa pag liligtas namin kay kuya. Tsaka parang wala na kong nararamdamang hapdi sa binti ko. Samantalang kanina, halos maiyak ako sa sakit.   Lahat kami parang na challenge nung makita namin yung mga zombie. Sorbrang dami, hindi namin alam kung pano kami makakapunta doon sa huling building lalo na't nasa dulo pa yun. Kalat kalat pa yung mga zombie na to. Pero siguro naman makakaya namin to. Lalo na't full pack kami dito. And hoping na walang spiker na pagala gala dito, kung hindi mahihirapan kami lalo. Nag isip muna kami kung pano kami makakapasok sa loob, oo madali lang pumasok sa loob, pero mahirap pag dating sa loob. Pagkatapos namin mag usap, binuksan ko na yung gate at nag tinginan samin yung mga zombie. Badtrip, lahat sila tumingin samin. “Oh my...” sabi ni angel “Let’s do this guys...” sabi ni chris Nag paputok agad kami, at tumakbo. Nilabas ko yung crowbar ko at pinaghahampas yung mga zombie na makaka bangga ko. Sila angel naman ginamit na rin nila yung mga gamit nila. Pinag tataga nila yung mga muka nang zombie at tinanggalan nang ulo. Ako naman habang nakanganga sila, sinuksok ko nang crowbar at tagos sa ulo. Effective naman, kaya pinag patuloy ko. Ang dami na namin napatay pero hindi pa rin sila tumitigil. Papunta parin sila samin. Para kaming sink hole na tinatapunan nang tubig. Pero ang samin, puro zombie. “Nakak Badtrip na!! Hindi ba kayo titigeeeellll!!! WHaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!” Sabi ko,sabay kuha ko sa shot gun ko at pinag sasabog ko yung mga ulo nang mga zombie. Hanggang sa maubos ang bala ko. As in zero. Hindi ko namalayan na halos maubos ko na pala sila. Halos konti nalang ang natira. At sila angel na ang tumapos sa kanilang lahat. Hindi naman totally lahat. Basta nangonti lang. Nakahanap na ko nang daan papunta doon sa building kung nasaan si kuya. Malaki yung building kaya hindi madali kasi marami ring mga zombie, at ang mas malala, naka ramdam kami nang lagabag na malakas sa mataas na palapag. And we know na spiker yun. “Ngayon pa...” sabi ko “pano yan.” Sabi ni angel “Kailangan natin iligtas si luke, kahit anong mangyari” sabi ni devone “Wag na tayong masyadong madada, gawin na natin.” sabi ni chris Tumakbo na kami pataas, at dahil naubos na ang bala ko, tinabi ko muna. Ginamit ko muna yung crowbar ko. At pinahiram ako ni chris nang pistol. Hindi na namin pinapansin yung mga zombie sa malayo, Ang gusto lang naman makapunta kung nasaan si kuya. Kaso hindi pa kami nakaka akyat sa third floor,sumalubong agad samin yung beast. “Takbo!” sabi ni chris At inatake kami nang beast, buti nalang naka ilag si chris sa kamay nung beast. Pero muntikan na yun. Agad naman pinaputukan ni devone yung zombie para makadaan na kami. Sobrang desperado ni devone na maligtas si kuya. Kitang kita naman sa mga kilos nya ngayon. Parang wala lang sa kanya yung mga halimaw na nakakalaban namin. Pero mas mabuti na rin yun kasi agad kaming makakapunta kung nasaan si kuya kung ganon ang attitude namin lahat. Kaya pinag patuloy namin ang pag punta sa taas, Pero mas lalong lumalakas yung lagabog, doon na kami nakaramdam nang pangamba, kasi alam naming lahat na hindi biro yung makaka harap namin. “AHHHHHHHHHHHHHH!!!!” Napatingin kami sa likod namin, Si chris. Nakagat sya sa braso. Hindi namin namalayan na meron palang lumabas sa classroom na zombie. Agad kong pinaputukan yung zombie sa ulo. Nagulat kaming lahat sa nakita namin.  Agad kinuha ni devone yung anti-virus na dala nya. Pero sa sobran taranta nya, nahulog ung dalawa at nabasag. Iisa nalang yung anti-virus na meron sya at ayon ang ituturok nya kay chris. “A-ayos lang ako, wag mo kong intindihin devone.” “Anong hindi!? Nakagat ka! Eto, anti-virus, akin na braso mo.” Sabay naman inangat ni chris yung braso nya para maturukan nang anti-virus. Pero bigla nalang sumulpot sa dulo nang hallway yung spiker. Kinuha ni chris yung anti-virus at tinabi muna. Hindi naging maganda yung mga nangyayari samin nung mga oras na yun. Alam kong kahit anong oras pedeng maging zombie si chris. Kaya alerto ako sa posibleng mangyari. Mahirap,, pero kailangan kong patayin si chris in case na maging zombie sya. Papalapit na samin yung spiker at kami naman tumakbo. Nang biglang nakita namin si kuya sa dulo nalang hallway sa kabilang side. Hawak hawak nya yung braso nya at may kagat din sya nang zombie. Nagulat ako kasi pedeng maging zombie din si kuya kung wala syang anti-virus. “Ku-kuya ? a-ayos ka lang?” Tumango lang sya “Me-meron kang anti-virus diba?” Tanong ko “Wala............” Nung mga oras na yun, Parang nawala sa sarili si devone. Hindi nya alam kung anong gagawin nya. Iisa nalang yung anti-virus nya at binigay nya kay chris. Kung wala kaming mahahanap na ant-virus, pedeng maging zombie si kuya.Papalapit samin yung spiker. Pero buti nalang may harang na bakal na pumipigil sa kanya para mapuntahan kami. Habang lumilipas ang oras. Nasisira yung bakal at may posibilidad na mapatay kami. Biglang kinuha ni chris yung anti-virus nya. “Eto oh... kunin mo na luke.” Sabay ngiti nya “Chris... mamamatay ka kung hindi ka matuturukan nyan.” “Hayaan mo na devone... Nung nag simula tong zombie apocalypse na to,lahat tayong mga survivors. Pedeng mamatay sa hindi nating inaasahang pangyayari. Tanggap ko na, na mamamatay na ko. Makakasama ko na si jane,yung fiance ko, ang pamilya ko. Masaya na ko devone.”   Tinurok ni chris yung anti-virus kay kuya. At halatang gumagana. Nagulat kaming lahat sa ginawang pag sasakripisyo ni chris para kay kuya. “Luke, gusto ko wag mong sasayangin yung binigay nang dyos na pagkakataon sayo na mabuhay. At sana pahalagahan mo tong pag sasakripisyo ko sayo. Ingatan mo silang lahat,at sana ligtas kayong makarating sa safe zone.” Tumango si kuya, at niyakap si chris. NIyakap rin ni devone si chris, at si angel naman naiyak nalang at niyakap si chris. At syempre ako, niyakap ko sya. Ang sakit para samin na mawala si chris. Dahil sa haba na nang mga pinagdaan namin. Hinding hindi ko sya makakalimutan. “Oh sya, tama na tong drama na to. Umalis na kayo dito sa school na to at ako na ang bahala sa ungas na to.”  “Hindi..hindi chris.. papatayin natin tong halimaw na to.” “Sige na!! Umalis na kayo bago pa masira yung harang! Luke,Evan! Kayo na bahala sa kanila. Umalis na kayo!” Sinunod ko nalang si chris, at niyaya sila angel na umalis. Pero nag pupumiglas sila, Kaya sapilitan na naming hinila sila devone para maka alis na nang ligtas. Umiiyak sila angel habang bumababa kami nang building. Kinuha ko muna yung baril kay angel,dahil parang nawalan sya nang gana. Ganun din si devone na akay akay ni kuya. Naging maayos yung pag baba namin nang building, Dahil nga sa mabagal yung mga zombie, nakatakbo kami agad. Buti nalang at konti nalang yung mga zombie sa ground kaya hindi kami nahirapan. Nang bigla kamig nakarinig nang isang malakas na pagsabog kung nasaan si chris. “CHHHHHRRRIIIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSS!!!!” sigaw ni devone. **** Chris POV Eto na siguro ang pinaka malaking pag sasakripisyo ko sa buhay ko. Pero alam kong mahal ni devone si luke. At lahat nang pamilya ko’t fiance, patay na. Kaya eto na ang tamang oras na makasama ko ulit sila.   Ayokong mamatay na zombie, mas mabuti nang mamatay ako sa gera kalaban tong mga ungas na zombie na to, kesa naman maging isa pa ko sa kanila. Kaya ginamit ko yung baril ko para mapatay yung spiker. Pero parang walang epekto. Kinapa ko yung bulsa ko. At meron akong nakapa, Isang bomba. Nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko ba tong bomba na to. Pero nung makita ko na konti nalang eh masisira na yung harang, tinaggal ko agad yung lock nang bomba at sakto naman na nasira na yung harang. Hindi ordinaryong bomba ang meron ako. At kahit sino o ano pang bagay ang malapit sa bombang ito. Masisira. Oh mamamatay. “Halika ditong hayop ka... Lapit pa!!” sigaw ko. Pero naiinip ako kaya sinalubong ko sya. “Paalam Guys............” “CHHHHHHHHRIIIIIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSS!!!”                                                                                                                                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD