Nagising ako dahil may naaamoy akong masarap na niluluto. Nagluluto na siguro si lola. Teka anong oras na ba? 8:30 pm na pala mahigit apat na oras din pala ako nakatulog.
Pumunta na ako sa hapagkainan,naabutan ko pa si lola na nagaayos ng kakainan naming sa lamesa.
'Oh.. buti gising kana, sakto kakatapos ko lang magluto, maupo ka na dyan'
Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain
'Ahh..lola saan po ba ako magsasanay dito tsaka sino po ang trainor ko? '
Tanong ko habang kumakain.
'Mamaya lang makikita mo na sila '
'Sila?? Ibig sabihin marami ang magiging trainor ko? '
Tumango lang bilang sagot si lola.
Natapos ba kami kumain at nakapagpahinga na din . Pumunta na kami ni lola sa kwarto ko.
'Maupo ka dyan zairene'
Umupo na ako ng pa indian seat sa lapag. Lumapit naman sa akin si lola at hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi ko para maiharap ako sa mukha sya. At nagsalita
'apo.. pag butihan mong mabuti ang pagsasanay mo. Seryosohin mo ito at wag mong gawing biro. Naiintindihan mo ba ako zairene? '
'Opo lola promise, magseseryoso ako ngayon at hindi magiging pasaway ^_^'
Ngumiti nalang si lola at may sinuot sya sa aking kwintas. Kwintas na bilog ang pendat at may limang dyamante na my limang kulay. May pula,asul,gray,at green tapos sa gitna naman ay kulay gold.
Mukhang mamahalin ah?! Pay sinangla ko-...
'Ouch..lola naman eh bat ka nanghahampas?!'
Ano nanaman ba ginawa ko.. ang sadista talaga ni lola -_-.
'Alam ko yang tingin mo na yan sa kwintas -_-,hindi mo maisasangla yan. Sige na pumingit kana '
Pumikit nalang ako gaya nga ng sabi ni lola. Narinig ko nalang na nag sasalita sya pero hindi ko maintindihan.
Maya-maya lang ay hindi ko na sya naririnig na mag salita at bigla nalang tumahimik ang paligid.
'Maari ka nang dumilat zairene'
May biglang nag salita, pero hindi naman hoses ni lola? Idinilat ko na ang mata ko at nang pagdilat ko...
OoO hollygod!!
may apat na nilalang ang nasa harap ko ngayon. Teka...? Nasa langit naba ako..? Bakit may mga anghel s a harap ko?! Ang pagkakatanda ko pinaupo lang ako ni lola sa loob ng room ko ah.. di naman ako napaaway at naaksidente?.pano ako mapupunta sa langit?!
'Halika tumayo kana zairene'
Tinulungan akong tumayo ng isang anghel na babaeng naka kulay asul na kasuotan at asul din ang mga mata nito. Teka diba.. nakaputi lang ang mga anghel??
Pero grabe nakatulala lang ako sa kanilang apat. Nakakatomboy yung dalawang babae tapos makalaglag panty naman yung dalawang lalake!!! Grabe may ganitong klaseng nilalang pala?!!
Ang gaganda at gagwapo nila!!
'Hahaha oo na mga gwapo at magaganda na kami, wag mo na ipagsigawan ^__^'
Nagulat ako dahil biglang tumawa at nagsalita yung isang gwapong anghel na naka gray naman ng kasuotan at gray naman ang mga mata.
Ehhh???? Teka pa-..paano nya nalaman yung sinasabi ko eh.. sa isip ko lang sinasabi gun ah??? Mind reader ba sya?? Kyahhh!!! Nakakahiya!!! *blush*
'Tss.. ang ingay mo'
masungit naman na sabi nung isa pang gwapong anghel na nakakulay pula naman ng kasuotan at pula din ang mata.
Gwapo nga ang sungit naman -_-.
Sumama naman ang tingin nya saakin.. oops.. nag peace sign nalang ako at ngumiti ng pilit.
'Ay naku zairene wag mo na pansinin yang si fyron,ganyan na talaga yan,masungit hahaha '
Natatawa namang sabi nung isa pang babaeng anghel na naka brown na kasuotan at brown ang mata. Mga nakacontact lence ba itong mga ito?? Uso pala dito yun?
'A....e...nasa langit na po ba ako? Mali po ata ang napuntahan ko? Ang alam ko po eh tutungo ako sa pagsasanayan ko.? Tsaka sino po kayo? Bakit nyo ako kilala? '
'Haha,zairene wala ka sa langit andito ka ngayon sa Fantasia ang tirahan naming mga elemental gods and goddesses ^__^'
O_o ehhh??? Fantasia?? Gods and goddesses?! O.my.G!! Totoo sila??!! Grabe kaya pala ang gaganda at gagwapo nila!!
'Ako nga pala si Mari goddess of water ^_^'
Yung naka asul
'I'm Gaia goddess of earth'
Yung nka brown.
'*wink* Aether God of wind'
Yung naka gray naman.
'Fyron God of fire '
Si Mr. Sungit
'Ako po pala si Zairene Lou Faust nice to meet all of you ^__^'
Nakangiti kong pakilala sa kanila.
'Ahh ano nga po pala ang ginagawa ko dito?'
Tanong ko.
'Dahil dito ka magsasanay'
Sabi ni Mari.
Huh??!.dito?so that means sila ang magtuturo sa akin na tinutukoy ni lila na 'sila'.
'Oo kami nga ^_^'
Sabi naman ni gaia.
Ehhh??nababasa nanaman nila nasa utak ko? Lahat ba sila ay minD reader?
'Oo mind reader nga kami pati ikaw don't worry mapagsasanayan mo din ito at malalaman mo din king paano isarado yang isip mo para walang makabasa ^__^'
Mari.
'Yun ba ang kapangyarihan ko?'
'Hindi lang yun ang kapangyarihan mo zairene dahil nasayo lahat ng kapangyarihan ang fire,water,wind,earth,ice,lightning at ang mga special ability tulad ng teleportation,mind reader,healing, basta lahat ng light magic kaya mong gawin.'
Olahat yun kaya ko?!! Paanong..?
'Kasi ikaw nga ang nasa propesiya, ikaw ang napili upang talunin ang dark lord at mag ligtas ng buong enkatadia.'
aether.
'Umpisahan na natin ang pagsasanay mo dahil ano mang araw o oras ay maaring kumilos na ang mga black magic at nararamdaman ko na lalong lumakas ang dark lord'
Seryosong sabi ni fyron.
'Eh..te...teka lang paano ko po mapapalabas ang kapangyarihan ko? Tsaka wala naman po akong nararamdaman sa sarili ko na meron akong kapangyarihan? '
'Kaylangan lang namin gisingin ang natutulog mong kapangyarihan, kaya umupo ka Lang dyan at tiisin mo ang gagawin namin sayo'
Sabi ni Mari.
Sinunod ko na ang sinabi nya naupo ako ulit at pumikit. Narinig ko silang nagsasalita at sabay sabay na may binibigkas na spell pero di ko maintindihan. Paulit-ulit lang nilang sinasabi yun,hanggang sa naramadaman ko na unti-unti akong lumulutang sa ere at nakakaramdam ng sakit sa buo kong pagkatao,parang may gustong kumawala sa akin. Hinayaan ko na kumwala kung ani man ang gustong kumawala sa akin,tiniis ko ang sakit.
'AHhhhhhhhh'
Napasigaw na ako sa sobrang sakit. Patuloy lang ako sa kakasigaw.
Maya-maya lang ay nawala na ang sakit na nararamadaman ko. Napalitan iyon ng ibat ibang pakiramdam,yung feeling na mainit yung loob ng katawan ko tapos malamig naman ang pakiramdam sa labas ng katawan ko, dahil feeling ko basa ako at may hangin na tumatama sa akin. Parang binabalot din ako sa putik..
Then bigla nanaman ako nakaramdam ng sakit .
'ahhhhhhhh'
Huling sigaw ko bago ko naramdamanng nasa ulit ako.at wala na yung mga kakaibang naramdaman ko kanina pati yung sakit nawala, napalitan iyon ng kakaiba pang pakiramdam,di ko maipaliwanag . Napaluhod nalang ako dahil feeling ko sobrang napagod ako at nanghihina.
'Napakalakas nga talaga nya '
Rinig kong sabi ni mari.
'Sa wakas nagising na din natin ang kapangyarihan na papantay sa lakas ng dark lord'
May tuwa na sabi ni gaia.
Yun nalang ang huling nadinig ko. Then everything went black.
After few hours...
Nagising ako dahil may naramdaman akong tao sa tabi ko. Pag dilat ko si mari pala any nasa tabi ko.
'Ohh buti gising kana, kamusta ang pakiramdam mo? '
Sabi nya. Inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid, bago ako sumagot, nasa isang kwarto pala ako? I think room nya ito dahil kulay asul ang buong room eh.
'Ahh ok naman na ako,'
Sagot ko.
'Mabuti naman at ok ka na, tara na para makakain kana upang masimulan na natin ang pagsasanay mo ^_^'
Bumaba na kami sa dining area naabutan namin sila gaia na nandun na at naghihintay. Habang kumakain ay kinamusta nila ako at nagkwentuhan lang. After namin kumain.nagpahinga lang kami saglit at lumabas na din kami.
'Ang apat na elemento nalang muna ang sasanayin mo ako muna ang una'
Sabi ni mari. Water element muna any sasanayin ko.
'Mag concentrate ka muna then isipin mo na mag labas ng water ball sa palad mo. '
Sinunod ko ang sinabi ni Mari.
May naramdaman ako na may dumadaloy na enerhiya papunta sa mga palad ko, pag tingin ko sa mga palad ko 0_0 nakagawa nga ako ng water ball,kaso palaki ito ng palaki at hindi ko na alam gagawin ko..hala....
'Wahhh...pa...paano po ito, ayaw tumigil sa paglaki!! '
Nagpapanic na ako.
'Ibato mo na!! '
Hiyaw ni mari.
Sinunod ko ang sinabi nya, binato ko nalang kung saan yung malaking water ball.
'BOOM!!'
'wahhh!! Zairene muntik na kami dun!! '
Rinig ko sigaw ni gaia sa akin, nakita ko sila na nag iba sila ng pwesto, pagtingin ko sa dati nilang pwesto ay itsurang pinasabugan ng bomba. Tumingin ulit ako sa kanila.
'He he sorry po ^__^Y'
Pag hingi ko ng tawad sa kanila.
'Okay zairene, para macontrol mo ang powers mo ay kaylangan mo din ng concentrate dyan, sige ulitin mo ulit sa ginawa mo '
Patuloy ko lang ginagawa ng paulit ulit ang sinasabi nya. Hanggang sa nacontrol ko na nga.
'Hay.. mabuti naman at nacontrol mo na, kawawa naman sila hahaha'
Sabi ni mari habang nakatingin sa direksyon nila gaia. Pag tingin ko sa tatlo ay masama ang tingin sa akin, sa kanila kasi lagi tumatama yung mga tira ko na di ko contolado hahaha..nag peace sign nalang ulit ako at ngumiti .
Pinag patuloy nalang namin ang pagsasanay tinuro nya saakin ang lahat ng pwedeng magawa ng water element. Nagawa ko naman lahat ng dina pumapalpak dahil control ko naman na ang powers ko.
'Very good zairene,ang dali mo lang pala matutunan eh, oy aether ikaw na !'
Nag pasalamat ako sa kanya .
Sumunod naman si aether ang nagturo sa akin tinuro nya lang din saakin kung ano din ang kayang gawin ng wind element ganun din kay gaia at fyron,tinuro na din sa akin ni fyron ang mga kakayahan ng special ability ko.
'Para sa huling pagsasanay mo kakalabanin mo kaming apat ng sabay sabay'
Sabi ni gaia
'OoO kayong apat?!agad agad?! Diba pwedeng isa isa lang?'
Grabe sila ang lalakas kaya nila tapos ako kebago bago ko palang natuklasan ang powers ko lalabanan agad nila ako tapos sabay sabay pa?! Ang unfair ah..
'Bakit? Natatakot kaba ? *smirk*'
Nakangising sabi ni fyron.
'Ofcourse not!! Ako matatakot? Hell no !,ang isang Zairene Lou Faust/Levisque ay walang kinakatakutang laban. ok game 1 vs. 4 *smirk*. '
Nakangisi ko ding sagot sa kanila.
Nagsimula na silang sumgod sa akin ng sabay sabay. Tumira sila ng kanilang mga powers,lumipad lang ako at gumawa ng wind shield. Gumawa naman ako ng tornado habang nasa loob ako ng tornado tumitira ako sa kanila sa labas ng mga ice spikes. Maya maya lang ay naramdaman kong wala ng tumitira sa akin. Bumaba na ulit ako at nakiramadam dahil nawala nalang sila.Asan sila?
Naramadaman ko na may tao sa likod at balak akong suntukin kaya agad akong
Yumuko at pinatid sya.
'aww'
Daing ni aether dahil natumba sya sa sahig. Sya pala ang aatake sa likod ko . Agad din syang tumayo at nakipag suntukan sa akin. Lumitaw na din ang tatlo atpinagtulungan na ako. Mano mano naman ang laban namin. May time din na natatamaan ako ng mga suntok at sipa nila pero syempre di rin sila nakakaligtas sa mga suntok at sipa ko.
Pare pareho kaming hingal na hingal ng magkalayo layo kami.
'Tatapusin ko na to'
Sabi ko sa sarili ko.
Nagpalabas ako ng mga root bines mula sa ilalim ng lupa ng hindi nila napapansin. Bigla iyon pumulupot sa apat pero si fyron at aether ay agad din nakawala,si gaia at mari naman ay pilit pa din kumakawala pero hirap na hirap silang makawala kaya sinamantala ko na yun para hatakin sila pababa gamit ang mga bines tsaka ko sila ibinaon sa lupa pero katawan lang nila ang nakabaon ,ulo lang nila ang nakalitaw,mabilis ko silang pinuntahan tsaka ko itinapat ang ginawa kong ice sword sa kanilang leeg.
'Kyahhhh !! Ok na talo na kami'
Sabay nilang sigaw. Orayt !! 2 down 2 more to go *smirk*.
Nag tuos na ulit kaming tatlo gamit ang mga kapangyarihan namin.
hanggang sa nakalayo ulit kami magkatabi silang dalawa at nakita ko na pinagsanib nila ang pwersa nila at ititira nila sa akin iyon. Gumawa naman ako ng fire ball na malaki,hinaluan ko ito ng lightning power ko at sabay namin pinakawalan ang mga tira namin.parang hamehamewave lang ang pag tira ko .
'Yahhhhh'
Sigaw namin. nilalaban ko ang powers nila at ganun din sila. Pero nang makita ko na hindi na nila kaya at papalapit na sakanila yung tira ko at yung kanila ay,nagpanic ako dahil ramdam ko na napakalakas ng inerhiya na nanggagaling sa tira ko,kaya mabilis kong ibinaba ang mga kamay ko pero nagulat ako dahil patuloy pa rin yun sa pag punta sa kanila,akala ko ay babalik na sa akin yun pero hindi pala. Kaya nag madali akong kunin si mari at gaia,then kinuha ko na din si fyron at aether,pumunta kami malayo sa lugar ng pinaglabanan namin .gumawa ako ng matibay na barrier para protektahan kami.
'BOOM!!!'
malakas na pagsabog ang yumanig sa buong fantasia. Nang maramdaman ko na wala ng pagyanig at pagsabog ay inalis ko na ang barrier.
'O...okay lang po ba kayo?'
Mabilis na tanong ko sa kanila.
Tumango lang sila bilang sagot.
'Muntik na kami nun ah!'
Sabi ni aether .
'Ahh *kamot ulo* hehe pasensya na kayo,di ko alam na ganun ang kalalabasan ng tira ko'
Nahihiyang sabi ko
'Talagang malakas ka nga pinahanga mo kami'
Pag puri sa akin ni fyron..
O_o wooh .. perstaym !!! Pinuri nya ako hahaha
'Hala?! Nasira na ang lugar nyo?!'
Pagtingin ko sa paligid sira sira na ang mga puno at wala ng mga d**o,parang may malakas na bagyo ang dumating dito. Pag tingin ko naman dun sa lugar ng pinaglabanan namin kanina ay O_O ,may mahabang hukay mula dun sa pwesto no kanina papunta dun sa malaking bilog na hukay.
' okay Lang yan,babalik din sa dati ito,tara na para makapagpahinga kana at makabalik sa enkantadia'
sabi ni mari
'Ehh??agad agad?akala ko magtatagal pa ako dito?'
'Dito hindi ka magtatagal pero sa enkantadia ay mahigit 1week ka nang wala,dahil ang oras dito ay araw na sa enkantadia'
Paliwanag ni gaia.
After ko magpahinga ,nakahanda na ako pabalik sa enkantadia,bumalik na din pala ulit sa dati itong fantasia,maganda ma ulit ito.
'Paalam zairene,lagi kang mag iingat'
Mari
'Basta tandaan mo wag na wag mong papairalin ang galit mo at wag na wag kang magpapalinlang sa mga salita ni dark lord kapag nagkaharap na kayo,napakatuso nyang si dark lord,'
Paalala naman ni gaia.
'Wag mo din kakalimutan lahat ng tinuro namin sayo ah' aehter
'goodluck sayo' fyron
'Maraming salamat po sa inyo,paalam po'
Pagpapalam ko then bigla nalang nagliwanag ang paligid ko at unti unti na silang naglalaho sa paningin ko habang kumakaway.
Hayy sa wakas alam ko nang gamitin ang powers ko. Ayy teka may nabanggit na pet at dragon sila mari. Matututunan ko nalang daw palabasin yun sa Enkantadia Academy. So ibig sabihin magaaral pa rin ako dito -_-.. wahh..nakakatamd kaya mag aral...hayy...