Enkantadia Academy

2338 Words
Zairene's POV Andito na kami ni Lola sa Office ng principal ng academy. Nilibot ko naman ang paningin ko sa loob, grabe office ba talaga to ehh, parang isang buong bahay ang luwang nito eh, kaso any konti lang naman ng gamit sa loob. May dalawang book shelf na sobrang daming libro sa magkabilang gilid ng room, tapos isang table lang sa gitna sa dulo at may dalawang mahabang sofa lang sa harap nito. Oh diba? Sabi sa inyo konti lang eh haha.. 'Good morning madam have a seat and what can I do for you ' nakangiting bati sa amin ng principal. Bumati lang din kami pabalik tsaka naupo na din. 'I'm Mrs. Faust the one who called you yesterday about sa pag eenroll ng apo ko' sabi ni lola. Nakinig lang ako sa mga pinaguusapan nila, nagsasalita din ako minsan pag nagtatanong ang principal. Hanggang sa natapos kami at naienrool nadin ako ni lola. Papunta na kami ni lola sa dormitory ng girls. Sabi ni lola sa akin kilala daw nya si Mr. Cameron, yung principal nitong academy,pero sya hindi kilala kasi iniba pala nya ang anyo nya simula nung pinalabas nyang namatay ako, para daw hindi mag hinala ang mga makakakita na kakilala sya sa kanya. Tanging si dehorshi Lang ang nakakakilala sa kanya dahil matagal na pala nya yun alaga, kaya kilalang kilala sya nito kahit anong anyo ang gamitin nya. Nabilin na din pala sa akin ni lola na fire ang gagamitin kong power, at magkukunwari daw muna ako na hindi ko pa alam ang power ko. Buti nalang magaling akong umarte hohoho. Sinabi din pala sa akin ni lola na bawal akong gumamit ng special ability ko in public para daw hindi mag hinala ang lahat na bakit dalawa ang powers ko dahil tanging mga hari,Reyna,prinsepe at prinsesa lang ang meron ng special ability at elemtal powers. At kaya lang pala nahahati sa Limang kulay ang enkantadia ay para sa kaayusan ng lahat so that means puro special ability lang meron ang iba. At ang tawag naman sa ibang may element power ay sub elemental users. Kung baga parang mga apprentice ng mga elemental users. Pero syempre mas malakas pa din ang mga elemtal users. 'Oh apo, magiingat ka dito ah, wag kang pasaway at yung mga bilin ko sayo wag mong kakalimutan' mangiyak ngiyak na sabi ni lola. Naiiyak na din tuloy ako. 'Opo lola,promise magpapakabait na ko, mamimiss ko kayo huhuhu' tuluyan na akong naiyak, yinakap ko ng mahigpit si lola, ngayun lang ako mahihiwalay sa kanya ,nasanay akong lagi syang andyan sa tabi ko eh T__T. 'Oh sya tama na ang drama, magkikita pa naman tayo eh, ang pangit mo talagang umiyak hahaha' tignan mo tong lola ko talaga nagawa pang mang asar. -_- 'Lola naman eh *pout*' pagtatampo ko 'Hahaha biro lang apo, ikaw kaya ang pinakamaganda sa lahat *smile* mamimiss kita' nakangiting sabi ni lola sa akin habang pinupunasan nya ang mga luha ko. Natapos ang madramang paalamanan namin ni Pumasok na ako sa loob. Pag pasok ko sa loob dina ko nagulat sa itsura ng loob expected ko na ito. Sa laki ba naman ng academy na to, malamang pati mga rooms dito ay malaki at maganda din. Nag tuloy tuloy nalang ako sa room ko my pangalan naman daw yung door ng room ko kaya di ako maliligaw ng pasok. Astig diba kakaenrol ko lang may name agad ang door ng room ko. Iba talaga ang nagagawa ng magic. Pag pasok ko sa loob ng room ko pabagsak akong nahiga sa malaking kama ko feeling ko pagod na pagod ako. Hayy.. namimiss ko na agad si lola :(. Sana maging ok ako dito. Makatulog nga muna bukas pa naman daw ako papasok eh. Arghhh.. i hate school -_-. ------ Nagising ako dahil biglang nagreklamo ang tyan ko. Tumingin ako sa wall clock dito sa room ko. Mag aalas sais na pala? Ang haba pala ng tulog ko hahaha. Nag ayus muna ko ng mga gamit ko, nilagay ko sa loob ng closet ang mga damit ko. May napansin akong isang set ng uniform sa loob ng closet,kinuha ko yun para tignan. WTH !! naibato ko yung uniform. Hindi ko susuotin yan. Pano ba naman kasi sobrang igsi nung palda, ok na sana yung pangtaas eh kaso pagdating sa pangbaba, bagsak -_-. 'Punyetang uniform yan, kung anong ikinalaki ng academy sya naman akinaliit ng paldang uniform -_-' sabi ko. Para akong tanga nagsasalita magsalita. 'Hmmm.. ah alam ko na hohoho.. buti nalang dala ko mga legings ko *o*' hihihi dating gawi ako tulad sa mortal world. Maigsi din kasi yung palda na uniform don kaya nagdodoble ako ng legings. Ang galing mo talaga zairene hohohoh... Matapos kong magayus ng gamit naligo na ako. Paglabas ko ng room ko para sana bumaba papuntang kusina para maghanap ng makakain ay may naramamdaman akong dalawang aura. Dahan dahan akong naglakad hanggang pababa. May nakita akong dalawang babae na nanunuod sa sala. Hindi pa nila ako napapansin dahil di pa nila ramdam presensya ko dahil tinago ko ang aura ko. Ang ganda naman ng buhok nila kulay dark blue na straight ang buhok nung isa tas yung isa naman ay sky blue na kulot ang dulo. Sino kaya sa kanila si authum at summer?nakita ko kasi sa door nila yung name nila. I think their twins, identical twins. Nagparamdam na ako ng aura pero yung mahina lang. Bigla naman silang napalingon. Ang bilis naman nila makaramdam. -_-. 'Ahh... hi?' Nahihiya kong bati. Nagtatakbo naman sila papunta sa akin 'Kyahhhh!!! You're here na pala' sabi ni ms. Sky blue. Kulay muna tawag ko sa kanila diko pa kasi alam kung sino si authum at summer sa kanila eh. 'Kanina kapa dito? Bat ngayun lang namin naramdaman aura mo?' Tanong naman ni ms. Dark blue. 'Ah yeahh *kamot batok* pasensya na,tinago ko kasi aura ko hehe' nahihiya ko pa din sabi. Gosh...ang gaganda nila *o*. Nakakatomboy grabe. Tapos yung mga mata nila kakulay din ng buhok nila. Para silang naka contact lense. Hihihi. 'Oww.. kaya pala, i'm authum Fuentabella nga pala' nakangiting pakilala ni authum sya yung may dark blue na hair and eyes. 'I'm summer fuentabella , and we're identical twins ^___^' masayang pakilala naman ni summer, sya naman yung may sky blue na hair and eyes. Nararamdaman ko sa kanila yung light aura so that means they are not foes. 'I'm zairene Faust nice to meet you both' nakangiti ko ding pakilala. 'Kyahhhhh!! Finally may new room mate na tayo, dina ko mananawa sa pagmumukha mo sis hahahaha' hahahaha natawa naman ako sa sinabi ni summer. 'Oh well the feeling is mutual sis *sabay irap*' mataray naman na sabi ni authum. May pagkakaiba din sila ng ugali etong si authum may pagkamasungit pero itong si summer happy go lucky lang. 'Tara dali kwentuhan tayo' hinila nila ako pareho sa magkabilang kamay ko at naupo sa sofa. 'Ano nga pala ang ability mo zairene? ' tanonh sakin ni authum. 'Ahh..ehh.. I don't know yet, kaya ako ipinasok dito ni lola kasi daw para malaman ko ang ability ko at matuto kong gamitin' sabi ko. 'Ahh ok lang yan, malalaman mo din kung ano ability mo tapos pag nalaman mo na tutulungan ka namin mag train ^__^' cheerful na sabi ni summer. 'Eh kayo ano ability nyo? ' tanong ko naman sa kanila. 'Ahh water element ang power namin then ang special ability ko ay telepathy,sya naman ay healer' sabi ni authum. 'OoO so that means kayo ang prinsesa ng water bender??' Tumango sila pareho. Ang cool naman hahaha kasama ko sa room ang dalawang prinsesa ng water kingdom *o*. Patuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa.. 'Grrrrghh'(sounds ng naguhutom na tyan po iyan) 'Hahaha is that yours zai? ' natatwang tanong ni summer. Tumango lang ako. Nakakahiya naman narinig pa nila yun. Nakalimutan ko kasi di papala ako kumakain,yun pala ang balak ko kanina ang kumain. 'Hahaha tara na nga sa kusina,buti nalang bumili kami sa labas ng pang dinner natin kanina kapa kasi namin inaabangan eh' sabi naman ni authum. Naglakad na kami papuntang dining area tska kumain after namin kumain at magligpit ng pinakainan ay balik kami sa pagdadaldalan hanggang sa naisipan na naming umakyat sa sarili naming rooms para matulog. Ang dami nila naikwento sa akin, about dito sa academy. Tas yung about naman sa dragons at pet na nabanggit sakin ng mga bathala ay meron na sila. Pinakita pa nga nila sa akin eh. At ang kukyut grabe. *o*. Kinakausap nga nila ako eh hahaha pero sa isip lang kasi baka magtaka yung dalawa kung bat ko nakakausap yung dragons at pet nila. Nagpalit na ako ng pantulog. Sando at maong short lang ang pantulog ko. Pag nasa loob lang ako ng room ko ako nag gaganito kasi komportable akong matulog pag nakaganito tsaka wala naman nakakakita kaya ok Lang. Pero pag sa labas na naku never ako magsusuot ng ganito. ---- habang naglalakad kami sa hallway papuntang classroom namin ay ang daming nakatingin sa amin. Natural lang na marami talaga kasi ikaw ba naman ang makasama ang dalawang nag gagandahang prinsesa malamang talaga mapapansin kayo. Para akong alalay nung dalawa. 'Eww who's that girl, bat sya nakadikit sa mga prinsesa natin' dinig kong sabi nung isang chismosa. 'Duhh, di sya bagay sumama sa kanila, tayo lang ang bagay na kasama nila' another chismosa. 'Bat ganyan suot nya ang baduy haha' chismosa 'Ang pangit na nga manamit ang pangit pa ng pag mumukha hahahaha' chismosa. Marami pa akong naririnig na kung ano-ano di ko nalang pinapansin, magpapakabait na nga ako diba. 'Hay naku zai, don't mind them, mga insecure lang yang mga yan' sabi sakin ni summer. Tumango nalang ako at ngumite. Pagpasok Namin sa room ay napatingin lahat sa amin, wala pang prof kasi 5 mins pa before mag start ang class. Argghh .. chismis again..di ko nalang ulit pinansin. naupo na kaming tatlo sa pangalawang row sa dulo. Malapit ako sa bintana. Ang ganda kasi ng view hehe. Maya maya pa ay biglang nalang nagtilian ang mga girls except saming tatlo. 'Ahhh f*ck!!' Inis kong sabi habang takip takip ang tenga. Ang ingay nila ang sakit sa tenga. Napatingin naman ako sa dahilan ng pagtili ng girls. Okay kaya naman pala mga gwapo kasi ang nagpasukan sa loob ng room namin. Hayy naku girls nga naman sa panahon ngayun ,oo -_-. Makakita lang ng mga gwapong lalaki eh akala mo mamatay na sa tili eh -_-. 'Kyahh..prince Xavier I love you' 'OMG!! prince yvo marry me please!! ' 'O my prince Calvin be mine please!!' 'Kenneth my loves!!' 'Kyle buntisin mo na ako!!!' Marami pang mga pinagsasabi ang mga babae dito. 'Pshh.. here we go again, di ba sila nagsasawa sa kakatili -_-' sabi ni authum. 'Hayy naku sis di kana nasanay hahaha' tatawa tawa naman na sabi ni summer. Iiling iling nalang ako tsaka ibinalik ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana. Naramdaman kong may umupo sa last row. Pag kaupo nila saktong dating naman ng Prof. Hayy buti naman natahimik na. 'Good morning magicians!! I heard we have a new student can you please go here in front then introduce your self' sabi ng prof dito. Tumayo naman ako at naglakad na papuntang harap, bago ako magsalita napatingin ako kila summer, nakangiti sila sa akin. Pag tingin ko naman sa buong class bigla akong nahiya. Shet!! Bago to ah, bakit parang kinabahan ako bigla, halos pareho Lang naman ang mga students at school dito sa mortal world. Pinagkaiba lang ay school of magic's dito. Hayy naninibago lang siguro ako. 'Hi I'm zairene Faust 17 years old,^__^' nakangiti kong pakilala, 'Ahh.. Ms. Faust?? Bakit nakganyan ka?' Alanganing tanong ni sir sakin. Tinutukoy nya yung uniform ko, diba nga nag double ako ng legings tapos rubber shoes ang suot ko imbes ng black shoes hahaha. 'Ehh, sir sobrang igsi po kasi ng palda nato di ako komportable' paliwanag ko. ' ohh I see, ok ano ang ability mo? ' tanung nya ulit 'Ahh hindi ko pa po alam eh? ' Nagtawanan naman ang iba kong classmates. 'Class quite!!' Saway ni sir. 'Okay lang yan zairene, malalaman mo na din ang ability mo, you can back to your seat now' Bumalik na ako sa upuan ko tuloy parin sa pagtawa yung iba, tas may sinasabi pa sila na kolorum daw ako, di daw ako belong sa academy nato, mahina daw ako. Kung gawin ko kaya silang mga palaka ano?? Or patayin ko nalang kaya tignan natin kung sino mahina pshh...akala mo kung sinong malalakas -_-+. Pasalamat kayo nagbabago na ako. 'Okay class,our lesson for today is about bla...bla....bla...' Argghhh... boring -_-. Pumahalumbaba nalang ako habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ang school pala na ito ay parang School din sa mortal, boring -_-+. 'Zairene!!' Argghh.. ano ba yan natutulog yung tao eh, istorbo naman to. 'Zairene, gumising kana nga!!' 'Ano ba lola, istorbo ka naman eh' Nakakainis naman kasi tong si lola eh.. 'Aba't!! Anong lola ka dyan?!' Teka? Bat biglang umulan?! 'O_O!! what the F?!!' Pagdilat ko kasi basang basa na ako dahil sa ulan, sa tapat ko lang naman umuulan. Pag tingin ko naman sa kambal, si summer naka peace sign at ngiti pero si authum ang sama ng tingin sa akin. 'Oy basang basa na ako oh,tigil nyo na to ,ano bang problema nyo sakin -_-' 'Ayaw mo kasing gumising eh, break time na kaya, nagugutom na kami, tapos tinawag mo pang lola itong si authum kaya ayan nabasa ka tuloy hahaha' Sabi ni summer. 'Ay naku pasensya na authum Akala ko kasi si lola, lagi nya kasi akong ginigising eh *kamot ulo*, ehh teka pano ko makakapag break time nito basa ako, wala pa naman ako dalang pamalit -_-' 'Ok apology accepted, tara na andun naman si yvo, mapapatuyo ka nun ' Nag lakad na kami papuntang cafeteria pero syempre habang naglalakad kami andyan nanaman yung mga chismosa -_-. To be continue.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD