new friends/warriors

2530 Words
Continuation..... ZAIRENE's POV Pag pasok namin ng cafeteria biglang tumahimik tapos sa amin nanaman ang tingin. Da F!!! ano bang problema nila??!!! Akala mo kung makatingin, may ginawa akong masama sa kanila ehh.. -_-. Nagdiretso nalang kami sa table sa gitna na may mga nakaupong lalaking nakatingin din sa amin or should i say sakin lang. 'Hi boys, meron kaming papakilala senyo, meet our new friend zairene ^___^' masayang sabi ni summer. Nanatili namang nakatingin yung mga lalaki pwera sa isa na patuloy lang sa pag kain na parang walang pakielam sa nangyayari sa paligid. 'Hello i'm Kyle ^__^ ,sub wind user ako ' nakangiting pakilala nung gray ang buhok at mata. 'Hi ,Kenneth here, sub earth user, ^__^' yung brown ang buhok at mata naman. 'Calvin, earth user' tipid na sabi nung brown din ang buhok at mata yun nga Lang mas dark yung anya. 'Ako naman si yvo, wind user *wink*' yung gray din ang buhok at mata,pero mas dark sya. Pshh... playboy.. -_-. 'Ang landi talaga' Napatingin ako kay authum dahil nabasa ko yung isip nya. Hahaha mukhang inis sya kay yvo ah.. Napatingin naman ako dun sa lalaking busy na kumakain, kaya napatingin din sila, bigla naman sya napatigil sa pagkain,napansin yata na nakatingin kami sa kanya. 'What?!!' Masungit na sabi nito. May pulang buhok at mata din sya. Ang sunget ah. 'Magpakilala ka naman' sabi ni yvo. tumingin naman sya sakin. Infairenes hah,ang gwapo. Gwapo naman silang lahat pero mas gwapo to *o*. Ay naku zairene umiral na yang kalandian mo . 'Psh' yung lang sabi nya tas kumain nalang ulit. Gwapo na sana eh, masungit lang -_-. 'Sya nga pala si xavier ,Pag pasensyahan mo na to zairene,masungit talaga yan, lagi kasing meron haha ' sabi ni yvo, pero pabulong nalang yung dulo., natawa naman ako sa sinabi nya. 'Yvo patuyuin mo nga si zairene, baka magkasakit sya eh ' sabi ni summer. ' ow sure no problem ' Then pinatuyo na nga nya ako gamit ang wind power nya. 'Thanks' pasasalamat ko at naupo na din kaming tatlo. 'Ako nalang mag order ng food natin' sabi ni summer tsaka umalis na sya papuntang counter, Maya maya lang ay dumating na sya na may dalang foods namin at nagsimula na kaming kumain,pero habang kumakain nagtatanong sila sa akin. 'Ahh zairene, bakit nga pala late kana pumasok dito ?' Tanong ni Kyle. 'Ahh, marami pa kasing inaskaso si lola sa mundo ng mga tao before kami nakabalik dito' 'Isa ka pala sa mga galing sa mundo ng mortal,kaya di mo pa alam ang ability mo,pero ikaw lang ang tanging nagiisa na pumasok dito na hindi nag start sa 1st level ,kalimitan kasi ng 1st level ay mga baguhan na galing Sa mundo ng mga mortal, pero ikaw umabot kana ng 4rt level pero ngayun ka lang ipinasok dito. Kaya ka pinagtawanan ng iba kanina kasi nakatuntong ka ng 4rt level ng hindi mo pa alam ang ability mo' sabi ni Kenneth. 'Ang akala kasi dati ni lola ay normal lang akong bata, kasi umabot ako ng 16 na walang napapakitang bahid ng magic, pero nung nag 17 ako ay may naramdaman si lola na aura ko kaya naisipan na ni lola na ipasok na ako dito, inayos nya muna ang dapat ayusin sa mundo ng tao bago kami pumunta dito. Nung una nga ay hindi ako naniniwala kay lola,kasi sa mga nababasang fantasy at napapanood ko lang na movie ko nakikita yung mga magics,pero nung dinala na ako ni lola dito, dun ko na realized totoo nga ang mga magic, na hindi ako normal at eto talaga ang mundo ko ' mahabang sabi ko. 'Ah,baka late Bloomer ka lang, teka asan nga pala ang parents mo ? Bakit puro ang lola mo lang ang kasama mo?' Sabi ni yvo. Nalungkot naman ako bigla. 'Namatay sila nung 1 year old palang ako, ang kwento sa akin ni lola, nagkaroom daw ng malaking baha nuon kaya lumobog ang bahay namin kasama ang mga magulang ko at si lolo, tanging kami lang ni lola ang nakaligtas.' Malungkot kong sabi. 'Ow, sorry to hear that' yvo. Ngumiti nalang ako ng pilit kay yvo. 'Wag kana malungkot zai, from now on kami na ang magiging family mo,diba guys?' Pag aalo sa kin ni summer para gumaan ang loob ko. 'Oo nga tsaka tutulungan ka din namin palabasin ang ability mo at para maging malakas ^_^' nakangiti namang sabi ni authum. 'Maraming salamat ^_^' nakangiti kong pasasalamat. Pansin ko lang kanina pa tahimik yung dalawa, si calvin at Xavier. Si calvin kahit tahimik nakikinig lang pero grabe kung makatitig eh,naiilang tuloy ako. Tas etong xavier naman, wala talagang pakielam eh -_-. 'Tss.. di natin kaylangan ng mahina sa grupo' walang emosyon na sabi ni Xavier. Aba't anong sabi nya?!! Ako mahina??! Eh kung pakitaan ko kaya sya ng kakayahan ko?! Antipatikong Xavier!! 'Naku zai,wag mo na intindihin yung sinabi nya,ganun lang talaga yun magsalita,pero mabait naman yun' sabi ni yvo. 'Oo nga,basta from now on samin kana sasama lagi hah, kami na ang bago mong friends ^___^' masayang sabi ni kyle. Ngumiti nalang ako sa kanila. Buti nalang may kaybigan na agad ako dito, ang babait nila pwera dun sa xavier na yun,ang swerte ko hehehe. Basta promise ako magpapakabait na talaga hahaha. After namin kumain pumunta na kami sa next class. Nakakaloka naman pala dito. History lang ang written subject tas yung iba oral na like dragon racing, pet battle, enhancing power tas yung exam labanan. Oh diba astig hahaha. Sa school talaga di nawawala yung boring na klase hahaha. Dragon racing ang next class namin, pag pasok namin sa loob ng battle ground ay sobrang daming tao. Anong meron?? ' ah nga pala zai, sa bawat oral subject ay magkakasama ang lahat ng student's ng enkantadia, yun nga lang ay hindi pwedeng magkalaban ang mas mataas sa mababa, same level Lang dapat.' Sabi ni authum. Ah kaya naman pala ang daming tao dito. Naupo na kami dahil magsisismula na ang race. Tumawag na si teacher Grover, ng mga maglalaro. Sa 1st level muna sya tumawag. 5 member per team. Ang laro na dragon racing ay hindi karera ng mga dragon. Ito ay labanan din kasama ng mga dragon nyo. May isang napakataas na flag na kaylangan kunin para manalo. Para makuha yun ay kinakaylangan na talunin muna yung kalaban para walang makapigil sa pag kuha nun. Pag nanalo naman ay magkakaroon ng dagdag points para pumasa at magpatuloy sa next level. Parang sa mortal world lang, every end of the year ay kikompyut ang grades na nakukuha sa bawat exams at quizes, kung mataas ang grades, makakapasa ka at magpapatuloy sa next year, pero kung hindi naman ay uilit ka sa year mo. Natapos ang laban ng 1st,2nd and 3rd level. Sa level naman namin. Tinawag si authum,summer,Kyle,c#1 and c#2 team A sila,team B naman sila calvin,yvo,Kenneth, c#3 and c#4. 'Go go Lang,manalo,matalo friends padin ok ^_^' cheer ko sa kanila, ngumiti at nagtumbs up naman sila sakin. Nag punta na sila sa gitna at nagstart na ang Laban. Ginagamit nila ang mga powers nila, team work ang labanan,at wala talagang gusto magpatalo. Hanggang sa nag blow ng malakas na wave attack ang kambal sa kalaban kaya nalubog ang mga ito sa tubig, nag kachance naman yung tatlo nilang kateam na kunin ang flag, kaya ang panalo ay ang team A ^____^. yeheyyyy....ang galinh ng mga bestie ko hahaha... Tuwang tuwa naman na bumalik yung kambal.at si kyle sa pwesto namin samantalang yung si yvo,Kenneth at calvin naman ay akala mo mga basang sisiw at nakasimangot hahaha.. 'Hahahaha losers blehhh :p' nangiinis na sabi ni summer. 'Pshh..makakabawi din kami ' sabi ni calvin habang pinapatuyo sya ni Kyle. 'hoy tag lagas, may kasalanan ka sakin!! Muntik na akong malaglag kanina,bigla bigla kang nanununtok!! Ang sakit kaya, ang payat mo kasi kaya puro buto ka Lang!!' Bulyaw ni yvo kay authum. Hahaha nakita ko nga pala na sinuntok agad ni authum si yvo nung pag angat palang nila. Kaya naout of balance si yvo kaya ka muntik ng malaglag hahaha. Laki ng galit ni authum dito eh.. 'Hoy malanding hangin! Sexy ako hindi buto buto, !.tsaka Wala akong kasalanan sayo, nagstart na ang game nun kaya any time pwede na akong umatake! Sayang nga eh, dapat nahulog kana!' Inis na sabi ni authum. 'wow wind na din ba ang power mo?? Bigla kasing humangin eh, ikaw sexy? San banda?? Hahaha' nang iinis na sabi ni yvo. 'Edi ikaw na maganda katawan, parang kang hipon, kain katawan tapon ulo hahahaha!!! Ang panget mo kasi ' ganti naman ni authum. 'Hay naku heto nanaman po sila -_-' summer 'A----' 'Hep!!' Pinutol ko na ang sasabihin ni yvo dahil di matatapos ang bangayan nitong dalawa -__-. 'Tara nang umuwi ' aya ko sa kanila,hinila ko na namin ni summer si authum at nauna nang umalis. 'Ms. Faust !!' Bago pa kami makalabas ng battleground ay may tumawag sa akin pag lingon ko si sir Grover pala. 'I'll give you time to prepare para sa magiging laban mo sa susunod na sabado,kaylangan mo nang malaman ang ability mo para makalaban kana at makakuha ng 1st points mo dahil late ka ng pumasok and para na din magkaroon kana ng dragon at pet, pagbutihin mo para makasabay ka sa mga ksabayan mo at para dika na nila pagtawanan.' 'Ahh sige po sir' pag kasabi ko nun umalis na kami. Excited na akong makita yung dragon at pet ko.. ^_^.. ' ui zai, anong ngiti yan?? Bakit parang excited kapa dyan?? Di kaba kinakabahan?? ' tanong ni authum. 'Ahhh, kinakabahan syempre,pero naeexcite din kasi mag kakaroon na ako ng dragon at pet *___*' ako. 'Kaylangan na nating mapalabas kung anong ability mo, bukas na bukas din ay magsasanay kana kasama kami diba guys?? ' sabi ni summer, nagsitanguan at ngiti lang sila Kyle,yvo at Kenneth pero si calvin at Xavier seryoso lang na naglalakad. Parehong walang pakielam sa mundo lalo na yung antipatikong lalaki na yun. 'Hay nakakapgod ngayung araw na to' sabi ni summer sabay bagsak ng katawan nya sa sofa. 'Nakakainis talaga pag mumukha nung malanding hangin na yun, nakakastress ang kapangitan ehh!!! ' inis na tugon naman ni authum. 'Akyat muna ko sa room ko, baba nalang ako mamaya pag kakain na ' paalam ko sa kanila. Pagpasok ko sa loob ng room ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Ang saya pala magaral dito mukhang nageenjoy ako ah,tsaka may mga kaibigan na ako agad hindi na ako mahihirapan makisama sa iba. ^___^... ---------- Kinabukasan...... 'Oy san ba tayo pupunta?? ' tanong ko sa dalawa. 'Sa training room namin, dun ka magsasanay' sabi ni summer. Sunday nagyun kaya walang pasok. Pag pasok ko ng training room. OoO banyan naging reaction ko. Grabe di ko akalain na ganito kaluwang dito, isa itong silid na ubod ng luwang tapos wala pang ibang gamit. 'Hi girl's!!' Bati nila syemprw except dun sa dalawang tahimik. 'Hello,pasensya na late kami tagal kasing magising nitong si zai eh ' sabi ni authum. Ay grabe sinisi pa talaga ako eh sa late talaga ako nagigising eh. 'Wag kang manisi, ang sabihin mo makupad ka lang gumayak!!' Yvo. Hayy eto nanaman po sila. -_-. 'Hoy wag kang sumabat di ka kasali sa usapan dito!! ' authum. Binelatan lang sya ni yvo. 'Tara na zai,para makapag start kana' aya ni kyle sa akin. 'OK ganito gawin mo maupo ka dyan sa gitna at magconcentrate' utos ni yvo. Ginawa ko naman ang sinabi nya. Then nagconcentrate. Maya-maya lang ay may naramdaman na akong enerhiya na bumabalot sa katauhan ko at may dumaloy papuntang kamay ko, pag dilat ko may apoy na. Napangiti naman ako. Akala ko iba ang mapapalabas ko eh panigurado buking ako haha. 'Kyahhhhh!!!' Tili ni summer habang papunta dito sa pwesto ko. 'Isang kang sub fire user?!! sa wakas kompleto na tayong warriors!!!' Mang hang sabi ni Kenneth. 'Wow, ang galing dina tayo mahihirapan mag hanap kung asan ang sub fire user, andito na pala sa tapat natin at nakakasama na natin eh hahaha' natutuwang sabi ni Kyle. 'Orayt!!! Hahaha!! ' sabi naman ni yvo. 'Oh ano.wala ka nang masabi kaya orayt nalang nasabi mo hahaha!! ' natatawang sabi ni authum. 'Ehh nasabi na nila lahat eh, bakit ikaw ba may masasabi kapa?! ' sabi naman ni yvo. Natahimik naman si authum. Tinignan Lang nya ng masama si yvo. 'Welcome sa grupo, zairene' nagulat naman ako sa pagsasalita agad ni Calvin. Wow perstym!! Akong kausapin nito ah,tas winelcome pa ako, 'Ahh salamat ^__^' nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti din sya sakin. Yaykss!!! Ang gwapo hahaha...landi ko!! Hihihi... 'Oy,xavier!! Di mo ba iwewelcome si zai,sa grupo? Sya na yung aprentice mo !' Sigaw na tawag ni yvo dun sa antipatiko, nasa malayo kasi sya ,sya lang yung di lumapit dito. Naglakad naman sya papunta sa pwesto naming, pagkalapit nya iniintay namin syang magsalita. Pero nakatitig lang sya sa akin, ano ba to ngayun lang ba sya nakakita ng dyosa?? Hahaha charot lang.. Bigla naman nya akong tinaasan ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa. Abat't tignan mo tong antipatiko na to. 'May choice pa ba ko? Kung pwede nga lang wala kana dito eh kaso hindi, you are now part of the group so welcome' ABA!! Wengya talaga tong lalaki nato ,naku namumuro na to sakin !! 'Oh well wala na din naman akong choice, kung pwede nga lang din na hindi ako ang apprentice mo eh, kasi diko gugustuhin na makasama ang isang antipatiko na tulad mo !!,so are feelings is mutual, at salamat sa pagwelcome mo sa akin *smirk*' ganti ko sa kanya. Mukha naman nagulat sya sa pag sagot ko pati na din ang iba. Tapos biglang nainis ang itsura nya. Tumalim ang tingin nya sakin. Heh!!! Pikon naman pala to eh hahaha... Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya akala nya matatakot nya ko sa tingin nyang yan. Tss...never!!!! ' ahh o...ok zai,si... simulan mo na u. Ulit yung training mo he-he.' Nauutal na sabi ni kyle. 'Tss...' yan nalang nasabi nung antipatiko tas tumalikod na at nagsimula ng umalis dito sa room.. 'Huu!! Nakakatakot talaga yung lalaki na yun, oy zai,pano mo nagawang sagutin yun ng ganun,buti di ka sinunog ng buhay nun!! ' sabi ni summer. 'Natatakot kayo sa antipatikong lalaki nayun?! Pshh.. di naman katakot takot yun -_-+. Tama na yang usapan na yan baka di ko matantsa yung lalaki nayun, at mapatay ko ng wala sa oras -_-' sabi ko sa kanila. 'Ang tapang mo pala zai,hahaha' sabi ni Kenneth. 'Teka nga ano ba yung warriors?' Pag iiba ko nalang ng usapan. 'Ang warriors ay binubuo ng 8 members na nagtataglay ng elemental power, sila nalang ang inaasahan ng lahat na taga pag tanggol laban sa kasamaan, dahil wala na ang nasa propesiya,' paliwanag ni yvo. 'Ahh so sa atin pala nakasalalay ang kaligtasan ng lahat ng taga enkantadia?' Sabi ko. Tumango namab silang lahat. 'OK,pinapangako ko na magiging malakas ako para sa kaligtasan ng lahat!!' Sabi ko sa kanila. 'Hahaha ang taas ng fighting spirit mo zai, sige umpisan mona magpalakas' sabi ni authum. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD