UWT 2: Pagkahuli!

1332 Words
------ ***Zamera's POV*** - "Kumusta ka naman?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Shiny, papunta na kami sa classroom naming dalawa. Magkaklasi kaming dalawa sa unang subject namin. Kakasimula palang ng 2nd semester at dalawang buwan narin ang ipinagbubuntis ko. "Okay lang. Masaya." nakangiti kong sabi. Masaya ako. Napakasaya ko sa pagsasama naming dalawa ni Kendrick. Sobra syang maalaga sa akin, lalo pa at dinadala ko ang magiging unang baby naming dalawa. Alam kong marami pa akong dapat abutin pero dahil kay Kendrick, sa pagmamahal nya sa akin, wala na yata akong mahihiling pa. "Masaya ako at naging maayos ang buhay mo sa asawa mo. At hindi nagiging katulad ang buhay mo sa buhay ng bestfriend ko. Well, halata naman mahal na mahal ka ni Kendrick. Maraming beses naman na mas mabait si Kendrick kaysa kay Ethan kaya impossible na maging katulad ang buhay mo sa buhay ng bestfriend kong si Alisson." Madalas nga nyang kwento sa akin ang tungkol sa bestfriend nya na dalawang taon nang nasa Canada. Pinakasalan daw ito sa batang edad na 18 pero nagkaroon daw ng babae ang asawa nito. Mayamaya lang, nakarating na kami sa loob ng classroom namin. Pagpasok namin sa loob, natahimik nalang ako. Sumama na naman kasi ang pakiramdam ko. Nahihilo na naman ako at sumasakit na naman ng bahagya ang puson ko. Ilang araw na akong ganito. "Anong nangyari sayo?" tanong ni Shiny sa akin, napapansin siguro nito ang pananahimik ko. Tanging tango at iling nalang kasi ang isinasagot ko dito. "Wala. Medyo nahihilo lang ako. Dala lang siguro ito ng pagbubuntis ko." "Namumutla ka." aniya, mabanaag ang matinding pagkaalala sa tinig nya. "Okay lang ako. Pag hindi mawala ang pagkahilo ko, aabsent lang muna sa mga susunod na subject. Unang araw pa naman ng klase." "Okay. But I hope, you will be fine later." Hindi gumaan ang pakiramdam ko kaya napagpasyahan kong umuwi nalang pagkatapos ng unang klasi ko, hindi din naman ako makapag- pokus dahil sa nararamdaman ko ngayon. Pagkarating ko sa condo unit ni Kendrick, kung saan kami nakatira ng asawa ko, wala akong ibang ginawa kundi ang humiga lang. Nagising ako sa tunog sa cellphone ko. Pangalan ng mommy ni Kendrick ang nabasa ko sa screen. These past days, medyo nagbago ang pakikitungo ng mommy ni Kendrick sa akin, madalas na akong kinukumusta nito mula nung may dinala ito sa akin na isang tea, tulong daw ito para sa pagbubuntis ko. Araw- araw itong tumatawag sa akin para kumustahin ang kalagayan ko at laging ipinaalala nito sa akin na dapat kong inumin ang tea na ibinigay nito sa akin. Lagi ko ngang iniinom ang tea na ibinigay nito dahil ayaw kong magtampo ito sa akin. Sa buong membro ng pamilya ni Kendrick, ang mommy nya ang gusto kong e- please lagi. Agad kong sinagot ang tawag ng mommy ni Kendrick, ayaw kong magalit ito sa akin. "Hello mom---" hindi pa rin ako sanay na tawagin syang ganito, pero sya na rin naman ang nagsabi na sanayin ko na ang sarili ko dito. Dahil bahagi na ako ng pamilya nila. "Zamera, nasa school ka ba ngayon? I am recently meeting an investor at malapit lang ako sa school nyo ngayon. May oras ka ba, ija? I just want to have a snack with you." "Mom, nasa condo ako ngayon." "Bakit ija? Wala ka bang pasok ngayon? Diba, 1st day of 2nd semester ngayon." "H- Hindi muna ako pumasok." "Bakit? Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" sunod- sunod na tanong nito. Ramdam ko naman ang pagkaalala nito sa akin. Nahihiya lang siguro ako dito kaya naiilang ako pag nasa harapan ko ito. "Okay na ako ngayon, mom!" "Mabuti naman. Anyway, pupuntahan nalang kita dyan. Wag ka nang magluto, sa labas na tayo magdinner." Hindi na ako nakatanggi kahit nahihiya ako dito. Nang tinapos nito ang tawag nito, napagpasyahan kong mag- text kay Kendrick. Hanggang 7 pm pa ang klasi ni Kendrick. Magpapaalam lang ako dito na isasama ako ng mommy nito baka magtaka ito sa pag- uwi nito na wala ako. Hi, are you busy? Yes, I am. I'll be home very late. Hindi ko maiwan ang ginagawa ko ngayon. Lumipas ang mahigit sa 30 minutes bago ako nakatanggap ng reply mula kay Kendrick. Naintindihan ko naman, talagang busy sya sa pag- aaral nya. Hindi naman kasi madali ang law school. Hindi madali ang kursong kinuha nya. Your mother invited me for a dinner sa labas. That's good. Ingat kayo. Ikaw din. Hindi na ako nakatanggap ng reply mula sa kanya. Medyo nanlumo ako dahil hindi man lamang sya ng 'I love you', sa akin. Dahil sa masyadong busy si Kendrick sa mga nakalipas na araw kaya hindi ko na naririnig sa kanya ang mga katagan na yon. Almost 7 pm nang dumating ang mommy ni Kendrick para sunduin ako. Nasa loob na kami ng kotse at binaybay ang daan patungo sa restaurant na sinasabi nya. Pero nanlaki ang mga mata ko nang inihinto nya ang kotse sa main gate ng university kung saan nag- aaral si Kendrick. "Mom, anong ginagawa nating dito?" kunot- noo na tanong ko dito. "Isasama nalang natin si Kendrick. Diba, tapos na ngayon ang klasi nya? Ako nalang ang tatawag sa kanya para sabihin na naghihintay tayo sa kanya dito sa labas. Pwede naman nyang balikan mamaya ang kotse nya." "Mom, ang sabi kasi nya sa akin na----" napatigil ako sa pagsasalita nang nakita ko si Kendrick na lumabas mula sa gate at may kasama syang isang babae. Nakaakbay pa sya dito. Naninikip ang dibdib ko kasi kilala ko ang babaeng kasama nya. Muntikan na kaming nagkahiwalay noon dahil sa babaeng ito. Mabait si Kendrick at alam ko naman mahal nya ako. Naging mabuting boyfriend sya sa akin bago kami ikinasal pero madalas lang talaga naming pag- aawayan ay babae, at dalawang beses na kaming muntikan maghiwalay dahil sa babae. Mahilig kasi syang mag- entertained ng babae at minsan clingy sya sa mga ito, katulad ngayon na nakaakbay pa talaga sya. I don't know if he is cheated on me o sadyang paranoid lang ako minsan. Ako lang daw ang mahal nya at naniniwala ako sa kanya. Nag- init ang bawat sulok ng mga mata ko pero pinigilan ko ang tuluyang pagtulo ng luha ko. Did he cheat on me again with the same woman? Akala ko ba hindi sya makalabas ngayon dahil sa marami syang ginagawa na hindi nya maiwan. Napatingin ako muli sa mommy ni Kendrick nang walang sabi- sabi na lumabas ito mula sa kotse. Nang nasa labas na ito, tinawag nito ang anak at kinawayan pa. Napatingin naman si Kendrick sa ina at mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa nitong pagtanggal sa braso nito mula sa kasama nitong babae. Mayamaya lang, pumasok na si Kendrick sa loob ng kotse. Nasa passenger seat ako kaya magkatabi kami ngayon. Hindi ko ito pinansin dahil masama ang loob ko dito. "Sweetheart, yong kanina, wala iyon. Sana wag mong bigyan ng malisya iyon." Hindi ako nagsasalita pero ang mommy ni Kendrick ang nagsalita. "Umayos ka Kendrick, wag kang tumulad sa ama mo. May asawa kana, panindigan mo ito. This is the reason why I don't want you yet to get married, you're still not mature enough to deal a married life, masyado ka pa rin mahilig sa babae. Tignan mo, may asawa ka na at buntis pa. Panindigan mo ang ginawa mo kay Zamera. Masyado kang nagmana sa ama mo, nagawa pa talagang buntisin ang ina ni Draeven kahit ikakasal na kaming dalawa. Wag kang tumulad sa ama mo, pakiusap lang!" walang pag- alinglangan na sabi ng ina ni Kendrick na parang kutsilyo na sumusugat sa puso ko kaya tuluyang nagpatulo sa luha ko. Hinawakan ni Kendrick ang kamay ko pero tinampal ko ang kamay nya na nakahawak sa akin. Masamang- masama ang loob ko sa kanya. "Umayos ka Kendrick, bago ka tuluyang maging abogado, ayusin mo muna ang sarili mo. May asawa ka na! Ipasok mo yan sa kukote mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD