UWT 3: Hindi Sapat!

1479 Words
------ ***Zamera's POV*** - Nakasandal ako sa headrest ng kama habang nagbabasa ako ng book ko sa psychology. Nasa sala naman si Kendrick, nag- aaral din ito. Mayamaya lang, medyo nakaramdam na ako ng pagkabagot kaya napagpasyahan ko na puntahan ang asawa ko sa sala. Pero hindi ko nakita si Kendrick, tanging nakabukas lang na laptop at ilang nakabukas na aklat ang nakita ko sa study area nya. Humakbang ako papunta sa kusina sa pag- asang nandun si Kendrick. Hindi naman siguro sya lumabas. Magpapaalam sya sa akin kung lalabas sya. Tama nga ako, nasa may kusina si Kendrick at may kausap sya sa cellphone. Mahina lang ang boses nya na parang takot sya na may makarinig sa kanya. Aalis na sana ako dahil baka pribado ang pinag- uusapan nila ng kausap nya pero napaurong ako nang may narinig ako na nagpabuhay ng kuryusidad ko. "Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo. Wag mo akong tawagan habang nandito ako sa bahay." tumigil muna sa pagsasalita si Kendrick, na parang pinakinggan nya ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Kunot noo naman ako. Sino kaya itong kausap nya? "Fine. Pupuntahan kita bukas sa apartment mo, basta wag ka lang tumawag sa akin at baka makahalata na si Zamera. Alam mo naman na buntis ang asawa ko. Ayaw kong magkaroon kami ng problema." Ewan ko pero nakaramdam ako ng kakaiba sa narinig ko mula kay Kendrick at ng kausap nya. May tiwala ako sa asawa ko. Alam kong medyo playboy nga sya sa limang taon na relasyon naming dalawa. Pero kahit ilang beses syang nagtaksil sa relasyon naming dalawa, lagi ko syang pinapatawad dahil mahal ko sya at talagang halos gagawin naman nya ang lahat para mapatawad ko lang sya. Kasal na kaming dalawa at magkakaanak na rin. Hindi naman siguro nya magawang magtaksil sa kasal naming dalawa. Baka masyado lang akong paranoid. Sabi nila, ang mga ganito daw mood ay dala lang daw ng pagbubuntis. Hindi ako mapakali, hindi ako makatulog, pabalik- balik sa isip ko ang narinig ko kanina kay Kendrick. Sino kaya ang kausap nya at bakit bawal itong tumawag sa kanya habang nasa bahay sya? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at napatingin ako sa cellphnone ni Kendrick na nakapatong sa side table. Kinuha ko ito at pinindot ko ang power button nito. Hindi naman ako mahilig mangialam sa cellphone ni Kendrick, ngayon palang kasi hindi talaga ako mapakali. Hindi ako makatulog hangga't hindi ko nabubuksan itong cellphone nya at malaman kung sino ang kausap nya kanina. Kailangan ko ang fingerprint ni Kendrick para ma- unlock ko ito kaya maingat kong inangat ang kamay nya at gamit ang thumb nya, ini- unlock ko ang cellphone. Mabuti naman at nagawa ko ito na hindi sya nagigising. Mayamaya lang, walang tigil sa pag- agos ang luha ko pagkatapos kong mabasa ang palitan ng chat nilang dalawa ni Kendrick at ng babaeng nakita kong kasama nya nung isang araw. Mga sweet messages ito at hindi ako tanga na hindi maintindihan na nagtaksil sa akin ang asawa ko. Pinagtaksilan ako muli ni Kendrick. Kahit kasal na kaming dalawa at magkakaanak na kami pero nagawa parin nyang lumandi sa ibang babae. Wala akong nagawa nang tuluyan akong napahagulhol sa pag- iyak. "Zamera, sweetheart---" nagising si Kendrick dahil sa iyak ko. "Sweetheart, anong nangyari? Bakit ka umii----" napaupo sya, tumabi sya sa akin. Hindi na nya natuloy ang ibang sasabihin nang ibinigay ko sa kanya ang cellphone nya. Inabot nya ito at tinignan nya kung ano ang nabasa ko sa cellphone nya na naging dahilan kaya ako napaiyak. "Zamera, w- wala 'to. Sweetheart, this is just n- nothing. I- Ikaw ang mah--" "Bakit Kendrick? Bakit? Bakit mo ito nagawa sa akin? B- Buong akala ko hindi mo na muli ito gagawin sa akin dahil kasal na tayong dalawa at magkakaanak na rin? B- Bakit? B- Bakit?" hindi ko napigilan at binayo ko ng suntok ang dibdib nya, habang walang tigil ako sa kakaiyak. Hinayaan nya ako sandali sa ginagawa ko. Mabanaag ng matinding guilt ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napahagulhol ako sa pag- iyak. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa nya pa rin ito kahit kasal na kaming dalawa. Mayamaya lang, niyakap nya ako ng mahigpit, sobrang higpit, pinilit kong kumawala mula sa kanya. "Sweetheart, please, pakinggan mo muna ako. Kung ano man ang nabasa mo, it was just a message, that's n- nothing. P- Please s- sweety, makinig ka muna sa akin." patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas. Gusto kong kumawala sa kanya pero hinigpitan nya ang pagyakap sa akin. Hanggang sa napasigaw nalang ako dahil nanakit na naman ang puson ko, doble ang sakit na naramdaman ko ngayon kaysa noong nakalipas na araw. Sigaw na sigaw ako sa sobrang sakit. Natataranta naman si Kendrick sa kung ano ang gagawin nya. Hanggang sa nakakita ako ng dugo sa hita ko. Ito lang ang huling naalala ko dahil tuluyan na akong nawalan ng malay. Nakahiga ako sa isang hospital bed, nakatingin ako sa kawalan. Hawak naman ni Kendrick ang kamay ko. Parang tumakas ang kaluluwa ko sa katawan ko nang sinabi ng doctor kanina sa akin na nawala ang ipinagbubuntis ko. At talagang sadya akong makunan dahil ilang araw na raw walang heartbeat ang batang nasa sinapupunan ko. Patay na daw ito ng ilang araw. Hindi ko maintindihan. Wala naman problema sa ipinagbubuntis ko sa huling prenatal ko. Dahil unang prenatal ko yon, I was having my transvaginal ultrasound bilang requirement na rin ng doctor sa akin. Healthy ang ipinagbubuntis ko, walang problema dito, rinig na rinig ko pa nga ang heartbeat nito. Pero paano nawalan ng heartbeat ang baby ko sa mga nakalipas na araw? Ito ba ang dahilan kaya madalas nanakit ang puson ko? Nakulangan ako sa ibinigay na paliwanag ng doctor sa akin. Sadyang tumigil lang sa pag- function ang puso ng baby ko at ewan ko kung bakit. Wala akong ganang kausapin si Kendrick dahil sa ginawa nyang kasalanan sa akin. Sunod- sunod lang ang pagtulo ng luha ko. Alam ko naman na nasaktan din si Kendrick sa nangyari sa anak naming dalawa. Hindi ko naman sya sinisisi dahil wala naman syang kasalanan, ang ikinagalit ko sa kanya ay ang ginawa nyang kataksilan sa akin. "Anong nangyari Kendrick? Bakit nakunan ang asawa mo?" agad na tanong ng mommy ni Kendrick nang dumating ito kasama ang asawa nito. Hindi ako halos makatingin dito. Natatakot ako na baka kung ano't- ano ang maririnig ko dito pag malaman nito ang dahilan kung bakit ako nakunan. Tahimik lang ako. Hinayaan ko si Kendrick na kausapin ang mga magulang nya. "It was my fault mom." "Bakit? Ano na naman ang ginawa mo?" halata sa boses ng ina nito ang galit. "Nagalit si Zamera sa akin dahil nahuli nya akong----" hindi na natuloy ni Kendrick ang sasabihin. Napatulo ang luha ko. Hindi man ito ang totoong rason kung bakit ako nakunan pero napakasakit pa rin isipin ang ginawang kataksilan ni Kendrick sa akin. "God!" tila frustrated na sambit ng ina ni Kendrick. "Ito na nga ba ang sinabi ko, Kendrick." "Mag- usap tayo!" ani ng daddy ni Kendrick sa anak. Sa boses nito, halatang galit ito. "Wag mong saktan ang anak natin. Sayo lang naman nagmana ang anak natin. Kung ano ang puno, sya din ang bunga!" "Kakausapin ko lang ang gago kong anak." ang daddy ni Kendrick. Mayamaya lang, naiwan na kaming dalawa ng ina ni Kendrick sa loob ng hospital room ko. Umupo sya sa upuan na nasa gilid ng kama ko. "Zamera, I told you, don't be too sensitive. You already know my son. Didn't I tell you before I agreed to your marriage with Kendrick, that my son won't change immediately? He's just like his father. I endured for years with his father's infidelity. Maybe Martin got tired of it and realized that he should stop his vices because our children are also growing up. I warned you that my son would still look back and may still taste other women even if you're already married. I know it's painful and difficult to accept, but if you want to be with Kendrick, just close your eyes, dear, you'll get used to it. This is what it takes to be with my son.Ang mahalaga lang naman ay ikaw ang asawa, sayo parin umuuwi at ikaw pa rin ang mahal. Doon ka na mamublema kung may iba na syang gustong uwian at iba na ang sinasabihan nyang mahal nya. Dahil iyon ang pinakamahirap sa lahat kung nagkaroon ka ng asawa na hindi marunog makontento sa isa at gusto pang tumikim ng iba." Napatitig ako sa ina ni Kendrick. Ewan ko pero nabuhay ang matinding kaba sa akin sa narinig ko sa kanya. Hindi ba talaga marunong makontento sa isa si Kendrick? Ibinigay ko naman halos lahat dito. May kulang ba talaga? Hindi ba ako pwedeng maging sapat nalang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD