------- ***Zamera/ Amora's POV*** - Matalim ang titig ni Carlota sa akin, sunod- sunod naman kasi ang kamalasan nya. Umabot na siguro sa milyon ang talo nya, at ako naman ang laging nananalo "Ikaw ang dahilan kaya ako laging natatalo." ani ni Carlota sa akin. "Carlota c'mon, naglalaro lang tayo, hindi ko hawak ang baraha mo." nakangisi kong sabi sa kanya. Hindi ako nagparamdam ng kahit anong emosyon sa kanya kahit pa galit na galit ako. Nakangisi lang talaga ako na parang iniinis sya. At nagtagumpay naman ako dahil nawawala sya sa pokus. "Wag ka kasing ma- tense masyado. Nade- detect tuloy ng baraha mo kaya minamalas ka." Hindi na sya nagsasalita pero ubod ng talim ang titig nya sa akin. Alam kong pinipigilan lang nya ang sarili nya na pagsalitaan ako ng mga masasakit na salita dahil

