-------- ***Zamera/ Amora's POV*** - Aalis na sana ko nang pumasok ang isang nurse sa hospital room ni Kendrick. Kaya napatigil ako sa pag- alis dahil sa sinabi nito. "Goodmorning maam, I will just check Mr. Montenegro's fracture on his back. His doctor will be coming in soon to talk to you." Anong pakialam ko sa doctor ni Kendrick? Hindi ko naman kaano- ano si Kendrick para ako ang kausapin ng doctor nito. Malaki na rin itong si Kendrick. Sya na ang bahala sa doctor nya. Mayamaya lang, napagpasyahan ko ang tuluyang umalis nang nakita ko na itinaas ng nurse ang suot ni Kendrick sa likod nito. Hindi naman ang ginawa ng nurse ang nagpatigil sa akin kundi sa nakita ko sa likod ni Kendrick. Tila may mga latay sa latigo. Saan kaya nya nakuha ang mga ito? Kunot- noo na tanong ko sa sar

