--------- ***Zamera/ Amora's POV*** - Kahit nasa bahay na ako pero ang lakas pa rin ng t*bok ng puso ko. Na parang kaharap ko pa rin ang anak ni Kendrick. Hindi ko maintindihan kung bakit ito ang naramdaman ko. Hindi din mawala- wala sa isip ko ang hitsura ng bata na kamukhang- kamukha ni Kendrick, katulad lang din sa anak kong si Kent. Sunod- sunod ang paglanghap ko ng hangin para kalmahin ang sarili. Nang bahagya akong kumalma, madami naman katanungan ang nabubuo sa isip ko. Sino ang bata na yon? Yon ba ang anak nina Kendrick at Tanya? Possibleng anak ng dalawa ang batang yon. Sa tingin ko kasing edad lang kay Kent ang batang yon. At sigurado ako, na ang hitsura ni Kent ay parang katulad lang din sa anak nina Kendrick at Tanya. Pero bakit may kakaiba akong naramdaman sa bata? Na

