CHAPTER 2

1137 Words
ZEN   "Totoy!" Malayo pa lang ay may tumawag na sa palayaw ko. 'Andito ako sa isang bar s***h arena na matatagpuan sa Ground Zero at manunuod este makikipusta ako sa mangyayaring gang fight.  "Yo!" Sumaludo ako na animo'y isa akong police pero tumawa ako pagkatapos pati na rin si Chase. "Pupusta ka toy?" Tanong niya sa'kin at kinuha ang maliit notebook na nasa likod ng pantalon niya.  "Aba oo naman, sino ba magtatapat ngayon?" Inaninag ko ang isang malaking screen sa arena at nakita ko ang mga pangalan ng gang na lalaban ngayon.  "Sa Nexus ang pusta ko." Binigay ko kay Chase ang pera ko. "Limang daan? Sa manok ka na lang pumusta toy!" Akmang ibabalik niya sa'kin ang pera nang may tinawag akong mga pangalan ng mga chika babes niya. Bago ko iniwan si Chase ay nginisihan ko muna siya. Nilapitan ko ang babaeng pinagtataguan ng mokong. Pipigilan sana niya ako pero nakalapit na'ko.  "Hey, what a nice shoes you have!" Pasweet kong approach sa babae kaya napahinto siya sa paglalakad habang nakatingin ako sa sapatos niyang 'eww' sa kagandahan dahil halos sira na ito. Muntik na akong mapangiwi pero ngumiti lang ako ng matamis nang tingnan ko na siya sa mukha. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Aba't! "Oh ikaw si Lena ‘di ba? Yung kasama ni Chase last time?"   Nakuha ko naman ang atensyon niya nang mabanggit ko si Chase. "Yeah, alam mo ba kung nasaan siya?" "Of course, wait here okay?" Umalis ako sa harap ni Lena at naglakad palapit sa babaeng nakaupo sa may bar counter. Siya naman ang latest girl ni Chase. Pero nakaka anim na hakbang pa lang ako nang may humatak na sa'kin palayo. "Oo na oo na! Ako na magbabayad sa kulang ng pusta mo." At dahil sa sinabi niya ay napa 'Yes' ako sa aking isipan.   "Pambihira naman oh, pa'no mo ba nalaman kung sino mga nakadate ko?" May halong irita sa mahina niyang boses.   Inikot ko na lang ang mga mata ko sa kadramahan ng lalaking 'to. "Ngayon ka pa ba naman magrereklamo sa tagal ko ng ginagawa 'to sa'yo?" Nilayasan ko na ang mokong na 'yon at naghanap ng pwesto malayo kay Lena. Malapit na kasing magsimula ang laban. Madugo 'to panigurado, ang bakulaw ng mga mukha ng parehong kampo eh. May nakita na akong pwesto pero may nakaupong lalaki rito, mga nasa mid forties na yata ang gulang. "Alis diyan," nakatayo ako sa harap ng kinauupuan niya. Kunot noong tiningnan niya lang ako kaya naiinis na bumuntong hininga na lang ako. "Sabi ko alis diyan." May diin na sa bawat salita ko. Gusto ko ng umupo at napakahirap kausapin ng panget na'to.   "Miss ikaw ang umalis kung ayaw mong makatikim mula sa'kin," pinatunog niya ang mga buto niya sa kamay at pinagalaw niya ang mga muscles niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nang akmang  tatayo siya para umatake ay mabilis kong hinablot ang hawak na kopita ng isang babae na dumaan at tinapon ko 'to sa mata ng panget.    Napasigaw niya habang nakahawak sa mga mata niya. Sinamantala ko ang pagkakataon at hinampas siya ng metal na upuan sa batok niya. Napatulog siya ng wala sa oras kaya bago pa ako maunahan ng iba ay kinapa ko ang bulsa niya at presto! May pitaka siya. "Salamat ah," winagayway ko ang pitaka niya at ibinulsa 'to bago ako umupo sa upuan na kinauupuan ng panget na 'yon kanina.   "May nadale ka na naman totoy!" Sigaw ng isang costumer. Kumaway ako sa mga nakinood sa ginawa kong eksena, "Thank you thank you!" Sagot ko na sinuklian nila ng tawanan. Natanaw ko si Chase na napapailing sa eksenang ginawa ko. Dinala na ng mga kalalakihan sa sulok ang nakaharang na katawan ng panget. Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang laban pero may nakita akong pumasok sa entrance. "s**t," mahina kong mura at agad na naghanap ng malulusutang lugar.   ASTRILL Kanina pa ako nakatitig sa school map na bigay ni Lady Sandy sa'kin pero hanggang ngayon ay talagang hindi ko maintindihan ang nakaguhit. Nandito pa rin ako sa harap ng D University dorm building. Naalala ko kanina bago ako iwan ni Lady Sandy sa locker room.   Pumasok kami sa isang malaki at marangyang hallway na puro pulang lockers lang ang ‘andito. Huminto si Lady Sandy sa tapat ng isang locker.   "This will be your locker and here is the key. Keep it safe, I tell you." May warning sa boses niya at tinanggap ko ang susi.   "Nandiyan ang dorm key, uniform, school manual at class schedule mo. Oh pa'no, maiiwan muna kita at may klase pa ako." Tahimik lang akong tumango bilang sagot at umalis na siya sa locker room.   At ngayon ay hindi ko alam kung saan ako papasok sa limang gates na nasa harap ko ngayon. Wala namang nakalagay sa mapa kung saan dapat ako. Pinagtitinginan na ako ng mga dumadaang estudyante. Maliban sa hindi ako naka school uniform ay nagmumukha na akong tanga dito. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Ayaw kong magkalat lalo na at baguhan lang ako dito. Hindi ko pa alam ang sistema rito. Para akong isda na inilipat ng aquarium. Hindi ko alam kung sino ang maaaring magdulot sa'kin sa kapahamakan. At maaaring nasa tabi tabi lang sila.   "Miss weird," may sumitsit. Hindi ako lumingon dahil hindi naman ako ang tinutukoy. At lalong lalo ng hindi ako weird. Lumakad ako papuntang dorm A nang may biglang nag bato sa'kin sa likod. Magaan lang ang binato sa likod ko kaya alam kong papel ito. Napakuyom ang kamao ko at marahas na lumingon para lamang bahagyang magulat. Ang babaeng nakabangga sa akin kanina ay prenteng nakasandal sa isang puno hindi kalayuan sa'kin.   "Are you f*****g talking to me?" Malamig kong tanong sa kaniya. Ngisi at kibit balikat lang ang sagot niya kaya lalong akong naasar.    "Ikaw 'yong nabangga ko kanina ‘di ba?" Tanong niya sa'kin habang ngumunguya ng chewing gum.   "Oo bakit?"   "Suplada mo Miss pero dahil may atraso ako sa'yo tutulungan kita sa problema mo," hinipan niya ang chewing gum at pinaputok 'to sa bibig niya. "’Ando'n ang dorm mo," turo niya sa Dorm E.   "Dorm E?" Bakit ako d’yan eh hindi naman ako low class warrior?   "Diyan talaga ang mga new students Miss." Naglakad siya at papunta sa'kin ang direksyong tinatahak niya. Sa paraan ng paglalakad niya ay parang wala siyang pakialam sa mundo habang ineenjoy niya ang pag nguya sa chewing gum. Tinitigan niya ang mata ko habang palapit siya ng palapit sa'kin at ako naman ay nakipagtitigan din sa kanya. Pero nang akala kong hihinto siya sa harap ko dahil sa sobrang lapit niya lang ay nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa mabangga niya ako. May mga nabitawan akong dala kaya mabilis ko itong dinampot. f**k! Biglang naglaho ang pagiging kalmado ko at akmang susugod sa nakatalikod na pigura ng babae nang biglang may pumigil sa'kin na kamay. Pagkatingala ko sa mukha ng pumigil sa'kin ay napaurong ang dila ko.   "Headmaster," sabay na saad namin ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD