CHAPTER 3

1125 Words
ZEN   Ngumiti ako ng nakakaloko habang pinapanood ko si Astrill Terrian na napaurong kay headmaster at base sa kaniyang pagkakatitig ay alam kong nahumaling siya sa mukha nito. Napailing na lang ako. Iba talaga ang karisma ng headmaster. Nang matagalan na yata ang kanilang pagtititigan ay tumikhim ako para maibalik silang dalawa sa realidad. Ang layo na kasi yata ng nalakbay ng mga isip nila. Hello! ‘Andito pa ako noh!   "Staring contest ba 'yan? Pasali naman oh," pinaliit ko ang boses ko para mairita silang dalawa. Marami na ang nagsabi na talagang nakakairita ang boses ko pag pinaliit ko ito. Sabay silang natauhan at sabay din silang bumaling sa akin. Umiiling na tiningnan ako ng headmaster habang masama ang tingin ni Terrian sa'kin. I really love to irritate people. "Oo nga pala headmaster, saang dorm house ba siya? 'Yan ang dilemma niya kanina bago ka dumating at makipagtitigan sa kaniya," inikot ko ang mata ko habang nag inarteng parang masusuka. Namula naman ang mukha ni Terrian habang balewala lang kay headmaster ang pambubuska ko sa kanila.    "Miss Terrian belongs to Dorm A." Hindi na ako nagtaka kung bakit A siya. Kadalasan sa mga exchange students ay nalalagay talaga sa A dorm house. Hindi tulad ng SC dorm house. Iniinis ko lang siya kanina kaya sinabi kong Dorm E siya. Ang Spider Web ay tawag sa SC dorm house dahil dito nakatira ang mga miyembro ng Spiders. Ang Spider naman ay isang kilalang samahan na itinalaga mismo ng Dark Family's second in command, Alexander Montegracia. Binuo ang Spider dalawang taon na ang nakakaraan matapos ang Taetoku Great War II. Ang Spider na yata ang pumalit sa Phoenix sa kasikatan. Pero may kakaiba sa Spider, ang grupong ito ay hindi binuo para magtulungan sa halip ay binuo para sa isang kompetisyon sa bawat miyembro ng Spider. Masasabing walang leader ang grupo at lalong lalo ng hindi sila magakakaibigan. Magkasama lamang sila pag may ipinagagawang trabaho labas ng Underworld Realm city ang Dark Family.   "Thank you headmaster," saad ni Astrill at binitbit na niya ang maleta niya papuntang gate ng A dorm house. Nang tuluyan na siyang pumasok ay nagsimula na rin akong maglakad palayo.   "Where do you think you're going, Miss Nakahara?"    Painosenteng lumingon ako sabay ngiti kay headmaster.   "Sa klase ko, headmaster." Maamo pa sa tupa kong sagot sa kaniya pero hindi yata umepek ang pagpapaamo style ko sa kaniya dahil hindi nagbago ang ekspresyon niya kaya ang tanging nagawa ko na lang ay mapakagat sa aking labi. Patay. Tumingin siya sa kaniyang relo. "Wala ng may klase ngayon Miss Nakahara, pinagloloko mo ba ako?" Parang binuhusan ng suka sa putla ang mukha ko. Alam ko na 'ata kung saan patungo ang pag-uusap na ito.   "In ten seconds dapat ay nasa D Chamber ka na," seryosong pahayag ni headmaster at umalis na. Aish! Nagulo ko ang buhok ko nang tuluyan na siyang maka-alis sa inis. Ayoko talaga sa D Chamber.   Ang chamber ay tulad ng detention room pero ang kaibahan ng D Chamber ay type A punishments ang nandito. Talagang parusa. Nagdadabog na tinahak ko ang direksyon papuntang D Chamber na matatagpuan sa likurang bahagi ng auditorium kaya talagang pagpunta pa lang do'n ay parusa na. Ang layo ba naman!     May nakakasalubong akong mga estudyante. May bumati at may mga walang pakialam. Nang makarating na ako sa D Chamber ay dumiritso ako sa locker room. Balewalang nagtanggal uniform ako kahit may possibilidad na may pumasok ot makakita ng pagbobold ko. Ang tanging itinira ko sa katawan ko ay blouse, shorts, underwear, bra at sando. Itinali ko ang buhok ko at lumakad na ako sa pasilyo. Bumungad sa'kin ang isang counter na may gwardyang babaeng nakabantay. Pero 'wag ka, panglalaki ang katawan ng babae.     "Name?" Tanong ng gwardyang babae sa counter sa'kin. Ang kapal talaga ng boses niya kasing kapal ng lips niya.   Kalmadong sumagot naman ako, "Just write Nakahara." Binasa na niya ang assault record ko ngayong araw. Diyan kasi magbabatay ang uri ng parusa na matatanggap.   "Type A. Dumiritso ka na sa-"   "Torture room,"ako na lang ang tumapos sa nais niyang sabihin pa. Tumataghoy ako habang naglalakad ako sa pasilyo ng D Chamber. Ang tanging maririnig mo lang ay mga nguyngoy ng pighati at sakit, pisikal man o emosyonal. Nangangamoy dugo rin. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa D Chamber alangan namang may party dito.   Hindi na ako kumatok para mabuksan ang torture room dahil nang-aanyayang nakabukas na ito pagdating ko. Pagtapak ko sa loob ay agad pumuno sa ilong ko ang baho ng tuyo na dugo. Nasa paligid din mapasahig  o dinding ang mga marka ng mga natuyong dugo. Awtomatikong nagsara ang bakal ng pinto sa likod ko.  Walang masyadong tao rito di tulad ng ibang punishment areas. Kadalasan ay hindi talaga ito nagagamit. Hinubad ko na ang blouse ko kaya tangin sando, shorts, bra at panty na lang ang natirang sinusuot ko. May dumating na malalaking mga lalaki na may takip sa buong mukha nila. Sila ang mga punisher o ang magpapasakit sa'kin.   "Take off your sleeveless. Balat sa balat tayo dito." Utos ng isang punisher kaya pinaikot ko na lang ang mata ko.     Tinanggal ko na nga ang puting sando at bra ko kaya tumambad ang isang tattoo na halos umukopa sa buong likuran ko.   Napatitig ang mga punisher sa tattoo ko na isang malaking gagamba na may numerong 13 sa uluhan nito.   Oo, isa ako sa mga Spider member.    Hindi ako nagpatali total hindi naman ako manlalaban.  Tumayo lang ako at yumuko habang nakahawak sa metal ang dalawa kong kamay. Naramdaman kong humakbang sila papalapit sa akin. Dinig na dinig ko rin ang pagkakahila nila sa isang latigong pinapalibutan ng mga bubog sa duluhan nito.   At sa paghagupit ng unang parusa ay mahigpit kong hinawakan ang bakal na tanging suporta ko. Sa bawat pagdaan ng minuto ay ang mas dumadami ang mga nagtatalsikang dugo. Hindi ko na rin alam kung ilang litrong pawis ang nailabas ko sa aking buong katawan pero hindi ako sumigaw miisang beses man lang. Sanay na sila sa akin dito. Kumbaga, natural ng tanawin ang pagkakatorture ko rito. Paulit-ulit na kasi akong naglabas pasok sa D Chamber dahil sa mga pagkacutting ko pero hindi pa rin ako tumitigil. Prime rule ng D University: Bawal lumabas.   Humihingal na umupo sa sulok ng torture room ang mga punisher. Kawawa naman sila, napagod yata sa kakahataw. Nilingon ko sila. "Oh mga bro, kaya pa?" Nakangising tanong ko sa kanila.   Umiiling na tumayo sila at binuksan na ang torture room. "Our job is done. You can go now." At sabay silang umalis. Hindi man lang ako binigyan ng damit.    Umayos ako ng tayo at pinulot ang sando at blouse. Sinuot ko ang mga ito kahit tila naliligo ako ng dugo. Matapos kong maisuot ang aking mga damit ay nag stretching muna ako bago tuluyang umalis ng torture room.     "f**k I'm so tired," antok na antok kong saad bago humikab.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD