Chapter 18

2108 Words
"No need to worry about what will happen to me. I’m sorry your family got dragged into my mess. I’ll get you both out soon.” Iyon na lamang ang aking sinabi saka lumabas at muling nilock ang selda. Sumulyap muna ako sa kanila bago ako umalis papalayo roon. Dahil sa nakabisado ko na ang daan papunta rito ay madali na lamang sa aking maglakad palabas ng lugar. Nagulat ang dalawang bantay sa labas nang bilang bumukas ang pinto. Hinagis ko papunta sa isa sa kanila ang susi saka tahimik na umalis papunta sa loob ng bahay. “Are you sure this will work, Noir?” Tanong ng isa sa mga tauhan ni Uncle. Napa-irap na lamang ako sa dilim. Kasalukuyan kaming nasa labas ng compound ng isa sa aking target. Inaabangan naming ang pagpalit ng security saka kami susugod ng tahimik. “Are you chickening out? You guys can go. I can do this by myself.” Rinig ko ang pagsinghal nito bago sumagot. “We won’t let you. We’ll never know if you’ll do something behind our backs.” Napangisi na lamang ako sa sinabi nito. I don’t even have to try. Maya-maya pa ay narinig kong may boses na sumigaw mula sa malayo. Sa aking pagkakarinig ay tinatawag nito ang mga kasamahang naglilibot sa lugar. Pasimple kong kinuha ang mga karayom na nakatago sa aking bulsa at inayos ang tabing kong suot sa aking ulo. “Attack on 3.” 3, 2, 1... Itinaas ko ang aking daliri at nagbilang. Nang maitaas ko ang pangatlong daliri ay sumenyas ako na sumugod sila. Mabilis na nagsilabasan ang mga ito sa kinatataguan at tumakbo papunta sa mga security na nasa paligid. Pasimpleng tumalon ako paakyat sa malapit na puno. Walang ingay na lumapag ako sa isa sa mga sanga nito. Muli kong sinulyapan ang mga tauhan nila Uncle. Nang masiguradong busy ang mga ito sa mga kalaban sa baba ay muli akong tumalon sa kabilang puno kung saan malapit sa may balkonahe ng ikalawang palapag ng bahay. Bumaba ako sa balkonahe at tahimik na binuksan ang glass door. Bahagya kong hinawi ang kurtina na nakatabing roon. Malabo man ang aking paningin pero kita ko ang pigura ng lalaki na may binabasang papel. Agad akong lumabas sa aking kinatataguan. Nang makita ako nito ay napatayo ito sa gulat. Agad akong sumenyas na tumahimik ito at ibinaba ang tabing at ipinakita ang hawak kong karayom, Tumango ito sa akin tanda na nakilala ako nito. Nakatayo lamang ako sa harap ng nakahandusay na lalaki. Rinig ko ang biglang pagbukas ng pinto ng kuwarto. Lumapit ang isa sa kanila sa aking tabi saka nagsalita. “He’s dead?" Ipinakita ko rito ang hawak kong patalim na may bahid ng dugo. Nang makita kong akmang lalapitan nito ang lalaki ay agad kong pinigilan ito at hinawakan ang pulsuhan. Nagtataka itong tumingin sa akin umiling lamang ako dito. “The police are here. We need to get out here now.” Saglit pa itong sumulyap sa lalaking nasa sahig bago lumabas ng bintana. Agad na sumunod ako at lumabas sa bintana. I hope he can figure out this case. That man can only hold his breath not too long. Nang makabalik kami sa hideout nila Uncle ay agad na sumalubong sa amin ang lalaking taga￾Underworld. Agad kaming yumukod rito. “We just need to kill 3 more on the list.” Nanatili lamang itong nakatingin sa amin saka tumango-tango. “You know Noir, I appreciate you doing your job fast. But-“ Bahagyang napa-angat ang tingin ko sa lalaki. “...but I heard you did something unusual earlier.” “We were almost caught by the police. So, I took the matters in my own hands.” Rinig ko ang paghakbang nito papalapit sa akin at hinakawan ang aking baba at inangat ang aking ulo. Hindi ko man siya makita ay ramdam ko ang matalim nitong titig sa akin. “Oras na malaman kong may ginawa ka maliban sa utos ko, sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas ng buhay sa islang ito.” Marahas nitong binitawan ang aking baba dahilan para mapaatras ako ng isang hakbang rito tumalikod ito sa akin at nagsimulang maglakad papalayo. Sumunod na narinig ko ay ang pagsinghal ng aking katabi. Napairap na lamang ako sa kaniya at umayos ng tayo. Pasimple ko pang pinahid ang parte ng baba ko na hinawakan kanina. “Next time, he’ll hit you again with a chain. And I’ll be happy to watch you writhe in pain.” Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at dire-diretsong naglakad papunta sa selda nila Tita. Bago pa man ako makapasok sa pinto ng basement ay hinarang ako ng dalawang bantay nito. “Miss Noir. Sabi po ni Boss hindi ka po pwede munang pumasok dito.” Bahagyang nanliit ang mata ko sa narinig. Malamig akong nagsalita. “Did he do something with them?” Natahimik lamang ang dalawa sa akin. Walang anu-anong dumeretso ako at binuksan ang pinto papuntang basement. Pipigilan pa sana ako ng mga ito pero mabilis na itinutok sa lalaking nasa kanan ang b***l nito na pasimple kong kinuha mula sa bulsa nito. Rinig ko ang paghugot nito ng hininga nang malamang kaniya b***l ang aking hawak. Matalim akong tumingin sa kaniya. “I don’t care if you tell the Boss what I did. But I know for sure you won’t come back here alive to guard this door again.” Mabilis kong dinis-assemble ang b***l sa kaniyang harap at hinayaang mahulog sa sahig ang mga piyesa. Tumalikod ako sa kanila saka nagsimulang bumaba ng basement. Pero agad rin akong tumigil at bahagyang nilingon ang kanilang gawi. “Don’t worry I won’t take the key. I’m just here to check for my hostages.” Narinig ko ang mahinang bulungan ng dalawa habang papalayo sa lugar. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy maglakad papunta sa selda nila Tita. Ilang metro na lamang ang layo ko sa kanilang selda nang maramdaman ko ang isang hindi pamilyar na presensya. “Who are you?” Napakunot ang aking noo nang hindi ito sumagot sa akin. Nagsimula akong maglakad papunta rito pero agad rin akong natigilan nang magsalita ito. “Did you really forget who I am?” Nakuyom ko ang aking kamay. She’s here. “It doesn’t matter if I know you or not. You’re not supposed to be here.” Nakarinig ako ng yapak sa aking gilid. Napa-mura ako sa aking isip. Since when did she walk towards me? “Your eyes. What happened to you?” Napangisi na lamang ako sa kaniya at hinarap ito. Gustohin ko mang maniwala na concerned ito sa akin, pero the way things lined up, she’s here about something. And that something is death battle. “I’m only blind but I can still hear you. It doesn’t change anything. If you’re here because of death battle, I can still fight. But if you’re here as a rescue,” Walang-anu-anong itinutok ko sa kaniya ang hawak kong dagger. “I won’t hesitate to kill you here right now, Noelle.” Mahina itong natawa sa narinig. Pero agad rin siyang natahimik nang walang anu-anong pinadaplisan ko siya sa leeg ng hawak kong patalim. Dumiretso na lamang ako ng tingin at nagsimulang humakbang papunta sa selda nila Tita. “I’ll pretend I didn’t see you today. And tell whoever you are working for that I don’t want to be your enemy. If your methods will cross mine, then consider the next time we meet, it’s a fight to the death.” Magsasalita pa sana siya kaso natigilan ito. Nanatili lamang akong nakatayo at diretso ang tingin hanggang sa narinig ko ang kaniyang hakbang papalayo sa akin. Ilang minuto na rin akong nanatiling nakatayo sa aking pwesto ng tahimik. Narinig ko ang kaluskos mula sa selda nila Tita. “You know, she can help you.” Tipid na ngumiti lamang ako saka naupo sa sahig at isinandal ang aking likod sa malamig na pader na katapat ng selda nila Tita. “She can. But what about your family?” Ramdam kong natigilan ito sa aking sinabi. “You and Tito hid my sister, right? Pretty sure your five years of being quiet with Dark World would go to waste.” Natahimik ito sa aking sinabi. I had my suspicions before when I saw that picture of Tito with the other leaders. But then I saw the old picture of us twins with Az playing in the familiar field. The only memory I had that time is us playing with the other children of the leaders. I’m gonna say for the innocents, it went well. But for the others, they didn’t get home unscathed. Ngumiti lamang ako sa gawi ni Tita. “I’m not mad at you for keeping her from everyone. Thank you, Tita, for taking care of her. If you and Tito didn’t, pretty sure her hands would be forever stained with blood like me.” Bigla kong naalala yung panahong unang beses kong pumatay ng tao. It was during my first mission sa agency. Tanda ko matapos ng mission na iyon ay isang araw akong nagbabad sa bath tub at pilit na tinatanggal ang pakiramdam at ala-ala ng pagkuha ko ng buhay ng mga tao. “Thank you, iha. Now what’s your plan? Is there anything me and Tala can help? Maybe distract the men outside?” Umiling lamang ako kay Tita. Saka muling nagsalita. “You should rest Tita. Later, Ice and my team will help you both get out of here. They’ll be taking you out to the city. This Island is not safe anymore.” “W-what about you?” Mapait akong ngumiti sa kaniyang tanong. “What happens to me doesn’t matter Tita. After this, I’ll make sure no family will suffer from the Dark World.” Pumikit ako saka isinandal ang ulo sa malamig na pader sa aking likod. Muling nagsalita si Tita. “You’ll come back to the city with us, right?” Natigilan ako sa narinig pero hindi ko iyon pinahalata kay Tita. Nanatili lamang akong nakapikit at nagkunwaring tulog. Narinig ko pa ang mahihinang kaluskos sa gawi ni Tita. Maya-maya pa ay tumahimik ang paligid. nanatili lamang akong nakaupo doon ng kalahating oras bago tumayo at naglakad palabas ng lugar. Tahimik na binagtas ko ang daan papunta sa bahay. Ramdam ko ang mga tauhan ni Tito sa paligid na naglilibot sa lugar. Nakakapagtaka na ni kahit isang ilaw ay wala akong maaninag sa paligid. Napahinto ako sa paglalakad saka kinapa ang bulsa ng suot kong jacket. Nang makapa ko ang maliit na lalagyan na ibinigay sa akin noon ng doktor. Nang makuha ko iyon ay agad ko itong binuksan at kinapa ang laman ng maliit na lalagyan. Nang wala akong makapa ay tahimik na ibinalik ko ang lalagyan sa aking bulsa. It’s too late to find for a cure. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pagbukas ko ng pinto ay narinig kong may kausap si Tito. Base sa boses nito ay galing ito sa Underworld. Saglit na tumahimik ang mga ito. Sa palagay ko ay nakita nila akong nakatayo sa may pinto. “Is there something wrong, Noir?” Agad akong napayuko sa kanilang gawi. Naglakad ang mga ito papalapit sa akin. Nanlamig ako nang may humawak sa aking balikat. Pero mabilis na kinalma ko ang aking sarili. “I hope you’re ready for the Death Battle later.” “Yes. And I know I’ll fight against my sister.” Natigilan ang mga ito sa narinig. “Don’t worry. When I face her, I’ll wear a blindfold. I also came here for something.” Ramdam kong nagdadalawang-isip ang mga ito sa aking sinabi. Umayos ako ng tayo pero nanatili lamang ang aking tingin sa baba para hindi nila mahalata ang problema ko sa mata. “For something?” “If it’s anything within our capabilities, we will give it to you for sure.” I guess this is the last thing I could do. It’s up for my twin, Ice and Az on what to do next. “I’ll deal with the Zolten after the Death battle.” I’ve been planning on what to do when this day comes since the moment that I saw the documents my uncle keeps about Dark World. It’s enough for me to doubt whatever he says to me. I just hope things would go my way. If I can’t, I’ll make it so that these men get what they deserve. “Okay we’ll let you. For now, focus on the Death battle later. Make sure to give great results.” Yumukod ako sa kanila. “Understood.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD