Nakita ko mula sa gilid na hawak-hawak ng dalawa niyang kasama sila Tita at Tala at nakatutok sa kanila ng mga hawak na b***l ng mga lalaki. Ibinalik ko ang tingin sa lalaking nasa harap ko na nakangisi parin. Napipilitang ibinaba ko ang hawak kong b***l. Saka nagsalita sa lalaki.
“If you want to make this convincing, tell them to put away their gun.”
Napasulyap ako kila Tita na nalilitong naka tingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin saka muling ibinalik ang tingin sa lalaki. Lumingon ito sa kaniyang mga kasama saka sumenyas na itago ang kanilang b***l na agad naman nilang ikinatango.
“A-ate, what’s the meaning-“
“Shut up and stay still or I’ll pull the trigger on your heads.”
Ani ko sa kaniya saka napapikit at bumuntong-hininga. Maya-maya ay nakarinig kami ng paghinto ng sasakyan sa di kalayuan. Kasunod non ay ang mabibilis na yapak papunta sa aming gawi. Kahit hindi ko ito lingunin ay alam ko kung sino iyon.
“Where’s Noir?! Let them go!”
Umikot ako at humarap sa pinanggalingan ng boses pero nanatili parin akong nakayuko napahigpit ang hawak ko sa aking b***l. Kasabay ng pag-angat ko ng tingin ay ang unti-unti kong itinaas ang kamay na may hawak na b***l. Nagulat sila Tito at Sam na makita ako. Agad na kumunot ang noo ni Sam. Nanlaki din ang mata ng mga kasamahan ni Sam nang makita ako. Ngumisi ako sa kanila saka itinutok sa mag-ina ang hawak kong b***l.
“Let us go and I won’t kill them. Pull out your hidden team.”
Walang anu-anong tinutok sa akin ni Tito ang kaniyang b***l at pinaputok iyon. Agad naman akong umikot pata umiwas saka itinutok ang b***l sa sahig sa harapan ng mag-ina at pinaputok iyon.
Napasigaw naman sina Tala, Tito, at Sam pero nanatiling tahimik lamang si Tita. Nang muli akong humarap kay Tito ay napipilitan nitong ibinaba ang hawak na b***l at sumenyas. Kasunod non ay ang paglabas ng mga nakatagong tauhan nito sa paligid. Kasunod nilang lumabas ay ang mga tauhan ng lalaking may mga suot na maliliit na badge sa kanilang damit. Nakatutok ang b***l sa mga tauhan ni Tito. Bumulong ako sa lalaki pero nanatili lamang akong nakaharap kina Tito.
“The moment your men shoot them, I will make sure none of us will be alive after this.”
Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko sina Tala at Tita na napatingin sa aking gawi dahil sa sinabi ko. Hindi ko sila nilingon at itinutok kay Sam ang b***l. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki sa aking likod at nagsalita ito.
“I’m just here to make your task easier.”
“Take them away I’ll take care of things here.”
Sabi ko na lamang sa kaniya. Nang hindi nito sinunod ang aking sinabi ay muli akong nagsalita.
“You have my hostages. I can’t do anything. Take them away and I’ll meet you at the base.”
Kita ko sa gilid ng aking mata na dinala papalayo ng mga tauhan ng lalaki aang mag-ina. Napa-kunot ang aking noo nang hindi manlang sila umalma nang hatakin sila papalayo sa lugar. Nanatili lamang ako doon na nakatayo at nakatutok ang b***l kina Sam. Mula sa kanilang likod ay nakita ko ang paglapit ni Ice papunta sa akin. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang nakatutok ang b***l kina Sam. Nagulat ako nang ilang hakbang na lamang ang layo niya sa akin nang bigla niyang sinipa ang aking kamay na may hawak na b***l. Mabilis na sinuntok ko siya sa tiyan dahilan para mapaatras siya at agad kong sinalo ang b***l at kinalabit ang gatilyo non. Natamaan siya sa kaliwang balikat na kaniyang ikinatumba sa kalsada. Agad siyang dinaluhan ni Xin at hindi ito makapaniwalang napatingin sa akin. Agad na iniwas ko ang tingin kay Xin at ibinalik ang tingin kay Sam.
“Don’t worry. I won’t hurt them for now. You still have three days to not do anything stupid and I’ll return them to you without a scratch.”
Mabilis na dinis-assemble ko ang hawak kong b***l at hinayaang malaglag ang mga piyesa sa sahig. Tumalikod ako kina Sam at bahagyang nilingon si Ice saka mahinang nagsalita.
“I’ll give you two days to find out where the base is. I’ll leave out marks if I can. If I can’t make it after three days, make sure Tita and Tala can come out safe. If you need back up, I already sent a message to my men.”
Nang mapansin ko ang isa sa mga tauhan ni Tito na papalapit sa akin ay agad akong naglakad papalayo sa lugar. Pinakiramdamamn ko ang paligid kung may sumusunod sa akin. Nang makarating ako sa kanto ng kalsada ay nakita ko ang isang puting sasakyan. Biglang bumukas ang pinto nito at doon ko nakita sina Tita at Tala na nakaupo sa loob ng sasakyan. Tahimik na sumakay ako doon saka isinara ang pinto ng sasakyan.
Habang nakasakay kami sa sasakyan ay nakaramdam ako ng biglang pagkahilo. Napapikit ako at napahilot sa sentido.nang muli kong idinilat ang aking mga mata ay laking gulat ko nang biglang lumabo ang aking paningin. Ilang beses ko pang kinusot ang akin mata pero Malabo parin ang aking paningin.
The poison’s effect came too soon. Now I have to pretend I can see.
“Is something wrong, Noir?”
Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses saka umiling. Malabo man ang aking mata, pero naaninag ko ang pigura nito na tumango. Umayos na lamang ako ng upo saka napapikit. Halos isang oras ang nakalipas ng aming biyahe ay huminto ang sasakyan sa isang lugar. Agad akong bumaba at muling kinusot ang aking mata. Medyo may kalabuan parin ang aking nakikita pero sapat na iyon para makita ang aking nilalakaran.
“We’ll take them to the basement. You go ahead and meet boss. He’s waiting for you at the lobby.”
Sinulyapan ko sila Tita na hawak-hawak ng mga lalaki saka ibinalik ang tingin sa lalaki at tumango. Pasimpleng sinipat ko ang paligid kung saan ako pwede mag-iwan ng marka. Nang makakita ako ng pigura ng puno ay saka ko naman pasimpleng sinipat ang paligid kung may cctv sa paligid. Nang masigurong wala ay muli akong napabaling sa papalayong pigura nila Tita at mga tauhan ng lalaki. Nang masigurong nakalayo sila sa akin ay pasimple kong kinuha ang nakatagong maliit na blade sa aking bulsa saka naglakad papunta sa puno at mabilis na nilagyan iyon ng marka. Nang matapos ay ibinaon ko ang blade sa sanga ng puno at muling luminga sa paligid bago pumasok sa bahay na medyo may kalumaan sa labas.
Nang makapasok ako ay laking gulat ko na ni-isang tao ay walang nakabantay sa loob. Ipinikit ko ng mariin ang aking mata at bahagyang umiling at muling iminulat ang mata. Nang medyo luminaw ang aking paningin ay mabilis na nilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng lugar. Kita ko ang hagdan sa gilid doon ko lang napagtanto na nasa sala pala ako ng bahay. Muli kong nilingon ang buong paligid. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa ikalawang palapag. Agad akong napatingala roon. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga hakbang papunta sa aking gawi. Kasunod non ay lumabas si Uncle at may kasama itong lalaki at limang mga tauhan. Nang makita nila ako sa baba ay natigil ito sa kanilang pag-uusap. Napangiti si Tito nang makita ako. Pero nanatili lamang ang aking tingin sa kaniyang kausap kanina.
“What brought you here, Noir?”
Tanong ng kausap ni Uncle. Hindi ako sumagot sa tanong nito. Isang minuto ang nakalipas at si Uncle na lamang ang sumagot sa lalaki.
“Oh, you know each other?”
Pinagsalubong ni uncle ang dalawang palad at napangiti lalo sa kaniyang nalaman pero agad akong nagsalita.
“Why do you know him, uncle?”
Saglit na nawala ang ngiti ni Uncle sa kaniyang mukha at muling lumingon sa kausap. Base sa reaksiyon nito ay isa sa mga tao sa Underworld ang taong iyon.
I’m still not sure whether my Uncle is purposely playing with fire or he’s onto something. Something that involves the Underworld. And there is only one thing I can think of if it involves the Underworld.
“Don’t worry, I’m here to tell you I have found a trace of your twin in the island. I’ll see to it you both can now see each other tomorrow.”
Napangiti ako sa kaniyang sinabi at yumukod. I have to find a way to explore the place before my vision goes completely gone.
“Thank you, sir. But I don’t want to trouble your team for this. Just tell me where she is and- “
“No. I don’t mind. Besides, I need you to do something for me.”
Napa-angat ang aking tingin dito saka ako sumulyap kay Uncle. Napa-iwas ito ng tingin sa akin. Umayos ako ng tayo at itinago sa aking likod ang kamay na ngayon ay nakakuyom. Malamig akong nagsalita.
“What is it?”
Ngumiti ito at naglakad pababa ng hagdan. Nang makalapit ito sa akin ay inabot nito ang isang maliit na papel. Saglit ko pa muna itong tinitigan bago kinuha sa kaniyang kamay. Pagbuklat ko ng papel ay laking gulat ko nang makitang mga pangalan iyon ng mga lider ng Dark World at iilang miyembro ng Underworld. Kasama na roon ang ama ni Sam.
“You want me to take down these men?”
Tumango ito sa aking sinabi. Muli kong itinupi ang papel at ibinalik sa kaniya saka lumuhod.
“I’m sorry. I don’t think I can do it.”
Biglang tumawa ang lalaki pero hindi ko inangat ang aking tingin dito. Sumunod na narinig ko ay ang paglapit ng isa sa mga tauhan ng lalaki at base sa aking narinig ay may dala-dala itong kadena.
“You should know I don’t take no for an answer, Noir.”
Napapikit ako at inihanda ang sarili sa susunod nitong gagawin. Naramdaman ko ang paglapit ng isa nitong tauhan sa aking likod. Halos mawalan ako ng hininga nang tumama ang kadena nitong hawak sa aking likod. Natukod ko ang aking kamay sa sahig para hindi ako tuluyang masubsob saka napaubo ng dugo. Dalawang beses pa ako nitong hinataw ng kadena sa likod. Nanatili lamang akong nakayuko at nakaluhod sa harap ng lalaki habang habol-habol ang hininga.
“Do it or you’ll know what will happen to your twin.”
Nakuyom ko ang aking kamay sa narinig saka nanginginig na nagsalita.
“I-I will do it.”
Muli kong sinulyapan ang hawak kong listahan pero agad ko ring itinago nang hindi ko iyon mabasa. Kinapa ko ang tray na may lamang pagkain nila Tita na nakapatong sa mesa at hinatak iyon papalapit sa akin. Binuhat ko iyon at nagsimulang maglakad papunta sa basement kung saan nila itinago ang mag-ina. Nang makarating ako sa pinto ng basement ay ramdam ko ang presensya ng dalawang bantay sa pinto.
“I’m here to deliver the food.”
Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa harap. Diretso lamang akong nakatingin saka nagsimulang maglakad papasok sa loob. Pero agad rin akong natigilan nang magsalita ang isa sa kanila.
“Miss Noir.”
Unti-unti akong lumingon sa gawi nito habang nakakunot ang aking noo.
“Pang-isang tao lang po ang pagkain?”
Napangisi na lamang ako sa kaniya.
“If you’re the hostage, magkakaroon ka pa kaya ng ganang kumain?”
Rinig kong binulungan siya ng kaniyang kasama sa tabi.
“Ah, kung ako ‘yon, kakain ako ng marami.”
Napa-iling na lamang ako sa narinig at matalim na napatingin sa kaniyang gawi.
“Keep on talking and I’ll slice that tongue of yours. Sigurado, di ka makakain pag ikaw ang makidnap sa lagay na iyon. Now, give me the key to the cell.”
Ani ko sa kanila saka inilahad ang aking kamay. Inabot nito sa akin ang susi saka ko sila tinalikuran at inilagay sa aking bulsa ang susi saka naglakad papalayo. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay inilipat ko sa kaliwang kamay ang tray habang ang kanan kong kamay ay pinapakiramdaman ang paligid. Dahan-dahan akong naglakad pakanan hanggang sa maramdaman ko ang malamig at magaspang na pader. Nagsimula akong maglakad paabante. Habang binabagtas ang lugar ay rinig ko ang mga mahihinang pagtulo ng tubig sa kung saan. Pati ang mga huni ng maliliit na daga sa paligid ay rinig ko. Amoy ko rin ang pinaghalong kalawang at dugo sa paligid. Sa aking palagay dito nila inilalagay ang mga nahuhuli nilang undercover agents. Halos isang minuto rin akong naglakad saka ko narinig ang boses ni Tala sa di kalayuan. Agada ko umayos ng tayo at pinakinggan ng maiigi kung saan nanggagaling ang boses.
Muli kong inilipat ang hawak kong tray sa aking kanang kamay at ang kaliwa ko namang kamay ang ginamit kong pandama. Nang malapit na lamang ang pinanggagalingan ng boses ay bumitaw ako sa pagkakahawak sa pader at hinawakan ang tray gamit ang dalawang kamay.
“…won’t let us out even if you scream.”
“Tala.”
Natigil sila sa pag-uusap nang marinig ang aking boses. Ibinaba ko ang hawak kong tray sa sahig at kinapa ang sellda kung saan ang lock. Natigilan ako nang biglang may malamig na kamay ang humawak sa aking pulsohan.
“Y-your eyes Ate. Did they do something to you?”
Agad akong napalayo sa kaniya saka tumalikod at ipinikit ang mata. Ilang beses pa kong kumurap-kurap hanggang sa medyo may kalinawan na ang aking paningin at muling humarap sa kanila. Kinuha ko ang susi sa bulsa saka mabilis na binuksan ko ang pinto. Dinig ko ang mahihinang tunog ng pagkiskis ng mga bakal habang binubuksan iyon. Kinuha ko ang tray sa sahig saka pumasok sa selda nila Tala at isa-isang inilagay ang laman ng tray sa sahig. Ramdam kong nakatitig lamang ang dalawa sa aking ginagawa. Nang matapos ay tumayo ako at akmang lalabas nang may humaklit sa aking t-shirt sa likuran. Hindi ko mapigilang mapa-igik at mabitawan ang hawak na tray. Nang mapaluhod ako sa sahig ay agad akong dinaluhan nila Tita. Akmang itataas nito ang likurang bahagi ng aking t-shirt pero agad kong hinawakan siya sa pulsuhan.
“D-don’t- “
Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay tuluyan nitong nai-angat ang aking t-shirt. Pareho silang napasinghap nang makita ang aking tama sa likod. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili.
“I have received an order to deal with your family. Don’t worry, I won’t kill them. Just hang on here for two days. I promise these guys won’t do anything to you.”
Akmang maglalakad ako papalayo nang magsalita si Tita na ikinatigil ko.
“I understand why you let them take us. Did they do something with your twin? Or you’re held hostage for the Deathbattle?”
I hate how Tita is smart at this. As expected for the Miss of Zolten.
“W-what do you mean, Ma?”