“Let’s go inside.”
Nakasunod lamang ako sa likod ni Sam na naglalakad papasok ng mansiyon. Sumilip ako sa bintana ng mansyon agad kong napansin na ni isang ilaw walang nakabukas. It’s quiet, too quiet. Napa-isip ako.
A set up.
But I know the owner. He won’t leave at a time like this. Binalik ko ang tingin ko sa likod ni Samael. Akmang bubuksan nito ang pinto pero agad itong natigilan. Mabilis na pinagmasdan ko ang kakaibang pattern ng dalawang doorknob. Napalingon siya sa gawi ko. Agad kong hinatak papunta sa kaniya ang lalaking ‘hostage’ ko kuno.
“Let him open it.”
Tumingin muna si Sam sa akin saka tumango sa lalaki. Agad na lumapit ito sa pinto at nanginginig ang kamay na binuksan ang kaliwang seradura. Bago niya pa man tuluyang mabuksan ang pinto ay agad akong sumigaw.
“Move!”
Mabilis na hinatak ko paalis ang lalaki. Saka ko ito sinipa sa tiyan na ikinatumba nito sa sahig tinutok ko sa kaniya ang hawak kong espada. Pagalit akong sumigaw.
“You, b***h!”
Akmang sasaksakin ko ito nang pigilan ako ni Sam. Nanlilisik ang mata kong binalingan ito. Magsasalita na sana ako kaso agad akong inunahan nito.
“Hostage siya diba? Don’t you dare do anything to him!”
Marahas na hinablot ko ang braso ko sa kaniya saka galit na bumaling sa lalaking nasa sahig. Binitawan ko ang hawak kong espada saka kinuha ang nakatago kong b***l sa beywang ko saka walang anu-anong pinaputukan siya pero sadya kong di siya tamaan.
“Lucky for you, you’re still useful for us. I would be very happy if I could shoot you between your eyes or slice your head off.”
Marahas na hinatak ko siya sa kuwelyo habang ang isa kong kamay ay nakatutok ang b***l sa kaniya. Kinaladkad ko siya pabalik sa may pinto. Nanginginig ang kamay nitong pinihit ang kanang seradura. Nang bumukas ang pinto ay agad ko siyang tinulak. Nasubsob ito sa sahig. Pinagmasdan ko ang paligid. Kahit madilim ay medyo naaninag ko ang paligid. Dalawang grand staircase ang nasa harapan namin ngayon. Isa sa kanan, at isa sa kaliwa. Sa ibaba noon ay may isang pinto. Sinipat ko ang second floor at nakitang magkabila ng hagdan ay parehong may ilaw.
One of the stairs is a trap. Or both
Narinig kong tinawag ni Samael ang isa sa kaniyang mga tauhan saka may inutos ito. Nagpatuloy lamang ako sa pagmasid sa madilim na mansyon. Waves of memories came flooding my mind. Napapikit ako. I went back from the time where everything is perfect and happy. Unti-unti kong minulat ang aking mata.
Nothing changed in this mansion. But we are.
“This way.”
Nabaling ang tingin ko kay Samael na nagsimulang umakyat sa kaliwang hagdan. Napailing ako saka pilit na kinalimutan ang mga ala-ala. Mabilis na sumunod ako kay Samael. Nang makarating kami sa dulo ng hagdan ay agad na tumambad sa amin ang mahabang koridor at may tatlong pinto roon. Sinulyapan ko ang maliliit na agwat ng bawat pinto. Lahat ay may ilaw sa loob. Muli kong tinutok sa hostage ang b***l saka itinuro sa mga pinto. Nag-aalangan pa itong sumulyap sa akin bago dahan-dahang naglakad papunta sa pangalawang pinto. Pinauna namin siyang pumasok sa loob ng kuwarto. Kita ko ang loob ng kuwarto mula sa labas pero sapat lang na hindi ako makikita ng tao sa loob. Kita ko ang isang pamilyar na taong nakaupo sa sofa at may hawak na diyaryo na tila kanina pa niya kami inaantay.
“So the troublemakers are here. What can I do for you all?”
Unang pumasok si Samael sa kuwarto. Agad naman akong sumunod sa kaniyang likod. Nakatutok parin ang b***l ko sa hostage. Ibinaba ni Samael ang suot niyang hood. Kita kong lumipat ang mata ng lalaki mula sa hawak na diyaryo papunta kay Samael. Natigilan ito at ibinaba ang diyaryong hawak. Napangisi ito nang makilala ang kaharap.
“Welcome sir Samael.”
Sumenyas si Samael sa amin na ibaba ang aming mga armas. Ibinaba ko ang hawak kong b***l saka Sinipat ang mga libro sa katabi kong bookshelf. Narinig kong sumagot si Samael.
“I came here to find answers about the conflict that happened 5 years ago.”
Pasimpleng sumulyap ako sa pwesto nila Sam. Nakaharap sa akin ang lalaki pero nakatuon ang pansin nito sa kaharap at likod lamang ni Sam ang aking nakikita. Kita kong mahinang natawa ang lalaki at umiling-iling habang umaayos ng upo.
“Ah, so you’re here to see if your little agency did some hidden dirty deeds.”
Tumayo ito saka pumunta sa kaniyang desk saka hinalughog ang mga drawer. May kinuha itong makapal na folder na puti saka inilapag sa mesa.
“These are my branch’s activities and meetings 5 years ago. But the list of persons in contact of Dark World is not on me.”
Kinuha ni Samael ang folder saka binasa ang laman ng folder. Nang mapansin kong tumingin ito sa puwesto ko ay binalik ko ang tingin sa mga libro sa harap ko. Napansin ko ang isang librong pamilyar. Agad kong kinuha iyon saka agad na binuklat ang mga pahina. Natigil ako nang muling magsalita ang lalaki.
“You know something about that book.”
Napansin ko ang isang maliit na papel sa gitna ng isa sa mga pahina. Mabilis na kinuha ko iyon at pasimpleng pinasok sa bulsa ko. Ibinalik ko ang libro sa lagayan. Nanatili akong nakatalikod sa lalaki. Muli siyang nagsalita.
“Who are you?”
Sasagot na sana ako kaso natigilan ako nang marinig ko ang mahinang boses ng hostage na nanginginig habang nakatingin sa akin. Nanlamig ang buo kong katawan.
“N-noirelle.”
Napabaling ang tingin ko sa hostage at humarap sa kanila. Si Samael ay napahinto sa pagbabasa at napatingin sa lalaki. Kita nitong nakatingin ito sa direksiyon ko. Bago pa man magtama ang tingin namin ay mabilis kong hinugot ang b***l at itinutok sa hostage. Pasimple kong sinulyapan ang direksiyon nila Samael. Napatayo ang lalaki sa narinig habang si Samael ay nakatingin sa akin.
“W-what did you say?”
Napamura ako sa aking isip. If I shoot, that’s the confirmation. If I don’t, it means I know something. Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. Muling nagsalita si Uncle.
“Put down that hood. Reveal yourself.”
Napangisi ako saka tinutok kay Uncle ang b***l. Napa-atras ito. Malamig akong nagsalita.
“I don’t think you have the right to tell me what to do.”
Walang anu-anong pinaputukan ko ito pero sadya kong hindi siya tamaan. Muli siyang napaupo sa upuan. Mabilis na kinuha ko ang isang karayom sa loob ng aking damit at mabilis na tinapon iyon sa noo ng hostage at agad siyang bumagsak sa sahig.
“W-what did you do?”
Umayos ako ng tayo at inangat ang mukha sapat lang na matamaan ng ilaw ang kalahati ng aking mukha. Nanlaki ang mata ni Uncle. He recognized me. Bumaling ang kaniyang tingin kay Samael na nagtatakang nakatingin sa akin. Ibinaba ko ang aking hood. Mas lalong nagulat si Uncle sa nakita. Nanginginig na tinuro niya ako at napuno ng luha ang kaniyang mga mata. Agad na sumaludo ako sa kaniya at yumukod.
“Nice to meet you Sir, I’m Black. I was sent here by Noirelle Archivas to ask you of something. Don’t worry about your men I just put them to sleep they’ll wake up once we’re finish here.”
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Sam. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat saka inayos ako ng tayo. Napa-angat ang tingin ko sa kaniya. Puno ng kalituhan at galit ang kaniyang mukha. I was almost breathless.
“Who did you say sent you here?”
Napatitig ako sa kaniya saka napalunok at mahinang nagsalita.
“N-Noirelle Archivas. One of the Archivas Twins. She’s the elder sister of Noelle Archivas.”
Binitawan niya ako at nanghihinang napaatras. I took that opportunity para makalapit kay Uncle. Saka tinutok ang b***l sa kaniya saka nagsalita.
“I’m just here to get some answers from you, good sir.”
Mabilis na tumango si Uncle.
“Who is behind the ambush that day? And why is every branch present at the residence at that time?”
Nanginginig na nabukas-sara ang bibig niya. Nag-iwas ito ng tingin sa akin at nag-isip.
“The night before the ambush, the branches received a message from one of the leader.”
Napa-kunot ang noo ko. Leader?
“You’re one of the leaders that time, right?”
Umiling ito sa tanong ko.
“Dark World is under a conflict that time. As you know before, each seven branches has a leader. Then Silva did something behind the six branches.”
Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Uncle. So he was behind this all along. Naibaba ko ang hawak kong b***l.
But my sister, she’s still nowhere to be found.
“That night of the ambush, Silva gained the authority of most of the branches and ordered us to assassinate all of Archivas.”
Nakuyom ko ang aking kamao sa galit pero pilit na kinalma ko ang aking sarili.
“Me and my team is there when the ambush happened. But our aim is to help the Archivas escape. What we saw that time are fake men dressed as other branches. My team and other three branches had no choice but to fight. We lost many of our men that night and I was almost dead. But I saw something weird happened. Or someone. That man arrived and helped us eliminate other enemies. And he took one of the twins. When I woke up the next day, I was informed that Archivas are dead. But the leader and us doesn’t know the whereabouts of the twins. That is all I know.”
Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Muli akong sumaludo sa kaniya. Pero nagsalita uli si Uncle.
“Please, tell Noirelle that wherever she is, the Vistas are at her disposal.”
Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Saka tumango. Magsasalita sana ako kaso mahipit na hinaklit ni Samael ang braso ko. Gulat akong napatingin sa kaniya. Kita ko ang galit at inis sa mukha nito. Magpupumiglas pa sana ako kaso hindi ko na tinuloy at baka mag-away lang kami lalo.
“Can we keep the records, sir Vista?”
Napasulyap ako kay uncle. Nanginginig na napatango-tango ito sa likod ni Samael. May lumapit na isa sa mga tauhan ni Samael at kinuha ang dalawang folder sa mesa. Hinatak naman ako ni Samael palabas ng kwartong iyon. Tahimik lamang akong nakasunod sa kaniya. Namalayan ko nalang na nakabalik na pala kami ng bahay. Agad kaming sinalubong ng mga katulong at tauhan. Balisa ang mga ito pero di sila tinapunan ng tingin ni Sam.
Hinatak niya ako papasok ng bahay. Saka niya lang ako binitawan nang makarating kami sa kuwarto ko. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang siya ay nakahawak sa sentido at nagpabalik-balik ng lakad sa harap ko. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kaniya saka tinanggal ang tali ng aking suot na roba at pinatong iyon sa higaan ko. Tinanggal ko din ang suot kong belt na naglalaman ng mga karayom na pampatulog. Nilabas ko ang b***l sa aking bulsa at mabilis na dinis-assemble ko iyon.
“The way you disassemble that gun.”
Natigilan ako sa narinig at napigilan ang aking hininga. Tumayo ako ng maayos pero agad ring natigilan nang maramdaman ang malamig na metal sa kanang balikat ko malapit sa aking leeg.
“There is only one person that can do that.”
Agad akong humarap sa kaniya. Mabilis na inilayo niya ang patalim sa aking leeg. Akmang magsasalita ako sa kaniya pero mabilis siyang tumalikod sa akin.
“Don’t worry. I only know you as Noir. I’ll tell my men the we didn’t see you today.”
Sabi nito saka naglakad palabas ng kuwarto ko. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay muli siyang nagsalita.
“I have something else to do. I might not be back until tomorrow afternoon.”
Pagkalabas niya ay saka naman pumasok si Gina na nakayuko. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinakuha ko sa kaniya ang mga gamit sa kama.
Tahimik na sumimsim ako ng tsaa sa hawak kong teacup. Mag-isa lang akong nakaupo sa gazeebo. Nasa tabi ko naman nakatayo si Gina kasama ang dalawa pang katulong. Walang tingin na inabot ko ang cookies sa aking harapan pero agad ring napasimangot nang mapansing wala nang laman ang platito. Napasulyap ako sa gawi nila Gina. Nakatingin sila sa akin kaya agad akong napa-iwas ng tingin saka sumenyas na kumuha pa ng cookies. Agad na kinuha ni Gina ang platito saka pumasok sa loob ng bahay. Napadapo ang aking tingin sa isang pamilyar na mukha sa di kalayuan.
Natigil ako sa aking ginagawa at tinitigan ang lalaki mula sa aking puwesto. May hawak itong isang pares ng arnis sa kaliwang kamay. Pagod itong naglakad papunta sa puno sa malapit saka naupo at pinikit ang kaniyang mata. Pasimple kong kinuha sa mesa ang bread knife at mabilis na tinago iyon sa aking likod. Tahimik na naglakad ako papunta sa lalaki. Magagaan lamang ang aking hakbang. Nang makalapit ako ay itinutok ko sa kaniyang leeg ang kawak kong bread knife. Agad na napadilat ito ng mata at akmang hahampasin sana ako nito ng hawak niyang arnis pero mabilis na nasalag ko iyon ng aking kamay. Mahigpit kong hinawakan ang arnis at idiniin sa kaniyang leeg ang bread knife. Nagpanic ito at itinaas ang dalawa niyang kamay.
“M-miss Noir have mercy. I-I surrender I can’t fight anymore. Pagod na ako please wag ka na dumagdag.”
Mahina akong natawa sa kaniyang sinabi saka tumayo. Agad siyang napahawak sa kaniyang leeg kung saan ko diniin ang bread knife na hawak ko. Tumalikod ako sa kaniya at inabot sa isang katulong ang bread knife.
“Don’t worry, the blade is facing me. Anyway, no matter if I kill you or not, my ending is still the same.”
Pagharap ko sa kaniya ay nakatitig lamang ito sa akin. Napatikhim ako saka nagsalita.
“I thought you’re one of those strongest men in Sam’s team. It’s funny only I get to see you in this state. Sayang lang I can’t take a picture of you. Ibebenta ko sana sa agency ang photocard mo kikita pa ako.”
Napataas ang kaniyang kilay sa narinig saka tumawa na di makapaniwala sa narinig saka ako tinuro-turo.
“H-haha. You’re smart. But I won’t let you. Blame your boyfriend why I became like this.”
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Nakuyom ko ang aking kamay at akmang susuntukin siya pero agad kong binaba ang aking kamay saka bumuntong-hininga. Pinag-krus ko ang aking braso. Nabalot kami ng katahimikan.
“Are you really Noirelle?”
Natigilan ako sa narinig at napangiti. Humarap ako sa kaniya saka tumango.
“Yes.”
Napatayo siya sa narinig. Saka humakbang papalapit sa akin.
“Then your sister-”
“They say she’s dead. But I believe she’s alive. Maybe she’s near.”
Putol ko sa kaniya. Naglakad ako papunta sa puno at naupo roon. Nakatingin lamang siya sa akin. Sumenyas ako na umupo. Nang hindi siya sumunod ay inirapan ko ito.
“You sit or I won’t tell anything about my story?”
Hindi parin siya sumunod. Napa-isip ako.
I’m sorry, Ice.
“And I won’t tell anything about Ice.”
Parang napantig naman ang tenga nito sa narinig at mabilis na umupo sa tabi ko. Mahinang natawa ako sa kaniya saka napa-iling.
“We were a happy family before. I have my parents and my twin. For 18 years, me and my twin were kept in the dark. For 18 years we don’t know about Dark World. But we always see the leaders of Dark World visit us even the leaders of different agencies. We always thought its all about business. We grew up believing all those people are just here for the company my father is running. We were kept in the dark, but we trained like how the people in the Dark World do. Then came 5 years ago. That’s the only time we came to realize who are the people coming and going at our home. Everything that happened at that night is a blur for me. All I remembered is that when I woke up, everything is red. Blood floods everywhere. I saw my twin laying on the ground badly wounded. I tried to wake her up but she won’t respond. Then I lost my consciousness. When I woke up, I don’t know where I was. I don’t know who saved me throughout my recuperation. I only saw him once I recovered. He told me I should join my now present agency if I want to know the answers to what happened that day and maybe get some revenge. But I only joined here just to find my sister. Until now, I still don’t know where she is.”
Napatingin ako sa kanya pero nakatulala lamang ito at nakatingin sa malayo. Tila iniisip nito ang bawat salita na sinabi ko. Tipid lamang ako na ngumiti saka tumayo at nagsimulang maglakad palayo.
“You can tell Sam about this. But I don’t know if I can help you guys about your agency.”
Pagbalik ko sa gazeebo ay saktong kakalabas lang ni Gina sa bahay. Agad ko siyang sinenyasan na dalhin na lamang ang cookies sa loob ng bahay. Nilingon ko muli ang gawi ni Xin saka sumigaw.
“I’ll tell you something about Ice next time.”
Mabilis na naglakad ako pabalik papunta sa bahay pero ilang hakbang nalang ang layo ko sa pinto nang may mapansin ako sa may gate. Nahinto ako sa paglalakad at pasimpleng sumilip sa aking likod. Kita ko ang pamilyar na paa. Napangisi na lamang ako at pumasok sa loob ng bahay.