Tahimik na nakaupo lamang ako sa gilid ng fountain at nagmamasid sa paligid. For some reason, I feel familiar to this place. I can’t tell why. Biglang umihip ang malamig na hangin. Napapikit ako at sinamyo ang malamig na hangin. Napakunot ang aking noo nang maamoy ang pamilyar na amoy.
Blood. Death.
Mabilis na binuksan ko ang aking mga mata. Laking pagtataka ko sa nakita. Walang dugo sa paligid. Kahit isang bangkay wala akong nakita. Nawala rin ang mga tauhan ni Samael sa paligid. Napatayo ako. This is my only chance. I have to get out and find Ice. Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng gate. Pero bago pa man ako makalabas ay narinig ako ng mahinang tunog.
Ting. Ting.
Natigilan ako sa pagtakbo at luminga-linga sa paligid. Palakas ng palakas ang tunog nito. Napatakip ako sa aking tenga sa sobrang lakas ng tunog habang pilit na hinahanap kung saan nanggagaling ang tunog. Bukas ang ilaw pero nababalot ng usok ang paligid. Wala akong makita ni kahit isang anino. Napansin ko ang isang itim na pigura sa di kalayuan. Bago pa man ako makagalaw ay nasa harapan ko na ito. Napamura ako sa aking isip.
Too fast.
Bago pa man ako makaatras ay naramdaman ko ang sakit sa bandang kaliwa ng aking tiyan. Unti-unting nahirapan ako sa paghinga. Unti-unting bumaba ang aking tingin. Kita ko ang isang dagger na nakasaksak sa akin. Kasabay non ay ay unti-unting paglabo ng aking paningin. Hinugot niya ang dagger sa aking tiyan dahilan para mapaluhod ako at sumuka ng dugo.
Where is everyone? Why is everything went to silence? Who is this person? Why am I so weak?
Napansin kong may sinasabi ito sa akin pero hindi klaro kung ano ang binabanggit nito. Napa-angat ako ng tingin. Saka hirap na nagsalita.
“W-who are you?”
May itinuro ito. Sinundan ko ng tingin ang kaniyang kamay hanggang sa dumapo ang aking tingin sa fountain na kanina ay inuupuan ko kanina lang. Laking gulat ko nang naging pula ang tubig na lubalabas doon.
N-no. I didn’t do it.
“...Noir.”
Nangunot ang aking noo sa narinig at ibinalik ang tingin sa taong iyon. Pero paglingon ko ay laking gulat ko nang makita ang itsura ni Samael. Nagsasalita ito pero di ko marinig ng malinaw ang sinasabi nito.
“Noir. Snap out of it!”
Nangunot ang noo ko sa kaniya.
Why is it you?
“Y-you?”
“Yes Noir, it’s me.”
Muli kong ibinalik ang tingin sa fountain. Laking gulat ko nang makitang malinaw na tubig ang lumalabas dito. Doon ko napansin na nag-iba ang kapaligiran. Muli kong ibinalik ang tingin kay Samael. Magsasalita na sana ako kaso muli akong napaubo. Napansin ko ang anking kamay na puro dugo.
Why is there still blood?
Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa paligid. Napansin ko ang ibang tauhan ni Samael. Nakahandusay sa sahig. Agad na nabalot ako ng takot sa di malamang dahilan.
Did I do it again?
“Someone went in while I was away. I’m sorry.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Samael.
It’s real?
“Someone?”
Natigilan ito sa sinabi ko. Saka nagtatakang nagsalita.
“You didn’t know?”
Mahina akong napailing at muling napaubo. Napahawak ako sa aking tiyan at muling tiningnan ang aking kamay.
I’m wounded? What really happened that time?
“I don’t know. I can’t see them. It’s so fast. All I remember is they are alone. And that blood fountain. I didn’t see any of your men. I can’t hear anything that time.”
Napakunot ang noo nito sa sinabi ko napatingin sya sa fountain at sa paligid saka tumango. Nanatili akong tulala at nakatitig sa sahig. Narinig ko pa na tinatawag ni Samael ang aking pangalan pero tuluyan na akong nawalan ng malay.
“Noir, wake up.”
Napakunot ang aking noo. Saka dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Napangiwi ako sa sakit. Napansin ko ang isang katulong sa gilid. Napansin nitong gising ako kaya’t agad itong lumabas ng kuwarto. Dahan-dahan akong umupo saka nag-isip. Rinig ko ang pagbukas ng pinto pero di ko iyon tinapunan ng tingin.
“How long was I out?”
Tumabi siya sa akin pero hindi ko parin ito tinatapunan ng tingin. Hindi siya sumagot. Napa-buntong hininga ako. I guess I was out for two days again. I badly need to train again soon.
So much for my vacation.
“I’m sorry about your men that night. That someone was able to strike me with a dagger in one move and I hurt some of your men.”
Pasimple ko siyang sinulyapan sa tabi. Nakatitig lamang ito sa akin.
“You we’re wrong.”
Nagtataka akong napa-ayos ng tingin sa kaniya.
“That night, there were at least 20 men attacked you and my team. All dressed in black robes. But there is one thing that’s bothering me.”
Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya saka nagsalita.
“So I stabbed myself.”
Mahina akong napatawa. It all makes sense now. I went red that time. Tumango-tango ako.
“I’m glad.”
Sabi ko saka ibinalik ang tingin kay Sam. Nagtaka ito sa narinig. Magsasalita pa sana ito pero inunahan ko ito.
“Those enemies. I am now certain. They’re someone deadlier than the Dark World.”
Napa-isip siya sa sinabi ko. Binaba ko ang aking tingin sa aking kamay.
“They are someone of my past. The reason why I’m here. The reason why I took a vacation leave, why I’m currently on a secret mission beyond my agency’s controll, why now everyone in the industry know me as Noir.”
“You.”
Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Naghahalong pagtataka at kalituhan siyang nakatingin sa akin.
“Who really are you? Who is Elle? Who is Noir?”
“Both are me. I was once Elle. But I am now Noir. I can’t reveal to you anything just yet. This thing, our agencies might all be involved. I want you to stay away from this.”
I’m afraid you and I will be against each other this time.
Napa-iwas siya ng tingin sa akin saka umiling. Hahawakan ko sana siya sa braso pero mahigpit niya akong hinawakan sa pulsohan.
“From the moment you stopped us by shooting that guy at the ferry, I’m already involved with this game of yours.”
Napakunot ang noo ko. For sure they made a report what happened that day and Boss know that I’m here.
“You made a report that day, no?”
Tahimik lamang ito. Unti-unting nanlaki ang mata ko nang unti-unti siyang umiling.
“I sent someone to send a report of you, Ice, me, and my team as missing that day and exploded two ships.”
Laking gulat ko sa sinabi niya. This guy is outrageous. For sure our agencies are in trouble now that two of their best agents are missing. Napahawak ako sa sentido.
“Your family is here. What about them?”
“They didn’t know I sent that report before. I told them last night so they are currently in an act.”
Something clicked in the back of my mind. The day before we got on that ferry, I made someone tail Samael to make sure we won’t cross paths that day. Napa-upo ako ng maayos saka bumaling kay Sam.
“Your mission that day.”
Natigilan siya sa sinabi ko.
I knew it.
“It was fake, right?”
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at napangisi.
“The comms. They are different. I did sent my team my ticket before I boarded the ferry. And that ticket you showed me.”
Tipid itong ngumiti.
“My mission is fake, yes. But you, boarding that ferry that day, is not part of my plan.”
Bahagyang kumunot ng noo ko sa sinabi nito. Saka ako nagsalita.
“You noticed something in your agency. That’s why you brought your team here to find answers.”
Saglit akong napa-isip. If there’s something big that his agency got involved into a problem, there’s only one answer that I could think of.
“5 years ago. That crime that took place in this island. That’s what you’re looking for, right?”
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko saka siyang nagtatakang nagtanong.
“You’re involved in what happened here?”
Yes.
“No. That year, I was still taking up training and exam in my agency. I heard the news on my seniors. I know the gist of it. But I don’t know the full story.”
I bit my tongue after that. Tumango-tango ito saka nag-iwas ng tingin.
“Tomorrow at night, I’ll look for answers at The Vistas Residence. You should go with me there. You might know something that I don’t.”
Tumango lamang ako sa kaniya. Tumayo ito saka naglakad palabas ng aking kwarto. Nang isasara niya ang pinto ay muli niya itong binuksan at nagsalita.
“And you need some training might as well do some stretching while we’re there.”
Matalim ko lamang siyang tinitigan saka nag-iwas ng tingin sabay irap. I can clearly see what will happen tomorrow.
This guy, he’ll use me to fight those men.
And that’s what happened. I rolled my eyes. Mahigpit kong hinawakan ang katana sa aking kanang kamay. That demon really sent me here alone inside while him, and his team are outside the residence watching my every move. Muli akong bumaling sa gate kung saan ako pumasok at kung saan nakatambay sila Samael. Sa inis ko ay sinipa ko ang isang bato sa gilid at tumama iyon sa gate dahilan para gumawa ito ng ingay. Narinig ko ang komusyon sa kabilang bahagi ng gate. Plastik akong ngumiti rito saka inirapan iyon at nagsimulang maglakad sa loob. Sinipat ko ang paligid. This place is still the same as I remember. Napapikit ako at pilit na kinalma ang sarili.
I can’t afford to go red here again.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tunog ng kinakaladkad na bakal. They’re here already. Napangiti ako.
Right, let’s finish this fight fast.
Pasimple kong binilang ang mga kalabang nakapaligid sa akin.
Roughly 25 men armed with swords not even guns which is weird. Napahigpit ako ng hawak sa katana. That demon. This is not a stretching. Muli kong kinalma ang sarili at pinakiramdaman ang paligid. Agad kong narinig ang mabibilis ngunit mahihinang yapak ng isa sa kanila papalapit sa aking puwesto.
‘Calm as a sea, steady as a rock, flow with the wind. Remember that, Noirelle, Noelle. Only then, you can learn to wield any blade.’
Pops…
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Ikinalma ko ang aking paghinga. Kita kong nakatutok ang kaniyang espada sa akin. Mukha ko ang puntirya nito. Isang hakbang na lamang ang agwat ng kalaban sa akin ay nanatili akong nakatayo sa aking puwesto pero nilinga ko pakanan ang aking ulo.
“Calm as a sea,”
Binaliskad ko ang hawak sa katana. Gamit ang hawakan ay malakas na hinampas iyon sa siko ng lalaki dahilan para mabitawan nito ang hawak niyang patalim. Napa-atras siya dahil doon. Malakas na sinipa ko siya sa tiyan dahilan para lumipad ito papunta sa mga kasamahan nito. Nakita ko pang napaubo ito bago bumagsak at nawalan ng malay. Sumunod namang sumugod sa akin ang dalawang lalaking may kalakihan ang katawan. Gamt ang isang kamay ay sinalag ko ang kanilang atake ng aking katana.
“Steady as a rock,”
Malakas na hinawi ko ang aking katana. Pareho silang nawalan ng balanse dahil doon. Mabilis na pumunta ako sa kanilang likod muli kong ginamit ang hawakan ng katana at hinampas yon sa kanilang batok. Nilingon ko ang ba nilang kasama. Tila naestatwa ito sa nakita. Naramdaman kong may mabilis na patalim ang papunta sa aking direksiyon mula sa likuran. Sakto namang humangin kaya natanggal ang itim na half-veil kong suot.
“Flow with the wind.”
Nang makalapit ang patalim ay doon ko lang napansin na kakaiba iyon saespadang hawak ng mga kalaban sa harapan ko. Napangisi ako at ginamit ang hawak kong katana para gabayan iyon kung saan papunta. Pinaikot ko ang katana at itinutok iyon sa gilid dahilan para lumapag patayo ang espadang iyon sa gilid malapit sa akin. Napaatras ang iba sa nakita. Dahan dahan kong inagat ang hawak kong katana at itinutok iyon sa lalaki sa aking harap.
Ang lider ng team na iyon. Napaatras siya ng hakbang.
“W-who are you?”
Napangisi ako.
“I’m death.”
Natahimik ito. Parang pinipigilan nitong huminga.
“You can call me, Noir.”
Muli siyang napaatras sa narinig. Humakbang ako papalapit. Muling umihip ang hangin. Ibinaba ko ang hood na suot ko.
“You know, I really want to kill you all. But too bad,”
Binitawan ko ang katana saka umikot at malakas na sinipa ang pwetan ng hawakan niyon. Mabilis na lumipad iyon papunta sa direksiyon ng lalaki.
“My blade is blunt from the beginning.”
Tumama ang katana sa gate na pinasukan ko kanina. Kalahati non ay nakabaon sa gate. Binaling ko muli ang tingin sa lider ng team. Nadaplisan ko ito sa pisngi at nakita ko ang pagtulo ng dugo sa sugat nito. Muli akong nagsalita.
“Now, sleep.”
Isa-isa namang nagsibagsakan ang mga kalaban sa sahig pati ang lider nito. Malamig na tinitigan ko ang gate na ngayon ay may nakatarak na katana. Napa-buntong hininga ako saka napa-irap. Tumalikod ako doon saka nagsimulang maglakad papunta sa isang kalaban sa tabi. Napakunot ang noo ko nang makitang may malay ito.
The needle didn’t work on him.
Mabilis na kinuha ko ang espadang nakatarak sa sahig at itinutok iyon sa lalaki saka nagsalita ng mahina na sapat lang na kaming dalawa lamang ang makakarinig.
“You survived. That’s good.”
Nakayuko lamang ito sa aking harapan. Tahimik ko lamang itong pinagmasadan.
“W-why are you here?”
Napangisi ako saka ibinaba ang hawak kong espada.
“I’m here for uncle. He ordered you guys of something, right? Or perhaps for someone.”
Napa-angat ito ng tingin sa akin at nagtatakang napatanong.
“Who are you, really?”
Ibinaba ko ang hawak kong espada at muling bumulong.
“Noirelle.”
Magsasalita pa sana ito pero sinenyasan ko itong tumahimik. Tumango lamang ito sa akin.
“Be my aide for now. I need to help him first while I find some things what happened 5 years ago.”
Tumango lamang ito saka yumukod sa akin. Narinig ko ang mahinang yapak sa di kalayuan. Kahit hindi ko iyon lingunin ay alam kong si Samael iyon.
“I found a hostage. He said what you’re looking for might be in the second floor.”
Sabi ko saka lumingon kay Samael. Nakatitig lamang ito sa akin. tila nagdadalawang-isip sa sinabi ko. Pinagkrus ko ang aking braso saka nagsalita sa kaniya.
“What? You don’t trust me?”
Muli akong bumaling sa lalaki saka nanghingi ng papel at ballpen. Agad naman niyang kinuha iyon sa bulsa ng kaniyang damit at nanginginig na inabot iyon sa akin. Agad ko iyong hinablot at saka nagsulat. Nang matapos ay inilapag ko iyon sa sahig. Inilahad ko ang aking kaliwang kamay. Saka walang anu-anong sinugatan iyon gamit ang hawak kong espada. Kinuyom ko ang kaliwang kamay pero bago ko mapatulo ang aking dugo sa papel ay hinatak ni Samael ang aking kamay. Napatulala ako roon.
“Someone, burn this whole notebook. Do not let any part unburned. Make sure its all in ashes.”
Agad na may lumapit na isa sa mga tauhan niya at pinulot ang maliit na notebook sa sahig saka nagmamadaling umalis. Nang ibinalik ko ang tingin kay Sam ay tapos na niyang paluputan ng tela ang aking kamay. Matapos ay muli niyang isinuot sa akin ang hood saka galit itong tumingin sa akin.
“Don’t do this pledge ever again. Not just for me, but to anyone.”
Tumango lamang ako sa kaniya.