Nakatitig lamang sa amin si Samael. Kasalukuyan kaming nakaupo sa baon na tela ng kaniyang ina kumakain parin ako ng chicken skin habang ang mag-ina naman ay tuwang-tuwa na tinitirintas ang aking buhok. Awkward na napangiti ako sa kay Samael. Muling napa-iling si Samael. Kumuha ito ng pagkain sa basket na bitbit ni Tita kanina. Pasimple kong sinulyapan ang paligid. Medyo may karamihan na ang mga tao ang namamasyal sa lugar. As usual, nakabantay parin sa paligid ang tauhan ni Samael.
“Ayan tapos na.”
Masayang sabi ni Tala habang marahang sinusuklay ang aking buhok. Biglang nagsalita si Sam.
“I told you Ma diba, it’s dangerous right now. Both of you shouldn’t have followed me here.”
Narinig ko ang pag-tsk ng kaniyang ina.
“Then when will you bring your girl to our home? I went here kasi nakatanggap ako ng tsismis na may binabahay ka daw na babae. Of course as your mom, I need to confirm.”
Napahawak sa ulo si Samael habang ang isang kamay ay nakapamewang. Napatikhim naman ako kaya napalingon sa akin si Tita.
“Uhm Tita pasensya na po nagkasakit kasi ako kaya hindi kami kaagad nakapunta sa inyo.”
Saglit na lumingon ako kay Samael saka pasimpleng kinindatan ko siya. Muli kong ibinalik ang tingin sa kaniyang ina. Nagulat ang kaniyang ina sa narinig dahilan para mapalitan ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi.
“Oh no I’m so sorry Iha no one told me.”
“You didn't let me talk, Mom.”
Magsasalita pa sana si Tita kaso inawat ko kaagad ito. Tumikhim ako saka hinawakan si tita sa kaniyang braso.
“A-ahem. Pupunta lang po ako ng restroom.”
Muling humarap sa akin si Tita at tumango. Ganun din ang kapatid ni Samael. Nang sumulyap naman ako kay Samael ay tinitigan muna ako nito ng ilang segundo bago mahinang tumango at lumingon sa paligid. Pasimpleng sinenyasan niya ang kaniyang tauhan sa malapit. Tumayo ako saka nagsimulang maglakad papunta sa banyo ng park.
Habang naglalakad papuntang banyo, napansin kong bukod sa isang tauhan ni Samael may iba pang yapak ang sumusunod sa akin. Nang pasimple ko itong nilingon, laking gulat ko na tatlong lalaki ang nakasunod sa akin. Akala ko ang tauhan ni Samael ang nasa likod ko pero hindi pala. Inilibot ko ang tingin sa paligid at agad kong napansin ang tauhan ni Samael sa di kalayuan. Sumenyas ito sa akin na tumatawag siya ng back up. Pasimple ko itong tinanguan. Pinagmasdan ko ang paligid at laking dismaya ko nang mapagtantong walang halos na tao ang dumaraan sa gawing ito. Nagsimula na rin bumaba ang araw kaya medyo may kadiliman sa lugar na ito. Napamura ako dahil doon. Unti-unti kong binilisan ang aking mga hakbang. Naramdaman kong bumilis din ang mga hakbang nito. Nang malapit na kami sa palikong daan ay may tumawag sa di kalayuan.
“Mga boss pwede magtanong?”
Pasimple ko silang nilingon. Napahinto ang mga ito sa pagsunod sa akin. Unti-unti namang bumagal ang hakbang ko sa nakita kung sino iyon.
Ice?
Nakita ko ang pagkindat niya sa gawi ko at muling bumaling sa tatlong lalaking kanina pa nakasunod sa akin. Bago pa man ako makapagsalita ay may kamay na tumakip sa aking bibig at hinatak ako papunta sa likod ng makakapal na halaman sakto lang para maitago ang aming presensya. Kinagat ko ang kamay na nakatakip sa aking bibig. Napa-aray ito. Laking gulat ko nang paglingon ko ay si Samael na nakangiwi sa sakit ang aking nakita.
“This is why I can’t let you take care of those guys earlier.”
Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya. Sumilip ako sa maliit na siwang ng mga dahon. Nakita ko si Ice na nakikipag-usap sa tatlong lalaki kanina. Tatayo sana ako para tulungan si Ice pero mahigpit na niyakap ako ni Sam mula sa likuran dahilan para mapaupo ako sa kaniyang kandungan. Mabilis kong tinakpan gamit ang dalawang kamay ang aking bibig para maitago ang aking tili sa gulat.
“Stay. Someone will help her in my team. These guys are believed to be involved in the underworld. There’s a chance that they are Silva’s men. I’ll explain to you later when we get home.”
Tumango na lamang ako sa kaniya at pinanood si Ice na kausap ang tatlo. Maya-maya pa ay may lumapit na isang lalaki na agad na umakbay kay Ice. Agad ko itong namukhaan. Lumingon ako kay Samael at nakitang nakatingin ito sa akin na may halong pagtataka. Mahina akong bumulong.
“Why him?”
Saglit itong sumulyap sa direksiyon nila Ice saka muling tinapunan ako ng tingin. Bumulong rin ito.
“What do you mean why him? He’s one of my men.”
I know, dumbo.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at ibinalik ko ang tingin kina Ice. Ilang saglit pa ay umalis rin ang tatlo sumulyap ang isa sa kanila sa direksiyon namin. Nang mapansing walang tao ay naglakad ito palayo sa lugar. Nang masigurong hindi na sila babalik ay agad akong tumayo. Lalapitan ko sana si Ice kaso hinawakan ako ni Samael sa braso.
“You can’t talk to her right now.”
Magpoprotesta sana ako kaso bigla kong naisip na may dahilan kung bakit hindi ito nagpapakita sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako saka tumango habang nakatingin sa papalayong pigura ni Ice.
Dahil sa nangyari ay napagdesisyunan na lamang ni Sam na hindi na kami babalik sa court. Tinawagan na lamang ni Samael ang kaniyang mga kaibigan. Hindi ko na pinakinggan pa ang kanilang usapan at dumiretso sa van kung saan nakasakay ang kaniyang ina at kapatid. Pagsakay ko ay napansin kong seryoso ang ere ng sasakyan. May kausap si Tita sa kaniyang cellphone habang si Tala naman ay nakatingin sa bintana ng sasakyan. Tahimik na naupo na lamang ako sa kanilang likuran. Napansin kong dalawang minuto na ang nakalipas pero hindi parin sumunod si Samael ng sakay. Umayos na lamang ako ng upo saka pansamantalang pinikit ang mata. Hindi ko namalayang tuluyan na ako nakatulog.
Pagmulat ko ng mata ay una kong napansin si Sam na nakatingin sa labas ng sasakyan. Doon ko narealize na nakahiga pala ako sa kaniyang kandungan. Mabilis na bumangon ako at umayos ng upo dahilan para malaglag ang jacket na nakapatong sa akin. Pinulot iyon ni Samael saka binuksan ang pinto ng van at naunang bumaba doon. Pasimple kong kinapa ang aking pisngi saka sumunod na bumaba ng sasakyan. Buti di ako naglaway. Pagbaba ko ay agad na sinara nito ang pinto ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang paligid at doon ko lamang napansin na nasa ibang bahay kami.
Don’t tell me…
“We’re in my family’s residence. Let’s go inside and talk.”
Nauna itong naglakad papasok. Pagpasok ko sa gate ay agad kong napansin ang kakaibang fountain sa harap ng mansiyon nila. Sinalubong kami ng ilan nilang katulong at tauhan. Hinarang naman ako ng isa sa mga katulong at nilahad nito ang kaniyang dalawang kamay at nakayuko ito. Saglit na napakunot ang noo ko roon. Saka ko lang narealize na gusto nito kunin ang cardigan kong suot. Agad ko itong hinubad at iniabot sa kaniya saka pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako sa itsura noon parang pumasok ako sa isang historical themed na mansiyon. Napansin yata ni Samael na hindi ako nakasunod sa kaniya kaya nilingon ako nito at saka nilapitan at hinatak ang aking braso papasok ng bahay. Dinala niya ako sa dining area. Pagbukas niya ng pinto ay nakita ko ang kaniyang ina at kapatid at sa gitna ng mesa ay ang isang lalaking medyo may edad sa tingin ko ay asawa ito ni tita.
Natigil ang kanilang usapan nang makita nila kaming dalawa. Saglit na tinitigan muna nila kaming dalawa ni Sam. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin kaya yumukod ako sa kanila sabay ngiti. Tumikhim si Tita at nginitian kami. Parang naging hudyat iyon kay Samael na hatakin ako papunta sa aming upuan. Tinulungan ako ni Samael na umupo nagpasalamat ako sa kaniya saka umayos ng upo. Nang pareho kaming makaupo ay naging hudyat iyon ng mga katulong na ihanda ang pagkain sa mesa. Nahiya naman ako dahil mukhang inantay nila kaming kumain ng sabay. Nang matapos maihanda ang pagkain, agad akong nilagyan ni Sam ng pagkain sa aking plato. Sinulyapan ko siya at nakita kong seryosong seryoso ito sa ginagawa. Napalunok na lamang ako saka tumingin sa direksiyon nila tita. Kita ko ang ngisi ni tita at Tala habang ang asawa ni tita ay sinusulyap-sulyapan si Sam. Ibinalik ko na lamang ang tingin sa aking plato na ngayon ay may lamang pagkain pero sakto lang ang portion na iyon sa akin. Nagpasalamat ako kay Sam at tahimik lamang itong naglalagay ng pagkain sa kaniyang plato.
Tahimik lamang kaming nagsalo sa pagkain. Naputol ang katahimikan nang biglang pumasok ang isang katulong at lumapit ito kila tita at may ibinulong. Biglang sumeryoso ang mukha ni tita at napatingin sa kaniyang asawa. Tila nawalan ito ng ganang kumain kaya umayos ito ng upo at ibinaba ang hawak niyang kubyertos saka uminom ng tubig. Sinenyasan ng asawa ni tita ang katulong at agad itong tumango at dali-daling lumabas ng kwarto. Tahimik na sumubo ako ng pagkain. Maya-maya ay muling bumukas ang pinto. Akala ko ay ang katulong uli iyon pero laking gulat ko na si Aliya ang bumungad sa amin kasunod niya ay ang katulong na medyo hinahapo at sa palagay ko ay hinabol nito si Aliya papunta rito.
Naglakad ito papunta sa mag-asawa at nagmano sa mga ito. Nakangiti itong sinalubong ng asawa ni Tita habang si Tita ay awkward na nakangiti rito. Sinulyapan ko ng tingin si Samael. Nakatingin lamang ito kay Aliyah. Nang ibinalik ko ang tingin kay Aliyah ay nakatitig ito sa akin. Napansin ito ng asawa ni tita at tumikhim ito dahilan para mabaling ang aming atensyon sa kaniya.
“Join us, iha.”
Nang marinig iyon ni Tita ay pinanlakihan niya ng mata ang kaniyang asawa tila nagpoprotesta ito pero sinulyapan lamang siya ng kaniyang asawa at muling ibinalik ang tingin kay Aliyah. Masaya namang sumagot si Aliya. Agad itong tumabi ng upo kay Tita katapat ng kaniyang kinauupuan ang pwesto ni Samael. Nagpatuloy naman kami sa pagkain. Maya-maya ay napansin kong kumuha ito ng ulam at akmang ilalagay iyon sa plato ni Samael. Mabilis na binitawan ko ang kutsara at kinuha ang chopsticks sa tabi. Gamit ang chopsticks ay inipit ko ang hawak niyang kutsara. Natigilan naman si Aliyah sa nangyari. Ang mga-asawa naman ay naghahalo ang gulat at kaguluhan sa nasaksihan. Binitawan ko ang hawak niyang kutsara. Napaupo naman siya ng maayos at pinanlisikan ako ng mata. Nagsalita ito pero agad kong pinutol ang kaniyang salita.
“Wh-”
“He doesn’t like it.”
Which is true. Napansin ko kaninang iniiwasan ni Sam ang pagkaing iyon. Kunot-noong ibinaling ni Aliyah ang kaniyang tingin kay Samael. Umayos ako ng upo saka muling kumain. Akmang susubo na sana ako pero inigaw ni Samael ang aking kamay at kinain ang pagkaing isusubo ko sana. Nang tinapunan ko siya ng tingin ay nakangisi ito habang ngumunguya. Hinatak ko ang aking kamay pero mahigpit niya akong hinawakan. Pinaningkitan ko siya ng mata agad niya iyong napansin at ngumiti sa akin saka niya ako binitawan.
Pasimple kong sinulyapan sila Tita. Nakahawak si Tita sa table napkin at tinatakpan nito ang kaniyang bibig. Halata sa kaniyang mata na nangingiti ito. Si Tito naman ay nakangiti at naiiling habang kumakain. Paglingon ko kay Tala ay patay-malisya itong nag-iwas ng tingin. Napapikit na lamang ako. Kinuha ko ang baso ng tubig sa aking harapan at tahimik na uminom.
“Aliyah, iha. I think it’s time for you to go home.”
Natigilan kaming lahat sa narinig. Hindi man ako tumingin kay tito pero ramdam kong nakangisi ito. Inangat ko ang tingin kay Aliyah. Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Magsasalita pa sana ito pero inunahan siya ni tito.
“I don’t think I need to explain to you why. Don’t worry, you are still welcome to our home.”
Kita ko ang pagguhit ng kalituhan sa mukha ni Aliyah. Napakunot ang aking noo. This family seems to be close with her. Hindi ko maintindihan kung bakit may laman ang salita na binabanggit ni tito.
“But uncle-”
Malakas na hinampas ni tita ang mesa na ikinagulat naming lahat. Narinig kong bumuntong hininga si tita saka tumayo.
“I lost my appetite. Excuse me.”
Mabilis na naglakad si Tita paalis sa lugar. Sinulyapan ko si Tito mabilis na uminom ito ng tubig saka nagmamadaling sinundan si tita. Naiwan kaming apat sa mesa. Sinulyapan ko si Tala na tahimik na kumakain sa tabi. Nang lingunin ko naman si Aliyah ay kita ko ang halo-halong emosyon sa kaniyang mukha. Hinawakan naman ako sa pulso ni Samael na ikina-lingon ko sa kaniya.
“Let’s go. Mag-uusap pa tayo sa bahay.”
Tumayo ito sa hinatak ako paalis sa lugar na iyon. Pero bago pa man siya makahakbang ay biglang nagsalita si Tala.
“Bahay? Sa bahay niyo, Kuya?”
Natigil sa paglakad si Samael saka nilingon nito si Tala. Tumayo naman si Aliya saka naglakad papunta sa akin. Hinatak ko ang aking kamay dahilan para mabitawan ako ni Samael. Umayos ako ng tayo saka pinag-ekis ang aking braso.
“You! Who are you anyway?”
Sigaw nito sa akin. Akmang lalapitan sana siya ni Samael pero humakbang ako para harangan siya. Mariin kong tinitigan si Aliyah saka malamig na nagsalita.
“You want to know my name? Do you know what happens to someone if they know my real name?”
Natigilan ito sa narinig. Pati si Tala ay natigilan sa pagkain at napatingin sa aming gawi. Napangisi ako nang makita ang bahagyang takot at kalituhan sa mukha nito.
“Y-you’re Elle aren’t you?”
Mahina akong napatawa. Saka umayos ng tayo at matalim siyang tinitigan. Just like how I stare to my enemies to kill. Too bad, I don’t have my weapon.
“You’re right. I am Elle.”
Napakunot ang noo nito. Nabura ang ngiti sa aking labi saka muling nagsalita.
“But you’re wrong. I am not Elle.”
Magsasalita pa sana ito pero agad ko siyang inunahan.
“If I we’re you, put that knife down.”
Sinulyapan ko ang isa niyang kamay sa kaniyang likuran saka ibinalik ang tingin sa kaniya.
“Run back to your home. Before I use that knife to kill you.”
Napa-atras ito sa narinig at nabitawan ang hawak nitong kutsilyo. Walang anu-ano ay tinalikuran ko ito saka nagsimulang maglakad paalis. TInapunan ko ng tingin si Samael at sumenyas na umalis na doon. Ngingiti-ngiti itong tumango saka bumaling kay Aliyah. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas.
“Go home and don’t come here anymore, Aliyah while I still see you as someone I know. Tala stop eating and lead her outside.”