Chapter 7

2318 Words
Bawat puntos ni Samael ay naghihiyawan ang mga kasama ko sabay hampas sa balikat ko o di kaya niyayakap ako at minsan pa ay tinutulak ako. Huling quarter na ng laro at magkadikit lang ang puntos ng dalawang grupo. Limang puntos ang lamang ng kalaban. Ang mga kasama ko namang babae ay naka kapit sa braso ko at titig na titig sa laro. Sinulyapan ko ang scoreboard at tiningnan ang oras. May limang minuto pa bago matapos ang laro. Muling pumito ang referee. Umusad ang puntos ng kalaban. 100 - 93. Nakagat ko ang aking labi. Napuno ng hiyawan ang court. I can’t believe him. A f*****g agent dealing with the underworld, can’t carry a team in basketball? This can be a headline in his org. Hindi ko naitago ang tawa ko. Napatingin sa akin ang mga kasama ko na may halong pagtataka. Ah, s**t. Napangisi na lamang ako at humigop sa natitirang shake. Saka malakas na sumigaw. “Boyfriend! You suck!” Narinig ko ang pagsinghap ng ibang mga tao. Natigilan din ang iba sa mga manlalaro. Habang si Samael naman mabilis na lumingon sa akin na pagalit. Gamit ang mata ay tumingin ako sa lalaki malapit sa kaniya na may hawak na bola. Mabilis na lumapit siya doon at naagaw ang bola. Buti nalang ay distracted ang kalabang nakabantay sa kaniya. Dire-diretso siyang tumakbo papunta sa kabilang ring. Hinabol naman siya ng kalaban pero huli na at nakapuntos siya. Napangiti ako sa kaniya.saka muling tumingin sa kasama ko na nagtatakang nakatingin sa akin. “Ano yung sinabi mo? Boyfriend lang yung naintindihan namin.” Ngumiti ako sa kanila saka nagsalita. “Sabi ko, may tiwala ako sa kaniya.” Tumango-tango na lamang ang mga ito. Saka nakangiting nagcheer sa kanilang mga nobyo at kaibigan. Napabuntong-hininga naman ako. He’s definitely going to be mad at me later. Muli kong binalik ang tingin sa court. Pansin ko ang madilim na aura ni Samael. Simula non, ay sunod-sunod na ang puntos na kaniyang nadagdag hanggang sa natambakan na niya ang kalaban. Namalayan ko nalang na pumito an referee tanda ng tapos na ang laban. Natapos ang laban sa score na 118 - 98. Naghiyawan naman ang mga kasama ko na may kasama pang hampas sa akin. Muling nakipagkamay ang dalawang grupo at nang matapos ay may nakangiting naglalakad ang grupo nila Samel papunta sa amin. Lahat sila nakangiti maliban kay Samael. Napaiwas ako ng tingin sa kaniyanang iabot sa akin ni Lianne ang isang bote ng tubig. Paglingon ko ay nagulat ako nang nakalapit na sa akin si Samael. Agad niya akong hinawakan sa magkabilang braso at marahas na hinalikan sa labi. Nung una ay hindi ako makagalaw sa gulat pero kalaunan tumugon ako sa kaniyang halik pero naramdaman kong kinagat niya ang aking labi. Hihiwalay na sana ako sa kaniya kaso mahigpit niya akong niyakap. Nang humiwalay siya ay idinantay niya ang kaniyang ulo sa pagitan ng aking balikat at leeg. Ramdam ko ang kaniyang paghinga. Ngumiti na lamang ako saka niyakap siya pabalik. Humiwalay naman siya sa pagkakayakap sa akin agad ko namang inabot sa kaniya ang tubig. Nagpasalamat muna siya saka binuksan iyon. Kinuha ko naman ang towel na nakasabit sa kaniyang balikat at sinimulang pinunasan ang kaniyang leeg at noo. Huli ko na napansin na nakatitig lamang siya sa akin. Tipid na nginitian ko lamang siya saka sinenyasan ko siyang tumalikod. Nung una ay hindi niya nakuha. Kaya nagsalita ako. “Your back.” Ngumisi siya pagkarinig niya ng sinabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Umiiling na tumalikod siya sa akin. Bumuntong hininga na lamang ako sa kaniya saka sinimulang punasan ang kaniyang likod. Habang nakatalikod siya sakin ay nakikipag-usap siya sa kaniyang mga kasamahan. Nang matapos ay humarap siya sa akin saka inakbayan ako at hinalikan sa sentido. “Thank you. Tara uwi na tayo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sinaklob ko ang towel sa kaniyang ulo at hinawakan ito sa magkabilang dulo. “Baliw. Iiwan mo sila dito?” Sinulyapan ko ang mga kagrupo niya na nagkukwentuhan at minsan pa ay sumusulyap sa gawi namin. Nang mapansin nila na nakatingin ako ay animo’y robot ang mga itong sabay-sabay na ngumiti sa amin. “I think it’s fine.” Natatawang hinila ko ang towel dahilan para mapayuko siya. Hinawakan naman niya ang kamay kong nakahawak sa towel. Natigilan ako saglit. Napansin kong papalapit sa amin si Aliya. Binitawan ko ang hawak kong towel. Napansin iyon ni Samael agad din itong tumigil sa kakatawa saka umayos ng tayo. Nasa ulunan niya parin ang towel. “Elle, aalis kayo?” Sinulyapan ko si Samael nakatingin lamang ito kay Aliya. Pasimple ko siyang siniko pero naghalukipkip ito. Napatikhim naman ako saka muling tumingin kay Aliya. “Hindi. May laro pa mamaya diba? Kayo?” Tumango-tango ito. “Sige. Pupunta muna kami sa plaza. Sama ka?” Hinawakan ako ni Samael sa braso. Saka nagsalita pero agad ko siyang pinutol. “Hindi-” “Hindi kami magsi-stay. Sasama kami.” Nakangiting lumingon ako kay Samael. Saka kumapit sa kaniyang braso. “Diba, Hun?” Pinaningkitan niya ako ng mata. Bago pa siya makapagsalita muli ay hinarap ko si Aliya. “Okay lang na kasama ko si Az?” Tumango ito. Ngumiti ako saka hinatak si Sam papunta sa kateam niya. Sinalubong nila kami ng ngiti at may isa sa kanila na lumapit kay Sam at tinapik ang balikat nito. “Isasama ko muna saglit si Az ha. Babalik ko din siya agad.” Napansin ko pa ang pag-iling ni Samael sa mga kasama niya. Nanghihingi ng tulong. Pero malas niya ay pumayag sila na isama ko siya. “SIge lang. Kahit wag mo na ibalik.” Natawa ako sa sinabi ni Peter ngumiti ako sa kanila at tumango. Humarap ako kay Samael at napansin kong nakangiwi ito. Bumuntong-hininga muna ito saka tumlikod at nagpaalam na magbibihis muna siya. Sinigawan ko ang papalayo niyang pigura na aanatyin namin siya sa may exit. Ngayon ay magkatabi kaming nag-aantay ni Aliya sa may pinto ng exit ng court. Ramdam kong kanina pa ako tinitingnan ni Aliya. I find it weird. I thought at first, it was just curiosity. But in this case, maybe it’s not. “Uhm. Kayo ni Azazel,” Napalingon ako sa kaniya. Tumikhim muna ito bago nagpatuloy magsalita. “Kelan pa kayo?” This girl, I knew it. Saglit akong napa-isip. What should I say? “Dalawang buwan na.” “Sinungaling.” Natawa ako sa kaniyang sinabi habang siya ay nakasimangot na nakatingin sa akin. Kumalma ako saka matiim siyang tiningnan. “So you understand me, right?” Saglit siyang natigilan pero muling tumalim ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at ibinalik ang tingin sa loob ng court. “He needs me and I need him. That’s all I can say.” “So kayo, this is not real?” Ibinalik ko ang tingin sa kaniya habang naka-ekis ang braso. “We are real. You should ask him, not me para masatisfy ka.” Hindi ito makapaniwala sa narinig. Lumipat ang kaniyang tingin sa aking likod. Huminto ang magagaang na hakbang sa aking likuran. Napapikit ako saka umayos ng tayo. “Ask me what?” Humarap ako kay Samael na nakangiti. “I told her she should ask you if we girls can hangout later after ng final match.” Nilipat-lipat niya ang tingin sa akin at kay Aliya. Kaluanan ay tumango ito saka hinawakan ang aking kamay saka hinatak paalis ng lugar. Saglit na nagkatinginan pa kami ni Aliya na agad ding umiwas ng tingin sa akin. Masayang nag-uusap ang mga kaibigan ni Samael ilang hakbang lang ang layo sa amin. Kaming dalawa ni Sam ay tahimik lang na naglalakad at parehong nagpapakiramdaman. Si aliya naman ay paminsan-minsang lumilingon sa gawi namin. Kapag nagkakasalubong naman ang aming tingin ay siya ang unang umiiwas at muling makikipagkwentuhan sa kaniyang katabi. Napabuntong-hininga ako saka binagalan ang lakad. Agad iyong napansin ni Sam at hinawakan ako sa pulsohan. Napansin naman ng mga kasama namin na hindi na nila kami kasama sa grupo. Sumigaw si Sam na susunod kami sa kanila at agad akong hinila papunta sa pinakamalapit na bench kung saan wala halos na taong lumalapit. Binitawan niya ako saka siya umupo. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kaniya. Inis na tiningnan ako ni Samael saka mahinang tinapik ang kaniyang tabi. “Stop staring and sit. Tell me what happened.” Tahimik na umupo ako sa tabi niya at pinagkrus ang mga braso. Bumuntong-hininga ako saka nagsalita. “She just asked if we are real or not. I told her we need each other for something and if she don’t believe what I say, she should ask you.” Mahina itong natawa saka kumamot sa kaniyang sentido. “You told her that?” I squinted my eyes. What else should I say? ‘We are agents we kill almost on a daily basis’? “Should I tell her something else? Don’t worry she won’t tell anyone. I have something of her so you don’t have to worry about that.” Bumuntong-hininga ito sa sinabi ko. Rinig ko ang mahinang akbang sa di kalayuan. Nang lingunin ko ito ay laking gulat ko na makita ang babae na nakausap ko kanina pagpasok namin sa court. May kasama itong dalaga. Nagtama ang aming tingin at kumaway siya sa aming gawi. Si Samael naman ay biglang napatayo. Nang tingnan ko siya ay nakatingin din ito sa babae na ngayon ay nakangiting naglalakad papunta sa aming gawi. Ang kasama naman niyang dalaga ay medyo nagpanic nang iwan siya ng babae. Nang mapunta ang tingin nito sa aming gawi ay napangiti rin ito. Muli akong lumingon kay Sam. “You know them?” Nagtataka rin itong napatingin sa akin. “You met them?” Napamura ako sa aking isipan. I think we’ll be in trouble soon. “One of them?” Narinig ko ang mahinang mura ni Sam. Magsasalita pa sana ako nang bigla akong niyakap ng babaeng nakausap ko kanina. Doon ko lang napansin na may hawak itong picnic basket. “Ahh! Finally nahanap ko rin kayo.” Bumaling siya kay Samael saka hinampas siya sa braso. Umigik naman si Samael. “Ikaw talagang bata ka. Hindi ko pa malalaman na andito ka kung hindi pa ako nanood ng liga.” Muli itong bumaling sa akin saka niyakap ang kaliwa kong braso habang nakangiti. Nang bumaling muli siya kay Samael ay nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa kanya. “When will you introduce us to her?” Napabuntong-hininga si Sam at napahilamos sa mukha. Napatikhim naman ang babae sa akin tabi saka humarap sa akin nang nakangiti. Nilapit niya ang mukha sa aking tenga. “You’re Noir right?” Natigilan ako sa narinig. Agad naman siyang lumayo sa akin pero nakangiti parin ito. “Don’t worry I won’t tell anyone. What name do you go by now? Just call me Tita or Mommy I’m fine with it. “ Medyo nahilo ako sa aking narinig. Wala sa sariling napahawak ako sa sentido. Napansin iyon ni Sam kaya agad niya akong dinaluhan at inilayo sa kaniyang ina. “Is she okay?” “Mom, you’re shocking her. It’s too much.” Itinaas ko ang aking kamay saka ngumiti sa kanilang tatlo. “I-I’m okay don’t worry po. I’m Elle.” Muling napangiti ang Ina ni Sam sa akin pero agad ding nanlaki ang mata nito saka hinatak ang dalaga sa kaniyang tabi. Kumaway naman ito sa akin. “Hi Ate! I’m Nathalie you can call me Tala. Ikaw pala yung laging na-” Agad na naputol ang kaniyang salita nang tinakpan ni Samael ang kaniyang bibig. Nagpumiglas naman siya kaya agad siyang binitawan ni Samael. Tumakbo naman siya papunta sa akin at nagtago sa aking likod. Awkward akong napatingin kay Sam na napabuntong-hininga lamang sa amin. “Kuya is so not nice today. Tara ma, ate bili tayo ng street foods si kuya ang magbabayad.” Hinatak nila akong dalawa papunta sa helera ng mga food carts na nagbebenta ng street foods. Habang bumibili sila ay pasimple kong sinulyapan ang paligid. Napansin kong kanina pa may nagmamasid sa amin habang naglalakad kami. Karaniwan din ang kanilang mga suot pero agad kong napansin ang maliit na badge na nasa bandang ibaba ng kanilang damit. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. “Here Elle.” Inabot sa akin ni Tita ang isang paper cup na may lamang sampung stick ng chicken skin. Napansin ko ang maliliit na hiwa ng sibuyas at sili. Nakangiti ko itong tinanggap at agad na kumuha ng isang stick at kinain ang nakatuhog na chicken skin. “Thank you po Tita.” Nakangiti itong nakatingin sa akin habang kumakain. Inabot naman ni Tala ang shake kay tita na agad niya ding tinanggap. Lumapit sa amin si Samael na ngayon ay bitbit ang picnic basket at bag ng kaniyang ina at kapatid. Pasimple kong sinulyapan muli kung saan nakapwesto ang mga tauhan ni Samael. Nakatingin ang mga ito sa gawi namin. Tumango ang mga ito sa akin na ginantihan ko din ng tango. Lumapit naman sa tenga ko si Samael saka bumulong na ikinatigil ko. “You found them fast.” “Azazel Samil Zolten.” Pareho kaming napatingin sa kaniyang ina na naniningkit ang matang nakatingin kay Samael. Napa-ayos ng tayo si Sam. Nginuso naman ni tita ang nagbebenta. Napabuntong-hininga ito at kinuha ang kaniyang wallet sa bulsa. Kumuha ito ng pera doon at ibinigay sa tindero ang buong 200 pesos. Susuklian pa sana ito pero tinanggihan niya ito. Bahagyang napangiti ako sa kaniya. Muling kumapit sa aking braso si tita at hinatak ako pabalik sa plaza. Nakasunod naman sa aming likod sina Samael at ang kaniyang kapatid. Sinulyapan ko Samael na ginantihan lamang ako nito ng awkward na ngiti. Parang nagpapahiwatig na pagpasensyahan ang kaniyang ina at kapatid. Napa-iling na lamang ako habang naglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD