Chapter 6

2194 Words
Nagising ako sa amoy ng niluluto sa kusina. Agad akong bumangon at tiningnan ang relo sa gilid. 8:30 AM. Agad akong tumayo mula sa higaan at naglakad papuntang ce para maligo at magbihis. Nang matapos mag-ayos ng sarili ay saka ako lumabas ng kuwarto. Inilibot ko ang tingin sa paligid at nangunot ang noo ko nang mapansing wala ni isang tauhan o katulong sa paligid. Agad naman akong pumunta sa kusina at nakita si Samael na nagluluto. Lumingon ito sa aking gawi at tinuro ang pagkaing nakahain sa mesa. “Morning. You can eat the food there. I’ll just cook the remaining ones. We’ll be going somewhere after we eat. Diyan lang sa labasan.” Tumango ako sa kaniya saka naupo sa mesa. “Where is everybody? Even Gina isn’t here.” “I told them to do something. They’ll be here later.” Sinimulan kong kainin ang pagkaing hinain niya. Maya-maya pa ay umupo na rin siya sa aking harapan bitbit ang niluto niya. Tahimik kaming nagsalo sa pagkain. Nang matapos ay saglit ako nag-ayos at lumabas ng bahay. Agad ko namang nakita si Samael na nag-aantay sa gate. Nakasuot ito ng khaki shorts at polo at naka tsinelas lamang. Saglit itong natigilan nang makita ako. “Are we waiting for someone?” Nakatitig lamang siya sa akin. Inangat ko ang aking kamay sa kanyang mukha pero mabilis na hinablot ang pulsuhan ko. Magsasalita sana ako kaso agad niya akong binitawan at tinalikuran ako. “Wait here. I forgot to get something.” Walang lingon nitong sabi saka mabilis na naglakad papasok muli ng bahay. Napahalukipkip na lamang ako sa asta nito. Napunta naman ang tingin ko sa tauhan niyang nakabantay sa gate na mahinang tumatawa sa gilid. Naramdaman siguro nitong nakatingin ako sa kaniya kaya napalingon ito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Agad naman siyang umayos ng tayo saka nagiwas ng tingin. “Is your boss always like that?” “Hindi po ma’am. Ngayon lang po.” Huh. Weird. Tumango-tango lamang ako saka tahimik na nag-antay kay Samael. Maya-maya pa ay lumabas si Samael bitbit ang isang cardigan at facemask. Nang makalapit ay inabot niya sa akin ang hawak niyang cardigan at face mask. Una kong kinuha ang face mask at sinuot ito. Nang hindi ko kinuha ang cardigan ay kinuha niya ang aking kamay at ipinatong ang cardigan. “Wear it. It’s cold.” Tumaas ang kilay ko sa kaniya. The sun’s high. “It’s 1 pm.” Natigilan ito at kumunot ang noo. “It’ll be cold later.” Sabi na lamang niya at naunang naglakad sa akin. Mabilis ko naman siyang hinabol habang sinosuot ang cardigan niyang binigay. Sa dalawang araw kong nakakulong sa bahay ay ngayon ko lang napansin ang mga kalapit bahay namin. Karamihan ay mga simple at malilit lamang na bahay at may mangilan-ngilan na magagara. Maya-maya pa ay humito kami sa covered court ng baranggay may mga banderitas na nakasabit at may mga jersey at bandera ng mga grupong naglalaro. Nang makita ko ang tarpulin sa stage doon ko lang nalaman na piyesta pala dito sa lugar. Bigla namang nagsalita si Samael. “You’re here for something, right? This is the perfect time and place to gather intel.” Tumango lamang ako sa kaniya. Pagpasok namin ay hiningan kami ng ticket ng bantay papasok sa court. Inabot ni Samael ang dalawang maliit na papel sa bantay at nilagyan kami pareho ng stamp sa pulsohan. Pumasok kaai at naghanap ng mauupuan sa bandang itaas ng mga hillera ng upuan. Kitang-kita ko ang buong court sa pwesto namin. “I’ll buy snacks. Stay here.” Tumango lamang ako sa kaniya at pinanood ang kaniyang likod na papaalis. Nakita ko rin ang ilang mga kabataan na napapalingon sa kaniya. Medyo napasimangot naman ako sa nakita. Inilibot ko na lamang ang tingin sa buong lugar. Marami-raming nakapila sa labas ng court. Karamihan ay mga kabataan at mga matatanda, may magilan-ngilan namang mga bata na pumapasok. “Ikaw siguro yung nobya nun no?” Sabi ng isang medyo may kaedarang babae sa likuran ko sabay kalabit sa aking balikat. Nilingon ko ito at nginitian lamang. “Swerte mo iha napakabait na bata iyan.” Nagulat ako sa aking naring. “Kilala niyo po siya?” Tumango ito at natawa. “Oo naman iha. Hindi ko muna sasabihin kung sino ako. I’ll let him introduce me to you formally. Panigurado papagalitan ako non kung sa gantong paraan pa tayo magpakilala sa isa’t-isa. Sige mauna na ako. Enjoy kayo.” Bago ko pa ito mapigilan ay mabilis itong nagpunta kung saan. Tumayo ako sa aking upuan at hinanap kung saan siya nagpunta pero bigo ako dahil kahit anino ng babae ay wala akong makita. Muli na lamang akong umupo saka. Itinuon ang mata sa mga pumapasok na mga tao. Maya-maya pa ay nakita ko si Samael na papasok at may bitbit na isang malaking kettle corn na bag. Saglit pa nitong luminga-linga sa paligid na parang hinahanap ako nito. Kumaway ako sa kaniya. Ilang saglit pa ay nakita ako nito at naglakad papunta sa gawi ko. Sinalubong ko siya at akmang kukunin ang shake niyang hawak pero inabot lamang nito ang bag ng popcorn. Kinuha ko iyon at mabilis na bumalik sa aming kinauupuan kanina. Nang makaupo ako ay inabot nito sa akin ang shake at kinuha ang popcoorn sa akin saka binuksan at inilagay sa gitna namin. Sakto namang nagsimula ang munting program at ilang saglit pa ay nagsimula na ang laro. Imbes na ituon ang atensyon sa laro ay tahimik kong inoobserbahan ang mga tao sa paligid at naghahanap ng mga pamilyar na mukha. Sumipsip ako ng shake habang pasimpleng lumilingon-lingon sa paligid. “You still haven’t found one?” Umiling ako pero hindi ko siya hinarap. But I do found some suspicious people. I hope the authorities do something for that. “You live here, no?” Sabi ko sabay lingon sa kaniya. Natigilan ito sa paghipo ng shake. Nahina akong natawa. “Haha. Don’t worry I won’t dig out of you. I respect your privacy.” Itinuon ko ang tingin sa mga naglalaro ng basketball saka muling nagsalita ng pabulong pero sapat lang para marinig niya. “Besides, If anything happens between our agencies, we never know what ours will do to each of us agents.” Ramdam ko ang tingin niya sa akin. Humigop na lamang ako ng shake habang patuloy na nanonood ng laban. Pumito ang referee tanda ng time out. Tahimik lamang kaming kumakain nang maya-maya isang grupo ng mga player na nakasuot ng jersey na blue ang lumapit sa aming gawi. Ang isa sa kanila ay tumakbo papunta kay Samael. At tinapik ito sa balikat. Nagsalita ito ng hindi ko maintindihan. Salita iyon ng taga Romblon. Ilang minuto pa sila nag-usap saka lumingon ang mga ito sa akin. May tinanong sila kay Samael na hindi makasagot. Lumingon ito sa akin saglit saka bumuntong-hininga. “They want to meet you.” Agad naman akong ngumiti sa kanila. Ngumiti din ang mga ito saka kumaway. “Hello sa inyo ako si N-Elle.” Nakagat ko ang aking dila. Muntik ko pa masabi ang pangalan ko sa agency. Napa-ubo naman si Samael saka nagsalita sa mga ito. Ipinakilala niya ako isa-isa sa kanila. Hindi ko man matandaan ang kanilang mga pangalan agad ay nakipagkuwentuhan ako sa kanila siyempre si Samel ang nagtatranslate para sa akin. “Samahan ko muna sila sa bench. Okay lang ba na maiwan muna kita?” Tumango ako rito saka sumubo ng popcorn. “Sure. Have fun with them. I’ll stay here.” Tumango ito at bumaba kasama ang mga kaibigan nito. Kumaway pa nag iba sa akin na sinuklian ko din ng ngiti at kumaway pabalik sa kanila. Tahimik lang akong nagmasid sa paligid at sa mga naglalaro. Hanggang sa natapos ang dalawang laban ay hindi parin nakakabalik si Samael. Hinanap ko sila sa paligid. Napansin ko ang ilan sa mga kabigan niya na lumabas mula sa cr sa gilid. Sunod na lumabas doon Si Samael na nakasuot ng jersey na blue na kaparehas sa mga kaibigan niya. Pumito naman ang referee tanda ng pagsisimula ng laro nila. Itinaas naman ng ibang kasamahan nila ang bandera ng kanilang grupo. Napuno ng hiyawan ang lugar. Pumasok ang kanilang team at ang kanilang koponang makakalaban sa loob ng court. Nang makarating sa gitna ng court ay yumukod asila sa mga manonood saka nakaipag-kamay sa isa’t-isa. Muling pumito ang referee at unang sumalang sa court ang kaniya-kaniyang first five. Isa roon si Samael. Medyo nakatalikod sa akin si Samael pero kita ko ang nakasulat sa kaniyang jersey sa likuran. Zolten? Pumito ang referee at nagsimula ang laro. Ako naman ay lumikot ang mata sa paligid at muling hinanap ang babaeng nakausap ko kanina sa aking likod pero bigo ako. I only saw some suspicious ones on every corner of the place wearing casual attire but all holding their phones. Kanina ko pa ang mga ito napansin na hindi nanonood ng laro. Something might happen later. Tumayo ako sa aking kinauupuan. Sakto namang nagsitayuan din ang mga tao at naghiyawan. Bitbit ang popcorn ay mabilis akong naglakad papunta sa pinakadulo ng helera ng kinauupuan ko. Nang makarating doon ay luminga-linga ako sa paligid at hinanap ang isa sa mga kahina-hinalang taong nakatambay na napansin ko kanina. Nakita ko itong naka tayo sa bandang baba ng mga helera ng upuan malapit sa mga manlalaro. Agad akong naghanap ng inumin na malapit sa sahig. Nabaling ang mata ko sa isang bottled water sa di kalayuan. Busy naman ang mga tao sa pagcheer sa kanilang koponan. Mabilis na lumapit ako roon at kunwaring natapilok. Hinarang ko ang bitbit kong popcorn at pasimpleng kinuha ang bottled water. “Okay ka lang miss?” Inalalayan ako ng isa sa manonood. Probably siya ang may-ari ng tubig na kinupit ko. Tumango lamang ako sa kaniya sa mabilis na pumunta sa gawi ng kahina-hinalang lalaki sa di kalayuan. Ilang hakbang na lamang ang layo ko rito ay mabilis kong binuksan ang tubig at lumapit sa lalaki. Hawak parin nito ang cellphone at may katawagan. Umakto akong kunwari ay natisod saka ko binuhos sa lalaki ang tubig dahilan para mabasa ang kaniyang cellphone. Lihim na napangisi ako. Lumingon ang lalaki sa akin medyo nainis ito pero mabilis na itinago nito ang cellphone sa bulsa. Muli kong narinig ang pito ng referee. Hinawakan ko siya sa braso at pakunwaring nagsosorry sa kaniya. Tumango na lamang ito saka umalis. Sinundan ko ito ng tingin at sinipat kung saan siya pupunta pero biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay laking gulat ko na si Samael yon na pawisan at hinihingal. “What the hell are you doing, Noir?!” Pagalit nitong bulong sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya saka pinunasan ang pawis niya sa noo. Bumulong ako sa kaniya habang ginagawa iyon. “I took one out. There are four of them suspicious. Something might happen later.” Nakatingin lamang siya sa akin na ikinapagtaka ko. “Do you think I don’t know that? I already have my men and extra set of hands here. We are here for you to find more information whatever or whoever you’re looking for.” Natigilan ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. “Just-just let me, let others protect you. Don’t do that again. You have me and my team. And Ice.” Natulala na lamang ako sa kaniya. I never let others protect me even before I started working in this type of work. I experienced some people betrayed me kaya siguro I never let anyone do it. Namalayan ko nalang na hinatak ako nito papunta sa likuran ng upuan ng kanilang grupo. Nang makarating kami doon ay ipinakilala ako ni Samael sa mga kaibigan at nobya ng kaniyang mga kasamahan. Tuwang-tuwa naman ang mga ito na makilala ako. “Sige iwan ko na kayo.” Ngumiti lamang siya sa akin saka naglakad papunta sa kaniyang mga kagrupo sa kabilang banda ng court. Siniko naman ako ng katabi ko. “Hindi mo siya i-cheer?” Natigilan naman ako sa sinabi nito. Tumingin ako sa iba naming kasama pareho ang mga itong nakatingin sa akin at nag-aabang sa gagawin ko. Kinakabahang natawa ako sa kanila. Namalayan ko nalang na naglalakad ako papunta kay Samael. Saglit na tumigil ako sa gitna ng court. Should I do it? Huminga ako ng malalim saka tinanggal ang suot kong mask saka mabilis na naglakad papunta sa kaniya. Agad na hinatak ko ang kaniyang braso. Saglit na natigilan ito nang makita ako. Pero mabilis na niyakap ko siya sa kaniyang leeg at hinalikan siya sa labi. Agad din naman akong kumalas sa halik. Nginitian ko siya saka nagsalita. “Good luck! Win the game.” Nang hindi siya nagsalita ay bumaling ako sa kaniyang mga gulat na kasamahan at nginitian ang mga ito at sinabihan ang mga ito na galingan ang laro. Tumango lamang sila. Muli akong bumaling kay Samael na ngayon ay nakangisi na. Tumalikod ako at patakbong bumalik sa upuan. Sinalubong naman ako ng hiyawan at tukso ng mga bago kong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD