Chapter 5

2357 Words
Tahimik akong nakaupo sa sala habang nakahalukipkip at nagmamasid sa mga katulong sa aking harapan. I’ve been observing them for two days now. They look all suspicious. Parang inoobserbahan nila bawat galaw ko but they also gives off the vibe that they don’t care whatever I do. Which is good. I snapped my finger at itinuro ang isang katulong. “You there.” Naalerto naman ang mga ito at nagkatinginan. Nanatili ang tingin ko sa katulong na tinuro ko. Agad naman itong tumango saka lumapit sa akin habang naka-yuko. “Where is he?” Saglit itong tumingin sa akin at sinulyapan ang kaniyang kasamahan saka muling humarap sa akin. “Lumabas po si sir, ma’am. Hindi po sinabi kung saan.” Naningkit ang mata ko sa narinig ko. He’s up to something for sure. Lalo na’t nung nakita ko sila ni Ice na magkausap sa gazebo, hindi parin nakakabalik si Ice. Naputol naman ang pag-iisip ko nang biglang nagsalita ang isang katulong. “Excuse me ma’am. May kailangan po kayo?” Agad na nabaling ang tingin ko rito. Siya yung unang katulong na nakita ko dito sa bahay. “Do you know where he is? I haven’t seen him this morning.” Lumingon ito sa mga katulong na kaharap ko kanina at sinenyasan itong umalis saka humarap sa akin. “Sorry ma’am wala po siyang sinabi kung saan pupunta. Gusto niyo bang lumabas ma’am?” That clicked something in the back of my mind. Sinenyasan ko ang katulong saka nagsimulang maglakad. “Follow me.” Pinaningkitan ko ng mata ang tauhan ni Samael na nakaduty sa gate ng bahay. “Pasensya na po ma’am utos po ni sir na wag po muna kayong palalabasin ng bahay kung wala siya dito.” Napa-tsk naman ako sa narinig. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nakita ko ang lima niya pang tauhan na nakatalikod sa aking gawi at nakabantay sa gilid. Muli kong hinarap ito. “I’ll bring two of your colleagues here. I can protect myself and them. I’ll also bring this maid.” Nagdalawang isip ito at napatingin sa kasama kong katulong. Pareho silang hindi alam kung ano ang sasabhihin. “Ah, ma’am kasi, hindi po sila tauhan ni sir.” Nangunot ang noo ko at muling napatingin sa limang lalaki. Paglingon ko ay tamang-tama na nakatingin ang mga ito sa akin at mukhang gulat na gulat. Nakita ko pa ang isa sa kanila na tumatawa. Nang mapansin nitong hindi siya pinapansin ng kasama nito ay sinundan nito kung saan nakatingin ang mga ito. Agad namang nabura ang ngiti nito sa kaniyang mukha. Doon ko lang narealize kung sino ang mga ito. Nagsalita ang isa sa kanila. “Who are you?” Napansin kong nagkatinginan ang tauhan ni Samael at ang katulong na kasama ko. Saglit ko munang tinitigan ang lima bago nagsalita. “I’m Noir.” Gulat ang mga itong nakatingin sa akin. They are in the same line of my work. If I remembered clearly, this five men are Samael’s “partners”. Maybe andito sila para hanapin si Samael. Lumapit sa akin ang lalaking kanina ay tumatawa. “You’re her?” Nakatingin lamang ako sa kaniya. Binalewala ko ang kaniyang tanong at ako naman ang nagtanong sa kanila. “You guys are looking for him, right?” Nakaramdam ako ng magagaang yapak mula sa di kalayuan. Tumatakbo ito papunta sa direksiyon ko. Nang maramdaman kong ilang hakbang na lamang ang lapit nito sa akin, mabilis akong humarap dito at sinipa ang tiyan nito. Napahandusay naman ito sa sahig at uminda sa sakit. “Traitor!” Sigaw nito habang tinuturo ako. Akmang susugurin muli ako nito pero agad naman siyang inawat ng lima. Hinihila naman ako ng katulong palayo sa lalaking iyon. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ng katulong saka ko ito binulungan. Nanlaki ang mata nito sa narinig. “Pero ma’am-” “Do it. Now!” Nagdalawang-isip ito kung susundin ang akin inutos pero kalauanan ay tumango ito at mabilis na bumalik sa loob ng bahay. Binalik ko ang tingin sa anim na kasamahan ni Samael. “You five, let him go.” Halata sa mga itsura nila na ayaw nila itong bitawan pero kalaunan ay isa-isa nila itong binitawan. Kumalma ito pero kita ko parin ang galit sa mata nito. Muli akong nagsalita. “Answer me. Who are you?” Matalim itong nakatingin sa akin. Sakto namang bumalik ang kasama kong katulong kanina bitbit ang isang kutsilyo. Mabilis na kinuha ko ito at itinapon sa sahig malapit sa lalaki. Akmang kukunin iyon ng isa pero agad ko iyong inawat. “Do not meddle in this.” Napaatras ang lalaking inawat ko. Binalik ko ang tingin sa lalaking nakaupo sa sahig. Nakatitig lamang ito sa kutsilyo. “If you really believe I’m a traitor, pick up that knife and kill me.” Narinig ko ang protesta nila sa sinabi ko. Pero nanatili ang tingin ko sa lalaki sa sahig. Dahan-dahan itong tumayo at hawak na nito ang kutsilyo. Nanatili lamang akong nakatayo. Mula sa kaniyang tingin sa hawak na kutsilyo, inilipat niya ang kaniyang tingin sa akin. Walang anu-ano itong mabilis na tumakbo papunta sa akin habang nakatutok ang kutsilyo sa akin. Nanatili lamang akong nakatayo sa aking puwesto. Narinig ko ang pagsigaw ng katulong at ng limang lalaki. Balahibo nalang ang layo ng patalim sa aking leeg nang biglang tumilapon siya sa gilid. Nabitawan nito ang ang kutsilyong hawak. may mahigpit naman na humawak sa magkabilang balikat ko. Nang ibaling ko ang tingin ay kita ko ang galit na galit na Samael. “Why didn’t you move away?!” Nang hindi ako sumagot ay galit itong lumapit sa lalaki at kinuwelyuhan ito. “What the f**k is this, Luther?!” Nabalot ng tensyon ang paligid. Galit parin na nakatingin sa akin si Luther saka bumaling kay Samael. “Why are you keeping this traitor-” “She’s not!” Lumapit ako sa kanila at bahagyang hinatak ang braso ni Samael. Sinulyapan muna ako nito saka binitawan si Luther. “I told him to pick up the kinfe and kill me.” Magsasalita sana si Samael pero bumaling ako kay Luther. “You said I’m a traitor?” Hindi ito sumagot. “If you really think so, you should’ve picked up the knife from the moment I throw it on the floor and stab me.” Nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa akin na sinuklian ko naman ng ngisi. Nilagpasan ko ito at nagsimulang maglakad pabalik sa loob ng bahay. “You guys have a lot to talk about. I’ll get going.” Pumasok ako sa loob ng bahay bumungad naman sa akin ang mapuputlang mga katulong. Napabuntong hininga na lamang ako. Ah, I guess I inflicted an additional trauma on them. Lalapit sana ang isa sa kanila kaso agad kong itinaas ang aking kamay na agad naman nitong iinahinto. “I’m okay, thank you. I’ll just eat in the kitchen.” Matapos ko mailagay ang mga prutas at ice sa blender, tinakpan ko iyon at pinindot ang number 3. tahimik na naupo ako sa harap nito at pinagmasdan angpaghalo-halo ng mga ito sa loob ng lalagyan. Habang nag-aantay sa smoothie ay nagkuwentuhan kami ng katulong ko. Napag-alaman ko na Gina ang pangalan nito at siya ang katulong na ipinagkatiwala para sa akin ni Samael. Taga-rito daw siya at natulungan ito noon ni Samael. Gusto daw niyang bumawi sa itinulong ni Samael sa kaniyang pamilya kaya nagboluntaryo siyang maging katulong rito. Tumango-tango na lamang ako sa kaniyang kuwento. Binalik ko ang tingin sa blender saka muling nagtanong sa kaniya. “Naalala ko yung nangyari sa isang pamilya dito sa probinsya five years ago. May balita ka ba doon?” Saglit itong natahimik na paang may iniisip. “Ah. Yung kambal po ba ang tinutukoy mo ma’am? Yung Archivas?” Natigilan ako sa narinig. Dahan-dahan naman akong tumango pero hindi ko siya sinulyapan ng tingin. “Sa pagkakatanda ko po yung huling balita ay nawawala daw silang pareho tapos yung mga magulang nila, hindi na naka-abot ng ospital. Hindi rin sinabi kung sino ang mga suspek. Duda nga ho kaming mga taga rito na sindikato ang may pakana non eh. Lalo na’t may business noon na hawak ang pamilya na iyon.” Nangunot ang noo ko sa narinig. Ni-isa walang inilabas na balita? It is clearly suspicious. Pero if there is a money involved, for sure this is normal. Ibi nalik ko ang tingin kay Gina. “Hanggang ngayon, kahit isa sa kanila wala paring balita?” “Wala ho ma’am. Bakit po?” Sakto naman na tumigil ang blender kaya naka-iwas ako sa kaniyang tanong. Kinuha ko ang isang mataas na baso saka isinalin doon ang laman ng blender. May sobra sa smoothie na aking ginawa kaya kumuha pa ako ng dalawang baso para doon isalin ang natira. Nang matapos ay ibinigay ko kay Gina ang isa. Sa una ay tumanggi ito pero kalauan ay tinanggap iyon. Napalingon ako sa pinto ng kusina nang may napansin akong gumalaw mula roon. Nakita ko si Samael na nakatayo lamang at nakatingin sa amin ni Gina. I’ve let my guard down. How long was he there? Sinulyapan ko naman si Gina na agad na tumayo dala-dala ang baso ng smoothie saka mabilis na lumabas ng kusina. Napangiwi naman ako. Tahimik na naupo siya sa aking harapan. Inabot ko sa kaniya ang baso ng smoothie na gawa ko. “Thanks.” Tumango ako sa kaniya at matipid na ngumiti. “No problem.” Nabalot kami ng katahimikan pagkatapos non. Tahimik kaming umiinom ng smoothie na parang nagpapakiramdaman ng bawat isa. Nangangalahati pa lamang ako sa smoothie nang bigla siang magsalita. “That was good. Did you make it?” Tumango ako at ngumiti. “Yes. I saw some fruits here and decided to make a smoothie. Sorry I fumbled some things.” Ngumiti rin siya na ikinatigil ko at napatitig sa kaniya. “Don’t worry. You’re free to touch anything in this house.” Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at muling uminom ng smoothie bago muling nagsalita. “I hope everything is good with your friends.” “Ah, that. I’m sorry-” “It’s not your fault. I really told Luther to do it. I already knew he won’t do it even if you’re not here to stop him.” Tumango ito at ibinaba ang kaniyang tingin sa kaniyang baso. “You’re keeping me here because of that person at the ship, right?” Natigilan ito sa aking sinabi. Nginitian ko lamang ito saka muling nagsalita. “It’s okay to doubt me knowing we’re in this line of work, there is still a possibility that I am. But if I did, I won’t let your group be involved or harm innocents.” Tinitigan lamang niya ako saka napayuko at umiling. “That person. Do you know who is it?” Nakipagtitigan ako sa kaniya bago ako sumagot. “I am not sure yet.” Mahina lamang itong tumango saka tumayo sa kinauupuan nito. Dala niya ang baso niyang ginamit saka naglakad papuntang lababo na nasa likuran ko lamang. Narinig ko ang lagaslas ng tubig at ang mabangong amoy ng sabon. Maya-maya pa ay pinatay nito ang gripo. Nagulat naman ako nang bigla ako nitong niyakap mula sa likuran at hinalikan sa sentido. Naestatwa ako sa aking kinauupuan. “I trust you even if you’ll betray me someday. I know you have a reason for it.” Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Naramdaman ko nalang na wala na siya sa aking likuran at nang lingunin ko siya ay naglalakad ito palabas ng kusina. Napabuntong-hininga ako saka mabilis na inubos ang natitirang smoothie saka bumulong. “I hope you will, Sam.” Pumasok naman si Gina bitbit ang walang laman nitong baso. Lumapit ito sa akin saka tinulungan akong linisin ang counter. Nang matapos maglinis ay dumiretso ako sa sala. Pagdating ay natigilan naman ako nang makita ang grupo nila Samael na nagkukwentuhan doon. Agad akong napaatras at nagtago sa likod ng shelf sa pinakamalapit sa akin. “...investigating them. We are still not sure about the motive for it yet.” “Okay. Keep digging on that Chance. You two can stay here I need a hand here.” “You don’t need us. You have many men at your disposal.” “You know that is risky Mike.” “Fine. Basta 5k ang sweldo ko, Sam. I’ll start tomorrow. I better have that notification from my bank tonight.” Sunod kong narinig ang kanilang tawanan. Ilang saglit pa ay unti-unting natahimik ang sala. Lumabas ako sa aking kinatataguan at nakita ang mga papel na nakapatong sa mesa. Lumapit ako roon at napansin ang mga diyaryo ay litrato ng tatlong tao. Dalawa roon ay pamilyar. Kinuha ko ang isa sa mga diyaryo. Una kong napansin ang mga pulang marka sa buong diyaryo. Binasa ko ang mga may marka at nagulat ako sa aking nakita. Ang mga nilagyan nito ng marka ay ang mga artikulong patungkol kina Wayne, Silva at isang bagong pangalan, Adam. Tingnan ko din ang iba pang diyaryo parehong mga naglalaman iyon ng mga balita tungkol sa tatlo. Are these three involved with the Dark World? Nangunot ang noo ko. Samael, what are you up to? Nilapag ko ang hawak kong diyaryo. They knew something that I and my org didn’t. They might be hiding something. Tinawag ko si Gina na mula sa kusina ay lumapit sa akin. “My things hasn’t still arrived yet?” Umiling ito. “Baka bukas pa daw ma’am o sa makalawa darating yung bagahe niyo.” Nakagat ko ang aking ibabang labi. I can’t contact anyone at this point. Inilibot ko ang tingin sa paligid. I’m trying to find a telephone or phone na pwede akong maka-contact sa head. Sakto namang bumalik si Samael mula sa labas. Pero hindi ako nito napansin. “You guys are involved in Dark World, right?” Natigilan ito at mabilis na lumingon sa aking direksiyon. Kinuha ko ang isang diyaryo sa mesa at ipinakita ito sa kaniya. Hindi ito makasagot. “Tell me everything you know.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD