Kasalukuyang nagtatago ako sa gilid ng pinto papuntang kusina may tatlong kalaban na nakaabang sa di kalayuan. Rinig ko ang mga mahihinang yapak nila papunta sa aking direksiyon. Inabangan ko sila hanggang sa lumabas ang isa sa kanila sa pinto saka ko itinutok ang b***l at pinaputukan ito. Bago pa man maka-react ang dalawa niyang kasama, ay agad ko silang pinaputukan. Ang isa ay binaril ko sa ulo habang ang isa ay binarily ko ang kamay na may hawak na b***l at hita. Napaluhod ito at sumigaw sa tinamong sugat. Linapitan ko ang huling lalaki at tinutukan ng b***l.
“Who sent you?”
Ngumisi lamang ito sa akin. Maya-maya pa ay may lumabas na dugo sa bibig nito. Nanlaki ang mata ko. Kukunin ko sana ang lason na nasa bibig nito kaso walang hininga na ito nang maabot ko. Nakagat ko ang labi ko sa inis. Pumunta ako sa loob ng kusina at naghanap ng kutsilyo. Nang makahanap ay agad ko iyong ginamit para iksian ng haba ng palda ko. Nang matapos ay lumabas ako ng kusina bitbit ang kutsilyo at b***l. Biglang tumog naman ang aking earpiece na agad ko namang sinagot.
Beep.
“Black here. Any f*****g info?”
“The men are indeed Silva’s men before. But we still have no information on who’s the one behind them.”
“Any info on the other firm? Why is his team here?”
“We have no information to that yet but we know that they are also the target of the enemy.”
Naningkit naman ang mata ko sa narinig.
“Is there any of our team deployed?”
“What do you mean?”
Natigilan ako sa narinig at nagmasid sa paligid.
“There is none.”
The first thing that came from my mind is that this is a trap set up by someone. Which means at this time we might go down with this ship if all else fails.
“Which ship are you on?”
“Do you f*****g think I have a time for that now?! I sent you guys a picture of my f*****g ticket.”
May lumitaw na isang armadong lalaki sa gilid na agad ko namang binaril at agad naman itong bumulagta.
“Noir, you are on a wrong ship.”
“Wrong what?!”
“I guess our fates really do line up together.”
May biglang nagsalita sa aking likuran na agad ko namang hinarap at tinutukan ng b***l. Kahit na alam ko na kung sino ito, nagulat parin ako nang makita ang buong itsura nito. Ang kaninang itim nitong mata ay naging pamilyar na abuhing kulay. Kung noon ay kahalati lamang ng mukha ang aking nakita ngayon ay buo na. So this is the real him.
The real Samael.
“You recover slow.”
Biglang tumalim ang tingin nito sa akin saka inabot sa akin ang isang maliit na papel. Saglit na tiningnan ko iyon saka ibinaba ang b***l na nakatutok sa kaniya. Itinulak ko sa kaniya ang kutsilyo na gad naman niyang kinuha. Sinulyapan ko siya at nakitang nakangisi lamang ito sa akin. Nag-init naman ang mukha ko at walang anu-anong hinablot ang papel sa kaniya. Agad ko naman iyong binuksan laking gulat ko nang Mabasa ang laman. Ticket naming dalawa iyon sa barko. Magkaibang numero ng barko ang nakalagay. Una kong tiningnan ang numero ng barkong sasakyan niya sumunod ang sa akin.
AK271
AK272
Nakagat ko ang labi at sinulyapan muli ang lalaking sa harap ko. Nakangisi parin ito sakatumalikod sa akin at binaril ang mga tauhang pasugod sa gawi namin. Nilapitan ko siya habang tinutupi ang papel at nang makalapit sa kaniya ang ipinasok ko ang papel sa likurang bulsa niya. Nilingon niya ako pero agad naman akong tumalikod at tinutok ang b***l sa kalaban sa di kalayuan.
Agad na pumunta ako sa gawing iyon at nakita ang mga kalaban sa di kalayuan. Agad ko namang pinagbabaril ang mga iyon. Nakita ko naman si Ice na tumatakbo papunta sa aking gawi. Pinagbabaril ko ang mga tauhang humahabol sa kaniya. Paglapit niya ay saka ko lang napansin ang tama nito. Duguan ang ulo at puro sugat ang katawan. Bago pa siya makalapit sa akin ay bumagsak siya sa sahig.
“Ice! Ice wake up!”
Agad ko siyang nilapitan at pilit ko siyang ginigising. Naka-ilang tawag pa ako sa kaniya bago siya nagkaroon ng malay.
“Noir, run. The bomb. 5 minutes left. I was sure I defused it. But the time.”
Binalewala ko ang sinabi niya saka mabilis na isinampay ang isa niyang braso sa balikat ko at tinulungan siyang makatayo. Agad naman kaming dinaluhan ni Samael at isa niyang tauhan. Si Samael ang pumapatay sa mga tauhan sa likod naming. Ang isa niyang tauhan ay kinuha sa akin ang walang malay na Ice at binuhat ito. Nakita ko din ang ilang tauhan ni Samael na tumutulong mabawasan ang kalaban.
“Go help them towards the top. The aid will be here in two.”
“I’ll stay.”
Galit na bumaling ito sa akin.
“Don’t be f*****g stubborn woman! Just go up and flee!”
Tinawanan ko lamang siya na ikinatigil niya. Mabilis na itinutok ko sa kaniya ang b***l at pinaputukan ko siya. Nadaplisan ito sa pisngi. Naalerto naman ang kaniyang kasamahan sa nangyari ang iba ay nakatutok ang b***l sa akin. Itinaas ni Samael ang kaniyang kamay kaya ibinaba ng mga ito ang kanilang mga b***l pero nanatiling naka-alerto parin ang mga ito sa akin. Sinenyasan niya ang kaniyang tauhan na buhat-buhat si Ice at agad naman itong umalis.
“Fine. You can help us. But once you let yourself get wounded again, I will carry you myself and lock you in the seatbelt of the chopper.”
Sinamaan ko ito ng tingin saka ibinaba ang nakatutok kong b***l sa kaniya. Pinindot ko ang aking earpiece saka nagsalita.
“Send rescue here on 271. 5 minutes til the bomb explodes.”
Muli kong pinindot ang earpiece saka muling bumaling kay Samael.
“Between the two of us, I am the most involved person with Silvas. I’m definitely their target. You can use me. Now tell me the plan.”
Pinihit ko ang seradura ng pinto ng isang private cabin. Nang hindi ito bumukas ay lumayo ako at itinutok ang b***l sa seradura at pinaputukan iyon dahilan para masira iyon saka ko sinipa ang pinto. Bumungad sa akin ang iilang naka-unipormeng crew ng barko na nakatali at may busal sa bibig. Mabilis na tinulungan ko ang mga ito. Nang matapos ay itinuro ko silang pumunta sa top deck para malikas sila agad. Hinalughog ko ang buong kwarto hanggang sa inangat ko ang foam ng kama at napansing may nakadikit na bomba sa sahig. Napansin ko din ang isang manipis na copper wire na nakadikit rito at nakakonekta ito sa ilalim ng sahig. Napa-atras ako nang makita ang oras.
Mabilis na lumabas ako doon at pinasok ang iba pang kuwarto. Maya-maya pa ay nahanap ko ang main bomb sa isang kuwarto. Nakita ko ang parehong copper wire na nakakabit sa apat na bombang nahanap ko. Agad ko itong nilapitan at sinipat ang bomba. Hahawakan ko sana ito nang may pumigil sa aking kamay. Nilingon ko kung sino iyon.
“Careful. This bomb is special. We’re still investigating how this thing work.”
Tumango lamang ako sa kaniya at muling sinipat ng tingin ang bomba. We can’t defuse other bombs we only have one shot or else we’ll go down with the ship. Muling tumama ang tingin ko sa copper wires na nakakabit sa main bomb.
“The wires.”
Bumaling sa akin si Samael.
“So you noticed it too. But it’s risky since Ice tried to detonate, it affected the time. But she did the right thing.”
My hunch was correct. Tumango ako at humarap sa kaniya. Saka kinasa ang hawak kong b***l.
“The time is not for the bomb. We should get ready.”
Nakarinig kami ng pagsabog sa di kalayuan. Pareho kaming napatingin sa gawi kung saan iyon nagmula. Mabilis na tumakbo kami papunta roon. Binuksan ni Samael ang pinto at tumambad sa amin ang mga nakahandusay na mga tauhan niya at mga kalaban. Nanatili lamang ako sa likod ni Samael. Tahimik na pinagmasdan namin ang paligid hanggang sa bumaling ang tingin ko sa makapal na usok sa bandang dulo ng barko. Nakita ko ang isang itim na pigura at may hawak itong katana na nakasuksok sa gilid nito. Nanliit naman ang mata ko. Hindi ito tauhan ni Silva o ni Samael. Kinuha ko ang isang rapier na nakatarak sa bangkay ng isa sa mga kalaban. Binaril naman ni Samael ang pigura. Walang kahirap-hirap nitong sinalag ang bala gamit ang kaniyang katana.
Mabilis na tumakbo ito papunta kay Samael. Hindi ito tinigilan ni Samael na paulanan ng bala. Madali lamang nitong nailagan ang mga bala. Sa bilis ng galaw nito ay parang nawala ito sa ere ng ilang segundo. Paglingon ko kay Samael ay laking gulat ko na sinasalag na nito ang katana gamit lamang ang b***l nito. Tumagilid si Samael saka malakas na siniko nito ang pigura dahilan para mapa-atras ito. Mabilis na sinugod ko namang ito gamit ang rapier. Mabilis naman itong naka-recover at nasalag nito ang atake ko. Tinulungan naman ako ni Samael na atakihin ang kalaban. Inaatake ko siya gamit ang rapier habang si Samael ay gamit ang kaniyang kamao at sipa.
Lumingon sa gawi ko ang kalaban. Napahigpit ang hawak ko sa rapier. Inilebel ko ang paghinga ko at kinalma ang sarili. Inangat ko ang rapier at tinutok iyon sa kalaban. Tumakbo siya papunta sa akin at itinaas ang hawak nitong katana. Sinalag ko naman iyon gamit ang rapier. Buong lakas ko siyang itinulak dahilan para saglit kaming magkalayo. Muli naman ako nitong sinugod. Mabilis itong tumakbo papunta sa akin. Pero laking gulat ko nang nilampasan ako nito. Paglingon ko sa likod ay si Samael ang pinupuntirya nito. Mabilis akong tumakbo papunta kay Samael at sinalag ang atake ng kalaban gamit ang isang kamay at malakas na sinipa ko ito sa tiyan dahilan para tumilapon ito at bumangga sa railing. Mabilis naman itong nakatayo muli. Humakbang muli ito papalapit sa amin. Mabilis ko siyang sinalubong. Nang makalapit ako sa kaniya ay pinuntirya ko ang tali ng kaniyang mask. Mabilis na inangat ko ang rapier saka pinutol ang tali ng kaniyang mask. Natigilan ito at napahawak sa maluwang na nitong mask. Mula sa kaniyang likuran ay itinutok ko ang rapier sa kaniyang leeg saka nagsalita.
“Who sent you?”
Hindi ito sumagot sa tanong ko kaya idiniin ko sa kaiyang leeg ang rapier. Binitawan nito ang hawak niyang katana na ikinagulat ko. Sumunod ay hindi ko inaasahang siniko ako nito sa tagiliran malapit sa sugat ko. Dahilan para mapaluhod ako at umubo ng dugo. Nilingon ko muli ito. Laking gulat ko na nakatitig lamang ito sa akin. Doon ko lang napansin na mukha itong pamilyar. Naalala ko naman ang estilo nitong makipaglaban kanina. Pamilyar ang dating noon sa akin.
“You-”
Naputol naman ang salita ko nang makarinig kami ng tunong ng helicopter sa di kalayuan. Nilingon ko si Samael na nakatutok ang b***l sa taong nasa harap ko.
“Don’t shoot!”
Natigilan si Samael pati ang mga kasamahan nito sa sinabi ko. Unti-unti namang nanlabo ang paningin ko at nawalan ng lakas.
“T-that’s-”
“Noir!”
Unit-unti kong binuksan ang mga mata ko. Napa-kunot naman ang noo ko sa di pamilyar na lugar. Bigla ko naalala ang nangyari sa barko.
Fake bombs and that someone.
Napabangon ako bigla saka mabilis na hinugot ang IV na nakatusok sa akin. Napangiwi ako sa sakit na agad ko naman binalewala saka mabilis na bumagon ako sa kama. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, sumalubong sa akin ang dalawang bantay ng kwarto. Nagulat ang mga ito nang makita akong lumabas ako sa pinto. Bago pa man sila maka-react, malakas na sinipa ko ang mga ito sa tiyan dahilan para matumba ang mga ito. Sumigaw ang mga ito dahilan para mabaling ang atensyon nga mga empleyado sa buong floor kung saan ang kwarto ko. Dali-daling tumakbo ako papuntang hagdan kaso nakita ko ang ibang tauhan ni Samael na paakyat. Nilingon ko ang paligid at natuon ang tingin ko sa emergency exit sa di kalayuan. Saglit na nilingon ko ang kwarto na pianggalingan ko. Nanlaki ang mata ko nang mapansing tumatakbo ang mga ito papunta sa akin. Agad naman akong tumakbo papuntang emergency exit at mabilis na sinara ang pinto noon at binaba ang lock. Narinig ko ang galabog ng pinto. Pilit nila itong binubuksan. Mabilis na bumaba ako ng hagdan.
Saglit akong napatigil sa pagbaba dahil biglang kumirot ang sugat ko sa tagiliran. Sakto namang nakarinig ako ng mabibilis na yapak mula sa taas ng hagdan. Kinalma ko ang akng sarili. Hahakbang sana muli ako pababa ng hagdan nang biglang bumukas ang pinto sa aking harapan. Sa gulat ko ay napahakbang ako paatras pero huli ko na napansin na wala na akong tatapakan. Napapikit na lamang ako at inihanda ang sarili sa paghulog. Naramdaman ko namang may yumakap sa akin. Agad akong napadilat at itutulak sana ito pero mabilis nitong hinawakan ang dalawa kong kamay.
“You really can’t stay still.”
Natigilan ako at napatingala rito. The familiar gray eyes. Bago pa man ako makasalita ay agad akong binuhat nito. Hindi na ako naka-imik pa at hinayaan na lamang ito. Lumabas kami mula sa emergency exit. Nakita kami ng mga kasamahan niya kaya napayakap na lamang ako sa leeg niya at itinago ang sarili. Narinig ko pang tinawag siya ng mga ito. Nanatili lamang akong nakatago sa kaniyang leeg.
“Sir-”
“We’ll go home. Tell all of them to retreat.”
Narinig kong inutusan niya ang mga ito pero hindi ko na iyon masyado napakinggan dahil sa hindi malamang dahilan ay nilamon ako ng antok. Muli akong nagising dahil sa malamig na dumampi sa aking pisngi. Pagdilat ko ay bumungad sa akin ang mukha ng isang katulong. Naalerto naman ito nang makita akong may malay na. Saglit itong umalis at binuksan ang pinto ng kuwarto. Inilibot ko naman ang tingin sa lugar. Una kong napansin ang floor to ceiling na bintana sa kwarto. Kita ko ang garden at gazebo sa labas. Napansin ko si Samael na kausap si Ice. Agad namang naputol ang kanilang usapan nang lumapit ang katulong na kasama ko kanina. Si Ice ay mabilis na tumakbo papunta kung saan habang si Samael ay napatingin sa gawi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon ang pansin sa loob ng kuwarto. Doon ko lang narealize na nasa ibang lugar kami. Narinig ko pa ang mahinang tunog ng radyo sa labas ng kwarto ko. Hinawi ko ang kumot at akmang bababa sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Bumungad sa akin si Samael at ang katulong kanina. Nagtaka ako at wala si Ice.
“You hurt?”
Umiling ako sa tanong ni Samel. Tumango naman ito at may inutos sa katulong saka muling bumaling sa akin.
“We’re in Carabao Island. Our plan is about to start.”
I was out for 2 days. I should train again I guess. Tumango na lamang ako sa kaniya. Bigla akong kinabahan sa plano namin. Hindi ko sinabi rito na may iba akong pinunta rito bukod sa bakasyon. Napaisip ako kung anong gagawin ko. Hindi ko pwede mapahamak ang mga inosenteng mga tao.
“Just remember we can’t let anyone be dragged to what we are up to.”
Tumango lamang ito sa akin. Nabalot naman kami ng katahimikan. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Marahil parehong may tanong kami sa isa’t-isa pero alam naming pareho na white lies lang ang maririnig namin sa isa’t-isa. Naputol ang katahimakan nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang katulong na may dalang tray ng pagkain. Kinuha iyon ni Samael at inilagay iyon sa mesa sa aking tabi.
“I can eat on my own.”
Natigilan ito pero agad naman siyang tumango.
“If you need anything just call the maid or one of my men outside.”
Walang lingon nitong sabi sabay labas ng pinto.