Suot ang itim na maskara na napalamutian ng gintong balahibo na bumagay sa suot kong itim na one shoulder gown, tahimik na sinimsim ko ang wine sa basong hawak ko. Nasa isang masquerade ball ako ngayon at kasalukuyang nasa undercover mission. Ito na ang huli kong mission since balak kong magpahinga muna sa trabahong to. Besides, kailangan ko na din muna maglie-low mainit kasi sa tenga ang pangalan ko bilang agent na Noir.
Napansin ko ang isang lalaki mula sa aking kanan na papalapit sa direksiyon ko. Muli kong sinimsim ang wine at pinaikot ang aking baso. Pansin kong magagaan ang hakbang nito.
It felt unpleasant and dangerous like he has some hidden intentions.
"Hey gorgeous. I noticed that you're sitting here for a while now. It's a shame on your beautiful dress."
Tumaas ang gilid ng labi ko. Nilapag ko sa mesa ang baso saka lumingon sa kaniya. He looks clean and sharp sa kaniyang buhok at ayos. Naka-itim itong Armani na tinernuhan niya ng kulay gintong necktie. Ang kaniyang buhok na naka blowout haircut ay parang inuusig akong hawakan ang kaniyang malambot na buhok. Kulay ginto naman ang kaniyang suot na maskara.
"So what are you implying?" Naka-ngisi kong tanong.
Inayos niya saglit ang kaniyang suot na tux at necktie saka inilahad sa akin ang kaniyang kamay.
"Dance with me. And I don't accept rejections."
Natawa na lamang ako sa kaniyang sinabi saka tinanggap ang kaniyang kamay. Maingat niya akong inalalayan papuntang dancefloor. Nang makarating kami sa gitna ay saktong nagpalit ng musika.
Binitawan niya ako at pareho kaming lumayo ng tatlong hakbang sa isa't-isa. Gamit ang kanang kamay ay bahagya kong itinaas ang aking palda. Inilapat ko naman ang aking kaliwang kamay sa aking dibdib at yumukod sa kaniya. Habang ang aking kapareha naman ay inilagay sa kaniyang likod ang kaliwang braso at ang kanang kamay ay inilapat sa kaniyang dibdib. Tulad ko ay yumukod din siya sa akin.
Sabay kaming humakbang papalapit sa isa't-isa. Agad niyang inilingkis ang kanang braso niya sa bewang ko. Idinantay ko naman ang kaliwang kamay ko sa kaniyang kaliwang balikat. Magkahawak kamay naman kami sa kabilang kamay. Nagsimula kaming sumayaw pinakikiramdaman ang bawat isa. Pareho kaming titig na titig sa mga mata ng bawat isa. Napansin kong abuhin pala ang kulay ng kaniyang mga mata.
Well, he's a unique guy.
He leaned at bumulong sa tenga ko.
"My team is here to take care of Congressman Wayne."
Bigla kong naalala na may mission nga palang tinanggihan ang firm namin noong nakaraang araw. Mukhang eto yata yon. Napag-alaman kasi namin na corrupt official iyon at ayaw ni Boss na mabahiran ng dumi ang pangalan ng firm.
"You're breaking the rule." Sabi ko.
Sa uri ng trabaho namin, isang rule ang hinding-hindi mo dapat ilabag. Yon ay ang pagleak ng information tungkol sa assignment. Umangat ang gilid ng kaniyang labi.
"I trust you."
Mahinang natawa naman ako sa sinabi niya. An agent should never trust.
"Coming from an agent like you. It makes me laugh. But okay no snitches."
Ngumiti siya sakin saka nailing.
"I am here to poison someone." Bulong ko sa tenga niya.
Tumaas naman ang kilay niya. Parang ayaw maniwala sa akin. Nang makarecover ay pasimpleng luminga-linga siya sa paligid.
"It's Wayne."
Parang nabuhusan naman siya ng malamig na tubig sa sinabi ko. Mahina akong natawa. I'm just joking and here he is, already tense.
"Just kidding. I'm just here to teach Silva a lesson."
He sighed. Relieved na hindi kami magkalaban sa mission. Tumango siya at muling luminga sa mga kabaro niya. Habang ako ay hinahanap ang signal na hudyat na simulan na ang mission ko.
"It looks like our time is almost up. Care for a last dance?"
Nakangiting tumango ako sa kaniya. Muling nagpalit ang musika at nagsimula muli kaming sumayaw sa saliw ng mabagal na musika.
Hindi ko matatanggi na nag-enjoy ako sa sayaw namin ni Samael. Marami akong nalaman tungkol sa kaniya sa maikling oras na iyon.
Pinaikot niya ako. Nang muli kaming magkaharap ay napaatras ako sa sobrang lapit niya sakin kaya naout of balance ako. He leaned at maagap na ipinalibot ang kaniyang mga braso sa aking bewang. Ako naman ay wala sa sariling nakakapit sa kaniyang damit. Sa sobrang lapit ng aming mga mukha ay amoy na amoy ko ang kaniyang nakakahalinang hininga.
Nagulat ako nang walang pag-aalinlangan niya akong hinalikan sa labi na agad ko naman tinugon. Madali lamang iyon pero hingal na humiwalay kami sa aming halik.
Bigla namang narinig ko ang mahinang tunog mula sa earpiece ko sa kaliwang tenga na natatakpan ng buhok ko.
"Black."
Gamit ang kaliwang kamay ay pinindot ko ang buton ng earpiece saka nagsalita.
"Noted." Sabi ko habang nakatitig sa abuhing nga mata ni Samael.
Inayos niya ako ng tayo saka lumayo at yumukod sa akin. yumukod din ako sa kaniya tulad kanina ay bahagya kong itinaas ang aking palda. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang aking kanang kamay.
"For a year, I'll leave it to fate that she'll make us meet again. If she didn't, I'll make a way to find you."
Ngumiti lang ako sa kaniya. I doubt that. Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa likod ng aking palad.
"Very well. It was nice to meet you, sir Samael."
"See you soon, Miss Noir."
Tumango ako at agad na tumalikod sa kaniya at nagsimulang maglakad papalayo. Naramdaman ko ang titig niya bago siya umalis papunta sa kabilang direksiyon.
Nakita ko si Ice na nakapalumbaba sa mesa at nakatingin sa akin. Agad akong lumapit sa kaniya napansin kong ngumisi siya nang makalapit ako.
"Who's that guy? He looks hot. Bagay kayo."
I just shrugged at her saka naglakad papuntang elevator. Agad naman siyang sumunod sa akin sa loob ng elevator. Bago pa man magsara ang pinto ng elevator ay saglit na hinanap ko ang anino ni Samael pero hindi ko na siya nakita kahit ang mga kateam niya. Medyo nadismaya ako doon.Napalingon ako kay Ice nang kalabitin niya ako.
Inabot ni Ice ang kumikinang na ginto kong pouch na naglalaman ng DMX Compact na b***l ko. Tahimik lang kami sa loob ng elevator. Ilang saglit pa ay tumunog ang elevator tanda na nakababa na kami sa pupuntahan naming floor.
Pagkabukas ng pinto ay inilibot ko ang tingin sa parking. Nang mabilangko ang cctv sa paligid ay agad kong pinindot ang aking earpiece.
"Turn the eyes off."
"Got it."
Ilang segundo lang ay napansin ko ang pagkamatay ng ilaw ng mga cctv. It's our cue para sugurin ang target. Nagsimula kaming maglakad papunta sa kaisa-isang kotse sa dulo ng parking lot. Lulan non ang isa sa mga boss ng Dark World. Rinig ang paglagatok ng aming mga takong habang papalapit kami sa sasakyan.
Nang makalapit kami sa sasakyan, pasimple akong sumenyas kay Ice na agad naman niyang ikinatango. Pumunta siya sa kabilang side ng sasakyan sa bandang likod kung saan naka pwesto ang aming target. Pasimpleng kinuha ko naman ang aking b***l mula sa aking pouch.
Kumatok ako ng tatlong beses sa salamin ng driver's seat. Unti-unting bumaba ang salamin kasabay naman non ang pagpasok ni Ice sa sasakyan. Narinig ko ang manyak na pagtawa ng aming target sa likod ng sasakyan. Mukhang aliw na aliw nang makita si Ice. Akala niya isa siya sa mga bayarang babae niya.
Napansin kong tinititigan ako ng driver. Nanlaki naman ang mata niya nang magtama ang aming tingin. Magsasalita na sana siya pero mabilis na pinaputukan ko siya ng b***l sa noo. Dilat ang mata nito nang malagutan siya ng hininga.
"Y-you!"
Natuon naman ang tingin ko kay Silva. Kukunin na sana niya ang kung anong bagay sa kaniyang bulsa pero agad siyang pinaputukan ni Ice. Walang buhay siyang nakahandusay sa loob ng kotse. Mabilis na sinara namin ang sasakyan at nagsimulang maglakad papaalis ng parking lot na parang walang nangyari. Bigla namang tumunog ang aking earpiece. Sumulyap sakin si Ice na nangangahulugang pati siya ay kinontak.
Mukhang may masamang balita.
"Team B got sabotaged by Dark World's men. We already contacted Samael's team to back you up. For now, get out of there asap. Silva's men are on their way."
Asar na pinindot ko ang earpiece ko. Akala ko makakapahinga na ako. Epal naman. Muling tumunog ang earpiece ko. Mabilis na sinagot ko iyon.
"What?!" Galit kong sabi.
"Calm down."
Napakunot naman ang noo ko nang ibang tao ang kausap ko.
"Who's this?"
"Samael."
Natigil naman ako sa pagtakbo. Nahinto rin si Ice nang mapansing hindi ako nakasunod sa kaniya.
"My team is on our way there. Pababa na kami ng parking. Can you guys hold out for a while?"
Sumulyap ako kay Ice at sumenyas sa kaniyang b***l kung may ammo pa siya na ikinatango niya.
"Yes. I guess we are fine kung kaunti lang makakaharap namin."
"Good. I need you guys to kill Silva's men. My team will block their back up from behind. Then we'll fetch you."
Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Tumunog naman ang earpiece ko tanda na naputol ang tawag. Bumaling naman ako kay Ice.
"He said they'll block the back up from behind. Our job is to kill those who are here already. Then sususnduin nila tayo pagkatapos."
Tumango siya sa akin saka inihanda ang kaniyang b***l.