Agad kong kinuha ang kunai na nakatago sa holster sa aking hita na natatakpan ng palda. Sakto namang may tumawag sa amin ni Ice sa di kalayuan.
"Miss?"
Nagkatitigan kami ni Ice. Tumango siya at sabay kaming humarap sa kung sino man ang tumawag sa amin. Agad naming napansing tauhan iyon ni Silva. Kumunot muna ang noo ng lalaki. Agad namang nanlaki ang kaniyang mata nang makilala kami.
"ANDITO SI-!"
Bago niya pa matapos ang kaniyang sasabihin ay agad kong itinapon ang kunai sa kaniyang gawi. Sumapol iyon sa kaniyang leeg. Kita ko pa ang pagsuka niya ng dugo bago tuluyang humandusay sa sahig. Naalerto naman ang kaniyang kasamahan sa di kalayuan.
Mabilis na lumapit ako sa bangkay at kinuha ang nakatarak na kunai sa kaniyang leeg. Inuna ko ang isa sa kanila na medyo nanginginig pa ang kamay sa paghawak ng b***l. Nang mapansin niyang papalapit ako ay napapikit siya sabay putok ng b***l.
When weilding a g*n, never close your eyes.
Madali ko namang nailagan iyon. I immediately dash towards him. Sa bilis ko ay animong nawawala ako sa ere ng ilang segundo. Nang makalapit ako ay nagulat siya nang mismong nasa harapan na niya ako. Bago pa man siya makareact ay agad kong hiniwa ang kaniyang leeg. Walang buhay na bumagsak siya sa malamig na semento. Mabilis na itinutok ko ang b***l gamit ang aking kaliwang kamay sa bandang kaliwa ko. Kinalabit ko ang gatilyo at muling bumulagta ang isa pang tauhan. Nakikipagpalitan na rin ng putok ng b***l si Ice sa mga kalaban habang ako naman gamit ang aking kunai at b***l ay isa-isa kong pinapatumba ang mga sumusugod sa akin.
Isang minuto ang nakalipas pero halos hindi maubos-ubos ang kalaban namin. Paubos na ang bala ni Ice kaya nagtatago siya sa isa sa mga malaking poste ng driveway. Habang ako naman ay puno ng dugo ang kamay dahil sa mga napapatay ko. Napansin ko ang isang tauhan sa di kalayuan na may hawak na katana. Napamura ako sa isip.
Kahit na pipitchugi ang mga tauhan ni Silva, wag na wag mamaliitin ang mga tauhan nila na gumagamit ng katana. Mabibilis kasi ito gumalaw at kung hindi ka alisto sa paligid ay magugulat ka nalang tanggal na ang ulo mo sa katawan mo. Napamura naman ako nang bigla itong mawala. Agad kong nilingon ang pwesto ni Ice. Doon ko napansin na papunta iyon sa direksiyon kung saan nagtatago si Ice.
Napamura ako at mabilis na pumunta sa pwesto ni Ice. Agad kong sinalag gamit ang kunai ang kaniyang katana. Napansin kong nakatutok ang kanilang mga b***l sa akin. Saktong ubos na ang bala ko at wala na ring pang reload. Mabilis akong lumingon kay Ice at napansin kong may tama siya sa tagiliran.
"Ice, get out of here!"
Hindi ko na nakita kung sumunod siya sa sinabi ko. Muli kong hinarap ang kalaban ko. Hinawi ko ang aking kamay na may hawak na kunai dahilan para magkaroon ng opening ang kalaban. Buong lakas kong sinipa siya sa tiyan at natumba ito. Sunod-sunod naman na putok ng b***l ang narinig ko. Napa-igik pa ako nang matamaan ng bala sa binti. Napa-upo naman ako dahil doon. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ang kalaban ko kanina lang at nakatutok ngayon sa akin ang kaniyang katana. Mahigpit na hinawakan ko ang aking kunai.
Nang mapansin kong papunta ang katana sa leeg ko, mabilis kong inilipat ang kunai sa kabilang kamay at isinalag iyon. Tumayo ako at hinawakan ko ang pulsohan niya na may hawak na katana. Umikot ako at sinaksak ang kunai sa kaniyang dibdib. Narinig ko pa ang kaniyang pag-igik bago bumagsak sa aking likuran. Agad kong kinuha ang kaniyang katana saka humarap sa iba pang mga tauhan. Napaatras ang iba nang makita akong may hawak na katana. Isa din kasi ako sa mga magagaling humawak ng katana sa aming team. Bigla namang sumigaw ang isa sa kanila.
"Ano ba?! Sugod! Iisa lang yan!"
Hudyat iyon para sunod-sunod na paulanan ako ng bala. Gamit ang katana, mabilis kong nasalag ang mga iyon habang humahakbang papalapit sa kanila. Nang makakuha ng tiyempo ay agad akong tumakbo papalapit sa kanila sabay hawi ng katana. Agad na tumumba ang lima sa kanila. Sunod-sunod na inatake nila ako kasama ang pagpapaulan nila ng mga bala. Natamaan ako ng iilan pero hindi ko iyon ininda at ipinagpatuloy ang pakikipagbuno sa mga tauhan ni Silva.
Hahakbang na sana ako papalapit sa kanila nang biglang pumula ang paligid. Unti-unting naging itim na pigura ang mga kaharap kong kalaban. Napakunot ang noo ko at nilingon ang buong paligid. Pula lamang ang paligid at mga itim na pigura ang nakikita ko. Humakbang ako at napansing basa ang sahig. Ibinaba ko ang tingin at nagtataka na pulang likido ang bumabalot sa sahig.
Dugo ba ito?
Sino ang may gawa nito?
Ako ba?
Napatingin ako sa aking mga kamay. Puro dugo. Pati ang suot kong damit puro dugo. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Maaaring sakin, maaaring hindi.
Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Nakita ko ang isang tao sa di kalayuan nakahandusay iyon sa sahig at may mantsa ng dugo ang suot na damit. Napansin ko ang suot nitong bracelet. Nanlaki ang mata ko nang makitang pamilyar ang suot niyang pulang bracelet. Gawa lamang iyon sa pulang yarn na tinirintas.
Noelle.
Humigpit ang hawak ko sa kunai at katana. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking luha sa nakita. Hindi sa lungkot kundi dahil sa galit at pagkamuhi. Muli kong ibinalik ang tingin sa mga itim na pigura. May mga hawak silang patalim at b***l. Nakatutok lahat ng armas nila sa akin at naka-ambang susugurin ako.
"I'll kill you all!"
Dala ng galit ay hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Nilingon ko ang mga itim na pigura sa aking likod. Unti-unting naglaho ang mga pigurang nakahadusay sa sahig. Bumalik ang tingin ko kay Noelle na nakahiga sa sahig. Napakunot naman ang noo ko nag unti-unti siyang naglaho. Ang pulang paligid naman kanina ay muling naging parking lot ng hotel.
Hotel.
Silva.
Dark World.
"Noir!" Sigaw ni Ice.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Narinig ko ang mabilis niyang hakbang papunta sa akin. Ngunit dala ng kalituhan sa nangyari, agad na itinutok ko sa kaniya ang hawak kong kunai. Nahinto naman siya sa paglalakad dahil doon. Napalunok muna siya saka muling nagsalita pero pabulong.
"Noirelle. Controll yourself."
Dahan-dahan kong ibinaba ang kunai na nakatutok sa kaniya. Parang naging hudyat iyon na maramdaman ko ang mga tama sa katawan ko na agad kong ikina-ngiwi. Napahawak ako sa sugat sa tagiliran ko. May mga sinabi pa si Ice sa akin pero hindi ko na siya pinakinggan. Nakarinig ako ng mga yapak sa hagdan na katabi lamang ng nilabasan namin na elevator kanina.
Mabilis na tumakbo ako papunta roon. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Ice pero hindi ko siya pinansin. Nang medyo makalapit ako ay nakita ko ang iilang mga paa na mabilis na bumababa ng hagdan. Malakas na tinapon ko ang kunai sa huling hakbang na sana'y aapakan nila. Natigilan sila dahil roon. Lumapit naman ako sa kanila at itinaas ko ang katana at itinutok sa pinakamalapit na tao sa akin. Naging tensyonado ang paligid. Sunod-sunod na pagkasa ng mga b***l ang narinig ko. Mula sa pagkatitig ko sa dulo ng katana, itinaas ko ang tingin sa taong nasa harap ko.
It was the same silver pair of eyes again.
Walang bahid ng emosyon ko siyang tinitigan. Ibinaba ko ang katana na nakatutok sa kaniya kasabay non ay ang pagbaba din ng mga armas ng kaniyang mga kabaro. Malamig akong nagsalita.
"You're late. Party's over."
Tumalikod ako sa kanila saka nagsimulang maglakad papunta kay Ice. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagduwal mula sa mga kabaro ni Samael. Nilingon ko sila saglit. Ang iba ay nakahawak sa pader habang dumuduwal ang iba naman ay nakangiwi at tinatakpan ang ilong. May iba ring tinatakpan ang kanilang ilong at bibig. Napunta naman kay Samael ang tingin ko. Nakakunot ang noo nitong lumilinga-linga sa paligid. Maya-maya ay napansin ko ang pagguhit ng maliit na ngisi sa kaniyang mga labi. Bago pa magtama ang aming tingin ay iniwas ko na ang tingin saka tahimik na naglakad papunta kay Ice.
Gamit ang kaliwang kanay hawak-hawak ko ang nakabendang tagiliran ko ang kanan nama'y hawak-hawak ang katana. Tahimik na naglalakad ako papunta sa bangkay kung saan ang kaninang nakalaban kong swordsman kanina. Nang makalapit, saglit ko munang tinitigan ang kanyang anyo habang tahimik na nagbigay ng dasal sa kaniya. Nang matapos ay tinitigan ko saglit ang kaniyang katana bago ko ipinatong sa ibabaw niya iyon. Tumayo ako nang tuwid. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot ng aking sugat sa tagiliran pero hindi ko iyon ininda. Dahan-dahan akong yumuko upang magbigay pugay sa kaniya.
It's such a shame that he and I took different sides of a coin which led to an unescapable game of death.
Kung sana'y nakilala namin ang isa't-isa sa ibang sitwasyon, I might consider him as a friend and a master of the blade.
"You shouldn't bow too much like that."
Napabuntong-hininga ako saka dahan dahang umayos ng tayo. Nakatingin parin ako sa bangkay habang nagsasalita.
"He deserve it. He's a great swordsman but we're not on the same side."
Sumulyap ako ng saglit sa katabi ko. Tumango-tango lang siya sa narinig.
"Well, I guess I'm lucky to see the Noir paying respects to a great dead swordsman."
Napailing na lamang ako sa kaniya. Saglit ko pang sinulyapang muli ang bangkay saka tumalikod at paika-ikang naglakad palayo. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang biglang humarang sa daanan ko si Samael. Nakatalikod siya sa akin habang nakaluhod ang isang tuhod at ang kaniyang mga kamay ay nasa likod.
Piggyback.
Luminga-linga ako sa paligid. Napansin kong napaiwas ng tingin ang mga kasama ni Samael. Napatikhim pa ang iba sa mga ito saka tumalikod at kunwaring may gagawin sa isang gilid. Napalingon naman ako kay Ice. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay mabilis na kumapit siya sa katabi niyang tauhan ni Samael at kunwaring may problema sa sugat niya. Takang nakatingin naman sa kaniya ang lalaki kaya hinila niya ito palayo hawak parin ang "sumasakit" niyang sugat.
Napa-buntong hininga ako. Bahagya akong nilingon ni Samael.
"Come on. Bubuhatin kita papunta sa sasakyan ko."
"B-but—"
Naputol ang salita ko nang bigla siyang tumayo at hinubad ang coat niya. Humarap siya sa akin at lumapit para itali sa bewang ko ang sleeves ng damit niya. Sinigurado niyang natatakpan ang hita kong nakalabas sa slit ng suot kong dress at sa bandang pwetan ko para di ako masilipan sa likod. Nang matapos ay matiim lamang niya akong tinitigan.
"Piggy back or I'll carry you as if like you're my wife?"
Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya saka ako nagsalita.
"Just turn around and kneel again. I'll get on your back."
Rinig ko ang mahina niyang pagtawa. Binalik ko sa kaniya muli ang aking tingin. Nakita ko siyang napailing nalang saka muling tumalikod at lumuhod. Muli akong napatikhim. Lumapit ako sa kanya pero may pag-aalinlangan ako kung ipupulupot ko ba sa leeg niya ang braso ko o ipapatong lang sa balikat niya ang kamay ko.
Nagulat naman ako ngang bigla niyang hinila ang magkabila kong kamay na may bahid pa ng dugo dahilan para mapakapit ako sa kaniyang leeg. Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya agad at naka-kawit ang magkabila niyang braso sa magkabila ko rin na hita.
"You okay? Tell me if this is uncomfortable to your wounds." Aniya habang naglalakad.
Tahimik lang akong umiling sa kaniyang likod. Pasimpleng tumitingin din ako sa paligid. Kapansin-pansin sa mga kasama ni Samael na natutuwa ang mga ito sa nakikita. Bigla namang nag-init ang aking mukha saka napayuko dahilan para masandal ko ang aking noo sa kaniyang balikat.
"I'm sorry. I reek of blood." Mahina kong sabi na halos pabulong nalang.
Naramdaman ko ang paglingon niya sakin saka ngumiti at muling naglakad.
"It's okay. It's normal."
Bigla akong natawa ng mahina sa sinabi niya. He almost said that everyone reeks of blood or covered in blood.