“Sure ka ba? Baka hanapin ka ni Julia? Mahadera pa naman ang baklang ‘yon.” Agad-agad na hinila ni Avvy si Inko papasok at sinigurong walang makakita. “Nagtatanong ka pa, eh, nahila mo na nga ako dito sa loob,” natatawang sagot naman ni Inko. Umirap naman si Avvy. Nag-iingat lang ako, ano! Mamaya isumbong tayo no’n kay Sir Gavin.” Pagkasarado ng pinto, agad na napuno ng kilig ang kuwarto. “Na-miss ko ‘to,” bulong ni Inko habang binubuksan ang pizza box na dala niya. “Miss kita. Sobra.” Pigil na pigil ang ngiti niAvvy at mabilis nang naupo sa gilid ng kama, kinuha ang isang slice ng pizza. “Wala pang twenty-four hours tayong di nagkita.” “Eh, masama bang ma-miss kita in less than that?” seryosong tanong ni Inko habang iniaabot ang isang beer sa kaniya. Bumungisngis si Avvy, pero ra

