“Six weeks?” tanong ko muli, hoping I heard wrong. “Yes. That aligns with around the time you mentioned you traveled back to Manila from a personal leave, correct?” Tumango ako, pero hindi totoo ang alibi ko. Kailangan kong sabihin iyon, bagama’t hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas. Wala sa sariling napadako ang kamay ko sa tiyan ko. Malcolm and I had s*x… many times, with the last week we’ve been together. At totoong mahigit isang buwan na talaga ang nakalilipas nang maghiwalay ang mga landas namin. Hindi ko lang akalain na may ganito pa palang mangyayari. Hindi ko alam ang gagawin, ni hindi ko alam kung saan pupunta, o kung paano ipagtatapat ito kay Mama. “Your vitals are good. But the fainting is likely due to hormonal changes. I suggest you see an OB-GYN when you get back

