Helena's POV Pagbalik ko sa hotel mula sa lab, parang wala akong energy. Para pa rin akong lutang at hindi ko maintindihan kung paanong haharapin ang nalaman ko. Pero sa ngayon, mas gusto ko munang magpahinga. Kailangan ko ng kama. Ng unan. Ng katahimikan. Ng kapayapaan ng isip at damdamin. Pagkapasok ko pa lang sa hallway papuntang kwarto ko, agad na bumungad si Julia, nakapamaywang ito at magulo ang buhok, at parang naglalagablab ang mga mata. “Helena!” tawag niya sa akin, at halatang wala sa mood. Napaatras ako nang konti. “O? Bakit ganiyan ang hitsura mo?” Habang papalapit siya sa akin parang lalo akong kinakabahan. Wala naman sigurong bad news, ‘di ba? “Hindi. Siya. Umuwi. Kagabi.” May diin ang bawat salita niya. As in, inisa-isa niya iyong bawat salitang sinambit niya. Kahit k

