Chapter 6 Enraged

2330 Words
Malcolm’s POV Sa loob ng dark office ko sa itaas ng Nocturne, nakaupo ako habang may isang baso ng Bourbon sa kamay. Sa harap ko ay ang live footage mula sa mga discreet cameras na ipinalagay ko sa paligid ng shop na ako mismo ang nagpagawa. Pinanood ko si Helena habang hawak niya ang kamay ng nanay niya. The warmth in her face, f*ck… it’s the same look she probably gave Raiden. "I built her a f*cking empire in five days," I muttered, half amused, half enraged. "And yet she still thinks she can run?" Lumapit si Ramvince sa akin na may hawak na tablet. “She tried to send a message kanina. Di nakalusot. Good call sa full surveillance.” Tumango ako. Hindi ako pwedeng maawa sa kaniya. Not now. “She’s smart, bro. But I’m smarter,” dagdag ni Ramvince. Tinitigan ko ulit si Helena sa screen habang kinakausap ang Mama niya. Alam ko ang plano niya. Umalis. Tumakas. Lumaya. But I’m not done with her. “Run all you want, Helena.” Ngumisi ako. “I built your kingdom... I can burn it just the same.” “You know what, whenever I look at her, I felt like I was looking at an innocent lady,” maya-maya ay komento ni Ram sa tabi ko. I scoffed bitterly. “Iyan mismo ang ginamit niya para maloko at saktan nang husto ang pamangkin ko hanggang sa magpakamatay ito.” “Komento ko lang naman iyon. Ano bang balak mo sa kaniya?” tanong niya, habang gaya ko ay nakatunghay din ito sa screen kung saan patuloy lang na nag-uusap si Helena at ang ina niya. “I want to make her my personal toy. Gusto kong tripleng impyerno ang iparanas sa kaniya para sa lahat ng dinanas ng pamangkin ko…” kumuyom ang kamao ko at tumiim ang titig ko sa screen. “Well… ayaw ko sanang sabihin ito, pero nakausap ko kasi si Llander kahapon… kilala mo naman si Llander, ‘di ba?” saad nito kaya napalingon ako sa kaniya. “What about him?” nagtatakang tanong ko. “It’s not verified yet, but they accidentally overheard that a group of men who were discussing about Raiden and Helena in the bar. They got curious before pero binalewala lang nila. Naalala lang niya noong mabalitaang namatay na si Raiden at may mapag-usapan kami tungkol sa encryption protocols and–” “Sinabi mo sa kaniya ang tungkol kay Raiden?” gimbal kong tanong. Sunod-sunod siyang umiling. “No. Of course not!” tanggi niya agad. “They just overheard that Raiden was mistreating her girlfriend before. Hindi lang sila sure kung sinong girlfriend ang tinutukoy nila.” “Walang ibang naging girlfriend si Raiden nang umuwi siya rito sa Pilipinas maliban kay Helena… maybe they misheard it,” pagbibigay-diin ko. “Exactly!” sang-ayon naman niya sa akin. “Kaya nga, bakit kaya hindi mo muna alamin ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila. What if may iba palang dahilan at hindi si Helena?” paliwanag ni Ram. Pero agad akong umiling habang nagtatagis ang mga ngipin ko. “Raiden had a suicide note, indicating all his miseries because of that f*****g woman!” “Yeah… but that is Raiden’s side of the story. Ano naman ang side ni Helena?” Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko na naisip pa iyon dahil mas lamang ang matinding galit ko sa pagkawala ng pamangkin ko na itinuring ko nang parang isang anak. “Malcolm, kilalang-kilala kita… you are my junior in our fraternity. At hindi ikaw ang tipo ng tao na basta-basta na lang mananakit ng isang tao without due process…” dagdag pa niya dahil hindi ako nagsalita. Aaminin kong biglang nanikip ang dibdib ko. Pero hindi pa rin maiaalis niyon na si Helena ang malaking dahilan kaya maagang nawala si Raiden sa amin. “Still… Raiden is not a weak man to take his life over some relationship quarrel. He took his life because he suffered more than he could handle!” katuwiran ko. “May point ka naman. At hindi ko naman binabalewala ang nararamdaman mo,” sagot niya. “Ang sinasabi ko lang, just like a coin, the truth has two sides. You should know both sides before casting your judgment, right?” Napabuntong-hininga ako. May laman naman ang payo ni Ram at alam kong pinapalawak niya lang ang isip ko. Kaya naman tumango na lamang ako. “I understand what you meant… thanks. I will think about it,” sagot ko at muling bumaling sa camera. Ngunit wala na roon si Helena at tanging ang Mama niya at ang mga taong namimili ang makikita. “O? Paano, mauna na ako. Tawagan mo na lang ulit ako kung may kailangan ka,” paalam na ni Ram sa akin. Muli ko siyang nilingon pero nahahati na ang atensyon ko. “Thank you, Ram. I really appreciate your help!” nagkamay kami bago siya nagpaalam at umalis. Ako naman ay nagsisimula nang mag-init ang ulo dahil wala nang imahe si Helena sa kahit na anong anggulo ng mga nailagay na hidden camera. “Do you really think you can run?” usal ko. “In your dreams, Helena!” tumayo ako at tinawagan ang bodyguard na nakabantay doon. “Nakausap ko po siya, Sir. Nandito lang po siya sa loob ng bahay nila,” paniniguro ng bodyguard sa akin. “Baka nasa kuwarto po, Sir. Wala na po tayong camera roon saka sa kusina nila.” “Fine. Be alert. Kapag nakatakas iyan, ako mismo ang babaril sa ulo mo!” banta ko. After more than three hours, she’s not back yet. I glanced at my Rolex… exactly three hours and sixteen minutes since Helena walked out of that damn door, escorted by my most trusted men. Supposedly trusted. I was already tapping my foot impatiently. Something was off. That girl may be stubborn, but she knew better than to test me again. After everything. Kumukulo na ang dugo ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. “Sir…” tila natatarantang sambit ng driver sa kabilang linya. “Kasi… kasi may nangyari po, Sir.” Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. “What kind of situation?” “Sir, wala na po si Ma’am. Bigla pong nawala, eh,” bakas ang takot habang nagsasalita ito, habang ako ay lalong nagpupuyos na sa galit. “Paanong nawala? Napakaliit lang ng bahay nila at wala naman silang ekta-ektaryang bakuran?” mataas na ang boses ko nang magtanong. “Sir, akala po namin ay nasa loob lang siya ng shop, eh. Hindi naman po kasi lumalabas. Pero noong magtanong po kami sa Mama niya, kanina pa raw po umalis. May trabaho raw pong pupuntahan,” mabilisang pagbibigay alam nito. Sa tindi ng galit ko ay hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay madudurog na talaga ang cellphone ko, habang parang lulubog na ang mga kuko ko sa palad ko sa higpit ng pagkakakuyom niyon. “You, incompetent piece of sh*t,” I growled, nagpalakad-lakad ako paroo’t parito sa sobrang inis. “Two grown men, armed, trained, and you lost a girl wearing nothing but borrowed clothes?!” “Sir, hindi naman po namin inakalang tatakas siya. Kalmado lang naman po siya at tahimik na nakikipag-usap sa nanay niya at–” I ended the call before he could finish. The air shifted. Heavy. Suffocating. Nahampas ko nang ubod-lakas ang mesa sa harap ko. Maging ang vase na may lamang bulaklak sa ibabaw niyon ay muntik nang matumba. My chest rose and fell, filled with a storm I couldn’t name. She left me, even after I threatened her. “Malakas Talaga ang loob mong babae ka, ha?” No one walks away from me. Not her. Not Helena Mae De Vera. I grabbed my phone again and dialed fast, Ramvince picked up on the first ring. “She’s gone,” I said. “Your guys are free tonight, right? I need the best trackers you’ve got. Get their ashes moving.” “Are you sure about this? Maybe she just needed some air?” tanong ni Ramvince. May bahagi ng pagkatao ko ang nakakaramdam na tila hindi sang-ayon si Ram sa ginagawa kong pagpaparusa kay Helena. “I am more than sure, Ramvince. Manloloko talaga ang babaeng iyon! I need eyes on all exits from that barangay. LRT stations. Bus terminals. CCTV footage. I want a full sweep.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Copy. Should we prep a team to intercept?” Tumiim ang bagang ko. I walked to the bar cart and poured myself a double shot of whiskey. Inisang lagok ko iyon at hinayaan ang mainit na epekto niyon sa lalamunan ko. The burn did nothing to soothe me though. “Don’t intercept. Not yet,” sa wakas ay sagot ko. “Gusto kong isipin niya na matatakasan niya ako. Thinking she got away with it. Then, I will give her a surprise of her damn life.” Hindi agad nagsalita si Ramvince sa kabilang linya. “Seryoso ka talaga rito, ha? Puwede naman natin siyang paimbestigahan nang mas malalim o kaya–” “She thinks she can run,” putol ko kay Ram, “but she’s still playing in my world. And in my world, I am the one imposing the rules!” She doesn't know who I really am. She doesn’t know how far I’ll go. “Fine, uutusan ko na agad ang mga tao ko na kunin ang current location niya,” sagot nito sa kabilang linya. I stared out the massive glass window of my penthouse, the lights of the city stretching beneath me like a million stars. “Let her feel freedom for one night,” I whispered more to myself. “And then I’ll rip it away from her so hard, she’ll choke on it.” Because the truth was… I wasn’t just angry. I was hurt. Betrayed. Obsessively tethered. She was supposed to be mine to torture. My revenge. My captive. My puppet. But somewhere between her screams, her tears, her eyes silently begging me to let her go… something cracked inside me. And now that she’s gone? Pagbibigyan ko siya sa larong gusto niya, pero siguraduhin lang niyang kakayanin niya ang parusang kapalit nito. Helena’s POV Tinatawanan ko lang dati iyong mga babaeng tumatakas sa action movies, kahit may ilang guwardiya na nakabantay. Ngayon ay ako na iyong babaeng tumatakas, pero walang anumang nakakatawa. Yakap-yakap ko pa rin ang nag-iisang bag na nadala ko. Mga pinakamahahalagang gamit lang ang laman nito. Bahala na talaga. At least malaya na ako. At least for now. Pagkababa ko ng jeep, mabilis akong lumakad nang lumakad papunta sa may terminal. Nadagdagan pa nga ang kabog ng dibdib ko nang makita ang mga tsuper na direktang tumingin sa akin. Parang ramdam ko iyong kaba at takot na bumalot sa awra ko, pero hindi ko iyon puwedeng ipakita kahit kanino. “Miss, sakay ka?” tanong ng isa. “Saan ang destinasyon mo?” Tumango ako. Nag-iisip ako kung anong lugar ang sasabihin ko. “May Bicol po ba rito?.” Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko. Wala naman akong kamag-anak o kahit sinong kakilala roon. Pero alam kong malayo iyon. “Oo naman!” “Doon po ako, Kuya. Saan po banda?” pilit kong itinatago ang panginginig. Bakit ba pakiramdam ko may nakatingin sa akin nang palihim? Pero tinatagan ko ang loob ko. “Ah, mamayang alas-diyes pa ang biyahe no’n, eh. Kung gusto mo, maghintay ka muna sa–” “Ah, hindi po ako puwedeng magtagal dito, Kuya, eh!” putol ko sa pagsasalita niya. “Alin po ba rito ang aalis na?” naglumikot ang mga mata ko sa mga nakaandar na sasakyan at nagkakarga ng mga pasahero. Tatlong bus ang may nakalagay na destinasyon. Ang isa, Tuguegarao, mayroong Baguio, tapos mayroon ding Laguna. Alin kaya sa tatlo? “Iyang apat na bus ay aalis na in ten minutes, Hija,” sabi na ng kausap kong driver. “Ah, sige po. Magba-Baguio na lang po muna siguro ako,” sabi ko at agad na pinuntahan iyong bus na may nakasulat na Baguio City sa harap. Tumango lang sa akin iyong driver na nakaupo sa loob pagpasok ko. Ako naman aydumiretso lang sa loob. Halos marinig ko na ang malakas na kabog ng dibdib ko. Doon muna ako sa Baguio magpapalipas ng magdamag habang nag-iisip kung saan talaga ako pupunta. Noong umandar na ang bus ay unti-unting nababawasan ang kaba ko. Pero nanlalamig pa rin ang mga kamay at paa ko. Tinitingnan ko ang bawat sasakyan, SUV, lalo na iyong mga kulay itim na parang pamilyar. My hands were shaking. I kept imagining Malcolm’s voice shouting my name, his grip bruising my wrist, dragging me back into that hell I escaped from. No. Not again. Never again. Noong bumilis na talaga ang andar ng bus ay unti-unti nang dumaloy ang mga luha ko. Hindi ko lang talaga mapigilan. Para akong nakahinga nang maluwag na hindi ako nakuha ni Malcolm at ngayon ay papaunta na ako sa isang lugar na malayo sa kaniya. I cried silently, but the tears didn’t stop. Hindi lang dahil sa pinaghalong takot at paggaan ng pakiramdam kung hindi dahil alam kong mahahanap din agad ako ni Malcolm kung hindi ako magiging maingat. Kaya habang umiiyak ako ay pinilit kong mag-isip. Helena, what now? Where do you go? How do you vanish when the man looking for you owns half the damn country because of being wealthy and influential? Wala akong kakampi. Walang maraming pera, at walang matatakbuhan na talagang ligtas. "Helena?" Nanigas ang buong katawan ko. Ang boses na iyon… Unti-unti ay nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. My eyes widened the second I saw the tall guy in a black hoodie, cap, and mask… removing the mask just enough for me to see the half-smirk I used to memorize.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD