Pagkatapos ng isang buong linggo, totoo ngang nag-organize ng welcome party para sa mga bagong empleyado. Hindi lang naman pala kasi ako ang bagong hire, mayroon din sa ibang department. Nagpunta kami sa isang cozy bar na two blocks lang ang layo mula sa DagnerTech HQ dito sa BGC. Not too fancy, not too wild, just a decent place with mood lights, soft music, and a lot of finger food and iced cocktails. Hindi ako sanay sa mga ganito kaya nagsuot lang ako ng simpleng flowy cream blouse, high-waisted jeans, at itong nag-iisang branded na sneakers ko. “Helena, right?” bati sa akin ng isa sa mga kasamahan namin na Shane ang pangalan mula sa Finance department na ngayon ay umiinom na ng iced mojito. “You’re the one na galing sa online retail, ‘di ba?” “Yup,” bahagya akong ngumiti. “Pero para

