Nang makatapos na kami ay pumasok na si Sir Gavin. But beside him was a man wearing a white clerical shirt with a Roman collar. Maputi at may dimple sa magkabilang pisngi, at sa awra pa lang ay kita nang mabait talaga ito. Iyong tipong parang... kayang magpakalma ng gulo sa dibdib mo. “Everyone,” panimula ni Sir Gavin. “This is Father Jarred, my older brother.” Nagulat ang karamihan. Kuya? Mukha pa siyang mas bata, pero ang ganda ng posture. Very relaxed lang, confident, at may halata talaga sa pagiging...well, pari. “Good afternoon po,” bati ni Father Jarred. “Thank you for welcoming me. I’ve heard so many stories about this team.” “GOD stories ba, Father?” tanong agad ni Julia, na namimilipit na yata sa kapipigil ng kilig. “Puwede po bang magpa-private confession later? Charot lang

