Hindi alam ni Chartreuse ang gagawin nang hindi pa rin nagigising si Zeniya mula sa kaniyang mahimbing na pagtulog. Sigurado siya na ang pagpunta sa Gratiorhia ang nag-iisang paraan lang upang matunaw ang yelong unti-unting bumabalot sa puso ni Zeniya. Hindi siya maaaring magkamali gayong pinag-aralan niya ang bagay na iyon noon pa man kaya’t nagtataka siya kung bakit wala pa ring malay si Zeniya. “Zeniya!” pagtawag nito sa pangalan niya habang mahina nitong inaalog ang balikat ng kaibigan ngunit tila mahimbing pa rin itong natutulog. Nawawalan na siya ng pag-asa na hindi na siya magigising pa dahil sa kalagayan nito. Napahilamos na lang ng mukha si Chartreuse habang hindi pa rin matanggap ang nangyayari. Sa loob-loob nito ay natataranta na siya gayong hindi pa rin bumabalik ang ulirat

