Muling naglakbay ang apat sa kagubatan, dala pa rin ang takot at pangamba na baka mayroon na namang mga mababangis na hayop na gumagala sa paligid. Kailangan nilang makatungo roon sa kontinente bago pa man lumubog ang araw doon. Kalahating araw na lang ang kailangan nilang gugulin upang mailigtas ang kaibigan at kapag hindi sila nakaabot ay maaaring tuluyan nang hindi magising si Zeniya mula sa mahimbing niyang pagtulog. “Malapit na ba tayo?” tanong ni Sapphire mula sa kanilang matahimik na paglalakad. Ni wala sa kanila ang magsalita pagkatapos ng nangyari. Tanging si Sapphire lang na malayang nakakapagsalita gayong hindi naman siya galit sa mga ito. Hindi pa rin nagkaka-ayos ang dalawang si Cerulean at Blizzard dahil sa kanilang pagbabangayan kanina. “Oo, malapit na tayo!” tugon ni Cha

