Mabilis na rumehistro sa kanilang apat ang pangamba at takot na baka hindi na sila makarating sa kanilang pupuntahan gayong masyado ring marami ang mga itim na lobo kung lalabanan pa nila ang mga iyon. “Anong gagawin natin?” nangangambang tanong ni Sapphire sa kasama gayong hindi maipinta sa kaniyang mukha ang takot. Nangangamba siya na maaaring doon na rin siya mamatay dahil hindi nila kakayanin ang mga iyon. Bukod pa roon ay wala na silang lakas upang pantayan ang lakas ng itim na lobo gayong pagod na rin sila mula sa kanilang paglalakbay. “May plano ako.” Kaagad na napatingin ang tatlo sa winikang iyon ni Cerulean. “Ano naman iyon?” takang tanong ng tatlo. Patuloy pa rin sa pag-angil ang mga itim na lobo sa paligid habang tanging mga mata lang nila ang kanilang nakikita. Hindi na r

