CHAPTER 49 CELESTINA POV “Napadala ko na ang bulaklak at tsokolate na napag-usapan,” sabi sa kabilang linya. Napangiti ako habang nakasandal sa headboard ng kama. Sigurado akong magagalit si Xander kapag nakita niyang may nagpapadala ng kung anu-ano kay Hazel—lalo pa’t sa ngalan ng isang secret admirer na walang iba kundi si Vino. Oo, ang matalik niyang kaibigan na wala namang ideya sa mga pinapasok niya, basta may katumbas na bayad. Tignan na lang natin kung hindi ka kamuhian ulit ni Xander, bulong ko sa sarili. “Ituloy mo lang ang pagpapadala, siguraduhin mong walang makakaalam,” bilin ko muli. “Syempre naman. Basta ‘yung pangako mong pera.” “Oo, ipapadala ko mamaya sa account mo,” mabilis kong sagot bago tuluyang pinatay ang tawag. Perfect ang lahat. Dapat lang na magsimula nang

