CHAPTER 48 MR. BELFORT POV Tumama ang palad niya sa pisngi ko. Hindi iyon malakas. Pero sapat para ako'y magising. Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi dahil sa sakit ng pisikal na sampal—kundi sa sakit ng katotohanang kaakibat nito. Ang sakit ng mga salitang kasunod. > “Georgelyn ang nakalagay at Hazel ang pangalan ko! Wala akong alam diyan sa pinaparatang mo. Wala nga akong maalala eh! Baka nga hindi ako si Georgelyn, kaya huwag mo akong sabihan ng ganyan!” Hindi siya umiyak. Hindi siya nagsumamo. Tumalikod siya at umakyat nang taas-noo, buo ang boses, kahit halatang nasasaktan. Napapikit ako. Napasabunot ako sa sariling buhok. Ano ba'ng ginagawa ko? Gusto kong protektahan siya. Gusto kong alamin ang totoo. Pero heto ako… pinaghihinalaan siya, sinasaktan, sinisigawan—dahil lan

