CHAPTER 47 HAZEL POV Nasa sala kami ng mga bata. Masigla silang nagku-color sa mga coloring book nila. Hindi pa naman opisyal ang klase kanina kaya parang play day lang. Walang lesson, puro laro. Bukas siguro may activities na. Pero ngayon, mukha silang masaya at panatag—bagay na bihira kong makita sa mga mata ng mga anak ko… anak ba talaga? Si Xander naman ay umakyat saglit sa kwarto niya para makapagpahinga. Ako, naiwan sa sofa, nakamasid lang sa kambal na ngayo'y nagtatalo sa iisang kulay ng crayon. Si Ok Lucas gusto ng blue. Si Lianne, gano’n din. Parehas silang ayaw magpatalo. Ngumiti ako. Minsan, nakakalimutan kong napaka-inosente pa ng mundo nila. “Ma’am Georgelyn…” Napalingon ako. Si Manang Rosa. Nasa harapan ko, hawak ang isang bouquet ng mga rosas at isang kahon ng mamahali

