CHAPTER 46 CELESTINA POV Napakuyom ang mga palad ko habang nakaupo sa loob ng kotse, naka-park ilang metro lang ang layo mula sa main gate ng nursery school. Sa loob ng sasakyan, bukas ang bintana — sapat para marinig ko ang masasayang tawanan at malalambing na tinig ng mga bata. Pero mas nanunuot sa tenga ko ang boses ni Xander habang kausap ang babaeng ‘yon. Si Georgelyn. O kung anuman ang tawag nila ngayon sa kanya. “Hindi ka ba paalis, Ma’am?” tanong ni Rico, ang driver ko, habang palinga-linga sa rearview mirror. Hindi ako sumagot. Sa halip, mas piniling ituon ang paningin sa eksenang nakapipinsala sa ego ko. Ang dating malamig at walang pakialam na Xander, ngayon ay nakangiti — parang may araw na sumikat sa buhay niya. At ang dahilan? Ang babaeng dapat ay patay na. Dapat ay wa

