CHAPTER 67 HAZEL POV Kinabukasan, nagising ako sa banayad na ingay ng pagbukas ng pinto. Pumasok si Daddy, suot pa rin ang paborito niyang coat, pero halatang mas magaan ang itsura niya ngayon. May ngiti sa labi niya, at parang mas kumalma na ang mga mata niya kumpara kahapon. “Good morning, anak,” bati niya habang inilalapag ang dala niyang paper bag sa mesa. “May good news ako sa’yo.” Napataas ang kilay ko, medyo naguguluhan. “Ano po ’yun, Dad?” “Pinayagan ka na ng doktor na umuwi,” ngumiti siya nang mas malaki, kita ang ginhawa sa mukha niya. “Inaayos ko na lahat ng papeles mo sa nurse’s station. Nagpa-prepare na rin ako ng sasakyan para diretso na tayong makauwi mamaya.” Napangiti rin ako kahit ramdam ko pa ang bigat ng katawan ko. “Talaga, Dad? Ibig sabihin… makakauwi na ako?”

