CHAPTER 17 HAZEL POV Matapos ang di inaasahang pangyayari kahapon sa park, hindi pa rin tumigil ang utak ko sa pag-iisip. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mukha ng batang lalaking iyon. Ang matalim pero inosenteng titig niya, at higit sa lahat, ang pagkagulat sa kanyang tinig nang sambitin niya ang salitang iyon. "Mommy?" Bakit niya ako tinawag ng gano’n? Wala akong anak. Wala rin akong maalalang bahagi ng buhay ko na may kaugnayan sa kanya. Pero sa titig niyang iyon, sa paraan ng pagkakabangga niya sa akin, para bang may koneksyon kaming dalawa—isang koneksyong hindi ko maipaliwanag. Pag-uwi ko kagabi sa apartment, hindi ko mapakali. Hindi ako nakatulog nang maayos. Hinahabol ako ng tanong sa bawat kisapmata: Sino ba talaga ako? Ano ang totoo kong nakaraan? Kaya maaga akong

