CHAPTER 18 HAZEL POV Pagkabalik ko sa mesa, hindi ko alam kung paano ako makakapag-concentrate. Pinagmasdan ko lang ang brown envelope na hawak ko, parang may buhay ito—parang gusto nitong hatakin ang katahimikan ko. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga, binuksan ito, at isa-isang binasa ang mga papel sa loob. "Confidentiality agreement..." "Non-disclosure clause..." "Temporary domestic partnership for the benefit of minor dependents...?" Halos mapaubo ako sa nabasa. Lahat ng detalye ay malinaw—magpapa-panggap akong asawa niya, titira ako sa bahay nila, may buwanang sahod, dagdag na allowance, at bonus kung maayos ang 'performance' ko sa pagpapanggap. Pero may isa ring clause na kinilabutan ako: > “In the event na ma-expose ang pagkukunwari, o magka-problema sa loob ng bah

