CHAPTER 10 MR. BELFORT – POV Nang isara ni Clara ang pinto at iwan sa akin si Hazel, tahimik kong pinagmasdan ang bagong sekretaryang ngayo'y nakaupo sa sofa sa unahan ng mesa ko. Ramdam ko ang kaba sa bawat paghinga niya, kahit pilit niya iyong tinatago sa likod ng magalang at maayos niyang tindig. Hazel Ramirez. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na bumalik siya—o magalit dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako maalala. Ilang taon akong nabuhay sa galit, sa sakit, sa tanong na wala namang kasagutan. Ang babaeng minahal ko ng higit pa sa sarili ko, basta na lang nawala. Iniwan ako sa ere, sa gitna ng pagkawasak. At ngayon, heto siya—nasa harapan ko, nakatingin na parang estranghero akong kailanman ay hindi niya minahal. Anong klaseng laro ito? Diyos ba ang nagbiro sa akin

