CHAPTER 11 HAZEL – POV Pagkarating ko sa building, ramdam ko ang kaba na kumakabog sa dibdib ko. Iba na ngayon—wala na akong tray ng kape o notepad ng mga order. Sa halip, dala ko ay isang bagong simula. Nang makapasok ako, sinalubong ako ng receptionist at agad akong tinawag papasok. Naghihintay na si Ms. Clara, nakangiti at may hawak na clipboard. “Ayos, maaga ka. Maganda ’yan. Gusto ni Sir ’yung mga taong hindi pinaghihintay,” aniya, sabay abot sa akin ng ilang papeles. Pumirma ako sa kontrata, saka ako binigyan ng bagong ID at schedule sheet. Tiningnan ko ang pangalan ko sa nameplate—Hazel Ramirez, Secretary. Ibang pakiramdam, parang hindi pa rin totoo. Habang tinuturuan ako ni Ms. Clara kung paano ayusin ang mga meeting schedule ni Mr. Belfort, tumanggap ng tawag, at mag-encode n

