CHAPTER 12 HAZEL POV Ilang minuto pa lang ang lumipas mula nang makaalis si Mr. Belfort sa harap ng mesa ko, nang biglang bumukas muli ang elevator sa dulo ng hallway. Napalingon ako. Isang lalaki ang lumabas, nakasuot ng maayos na beige coat, may hawak na maliit na leather briefcase, at may tindig na halatang may mataas na posisyon. Maamo ang mukha niya, pero seryoso ang ekspresyon habang papalapit sa direksyon ng opisina ni Mr. Belfort. Bumati ako ng magalang. “Good morning, Sir. May appointment po kayo?” Ngunit imbes na sumagot agad, natigilan siya nang makita ako. Napakunot ang noo niya, at para bang may biglang humigop sa lakas ng katawan niya. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin—parang nakita niya ang isang multo. “G…Georgelyn?” bulong niya, halos hindi ko marinig

