CHAPTER 37 HAZEL POV Pagkatapos naming kumain ng meryenda, sinamahan ko muna sina Lucas at Llianne sa kanilang kwarto. Nagkwentuhan kami ng kaunti tungkol sa mga laruan na gusto nilang bilhin, pero sa likod ng mga ngiti ko, gumugulo pa rin sa isipan ko ang reaksyon ng bisitang dumating kanina — si Celestina. Hindi ko siya kilala, pero ramdam ko ang tensyon sa paligid nang magtagpo ang mga mata namin. Parang may kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Para bang... may mali. May dapat akong matandaan. Nang pababa kami ng hagdan kanina, nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Halos mapaatras siya. Halos hindi makatingin nang diretso. Parang may multong bumalik mula sa libingan. “Mommy, I don’t like Tita Celestina.” Nagulat ako sa biglaang sabi ni Llianne habang nakahiga siya sa kand

