CHAPTER 41 MR BELFORT POV Abala ako sa pagbabasa ng financial report sa harap ko habang kaliwa’t kanan ang pagtunog ng mga email notification sa laptop. May tumawag sa intercom, pero hindi ko na inintindi. Gabi na, pero nandito pa rin ako sa opisina. Mas pinili kong dito ubusin ang oras kaysa umuwi… dahil alam kong pag-uwi ko, makikita ko na naman siya—si Georgelyn—o si Hazel. Hindi ko na alam kung anong dapat kong itawag sa kanya. Tumikhim si Marco sa pinto bago tuluyang pumasok nang hindi hinihintay ang pahintulot ko. “Boss, trabaho na naman? Alas otso na ng gabi. May pamilya ka na, diba?” pang-aasar niya. Di ko siya pinansin agad. Pinirmahan ko muna ang isang dokumento bago ini-slide sa gilid ng desk. “Hindi pa tapos ang reports,” maikling sagot ko habang sinapo ang sentido ko. R

