Chapter 2

2559 Words
“GUINEVERE Mercado?”          Nanlaki ang mga mata ni Guinevere. That husky voice brought shiver down her spine. Kinalma niya ang sarili bago lumingon. Nakita niya ang paglapit ng isang lalaki. Matangkad ito, maputi, at guwapo. He was smiling. Maaliwalas ang pagkakangiti. Nakasuot ito ng puting polo shirt at cargo shorts. Clean-cut ang buhok kaya naman lalong naging maaliwalas ang mukha nito. Napaka-boyish ng aura. Iyong tipong hindi ka magdadalawang-isip na pagkatiwalaan ito dahil wala sa hitsura ang gagawa ng masama. Gayunman, hindi nakaligtas sa kanya ang mga mata ng lalaki. Sa unang tingin ay animo inosente ang mga iyon. But she knew better—though she did not exactly know why and how. There was naughtiness in those eyes. Sinamahan pa iyon ng kakaibang pag-angat ng sulok ng mga labi nito na animo nag-aanyaya ng isang halik.          So, he is not a good boy, after all. O baka naman perception lang ng media ang pagiging good boy nito.          Her heart did a somersault.          Kilala niya ang lalaki. The man was no other than Charlie Valencia, pinsan ni Brandon. Pero hindi siya kilala ni Charlie dahil hindi siya naka-attend sa kasal ni Febe. Noong unang punta naman niya sa Mindoro ay wala ang binata. Ni minsan ay hindi pa nagsalubong ang mga landas nila. Still, she knew him for he was like a celebrity. Bagaman hindi lumalabas sa telebisyon ay ilang beses naman nang na-feature ito sa mga magazine. At sa ilalim ng kama at ng unan ni Guinevere, naroon ang mga magazine na iyon. Because yes, crush niya ang binata. Napag-aralan na niya ang bawat linya ng mukha nito, nakabisa na niya ang bawat anggulo. She had memorized that harmless, innocent smile. Kaya nga nagugulat siya ngayon sa kakaibang sensuwalidad na nababanaag sa mukha nito. Those pictures did not do him justice.          Tuluyan na itong nakalapit. And she could swear he was more handsome in person. Hindi maitatanggi ang malakas na appeal nito. “Guinevere Mercado, right?”          Matipid na ngumiti si Guinevere bago tumango. Nakalulula ang presensiya ni Charlie. At aaminin niya, malakas ang appeal nito, s*x appeal. Kapansin-pansin din ang kaliwang tainga ng binata na may maliit na white gold stud. Hindi pa niya nakikita iyon sa mga magazine. Maaaring kailan lamang iyon. Surprisingly, bagay rito ang hikaw. Hindi iyon nakabawas sa p*********i nito. Sa totoo lang ay lalo pa nga yatang lumakas ang s*x appeal nito dahil doon. Isa rin marahil iyon sa mga dahilan kung bakit nasasabi niya na si Charlie ay hindi ganoon ka-good boy.          Inilahad ng binata ang kamay nito sa kanya. “Hi, I believe hindi pa tayo magkakilala. Ako si Charlie Valencia. Does my name ring a bell?”          Ang pagka-overwhelm sa presensiya nito ay idinaan niya sa mahinang tawa. “Yeah. Ang asawa ni Ate Febe ay isang Valencia. I believe he’s your cousin.” Tinanggap ni Guinevere ang palad nito. “It’s nice to meet you, Charlie. Guinevere h-here.” She faltered at the last word. Natilihan siya. Kung ganoon ay hindi nga pala gawa-gawa lamang ng mga manunulat ang sinasabing kakaibang init na dulot ng pakikipagdaupang-palad dahil naramdaman niya iyon sa palad ni Charlie at nanulay iyon sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. “Actually, papunta ako ngayon sa inyo.”          Charlie didn’t answer. Nakatingin lang ito sa kanya. Bahagya siyang nailang lalo pa at hindi pa nito binibitiwan ang kamay niya. Subalit alam niyang sa kaibuturan ng kanyang puso, hindi pagkailang ang nararamdaman niya kundi excitement. Sino ba ang ayaw matitigan ng crush niya? Gustong isipin ni Guinevere na kahit paano ay nagandahan sa kanya ang binata. Kalabisan mang sabihin pero tila lalo itong gumuguwapo sa kanyang paningin. Kung hindi lamang niya alam itago ang kanyang paghanga, tiyak na nagtititili na siya nang mga sandaling iyon. “Charlie?” tawag-pansin niya.          “I… a-ah… sorry, sorry,” anito bago binitiwan ang kanyang kamay. But Charlie lightly squeezed her hand before letting it go. Nagdulot iyon ng kakaibang init sa kanyang pagkatao. “Ang totoo niyan ay tinawagan ako ni Ate Febe. `Sabi niya ay sakay rin ng barkong ito ang pinsan niya. So I looked for you. Using her description, of course.”          “Oh.” Napatango na lang si Guinevere. Kumikinang ang mga mata ni Charlie. Iyong klase ng kinang na maraming nais ipakahulugan. Interest? Attraction? Hindi siya sigurado pero nagdudulot iyon ng kaba sa kanyang dibdib. Kaba na hindi dulot ng takot.          “So, okay lang sa `yo?”          “Okay lang sa akin ang alin?”          “Na samahan kita.”          She flashed her most gorgeous smile. “Seriously? Why, it will be my pleasure. Okay lang sa akin na mahaba ang biyahe pero siyempre iba pa rin kapag may kasama ako at nakakausap, `di ba? Isa pa, celebrity ka na kaya. Who wouldn’t want your company?”          Muli ay ngumiti si Charlie.                                                       “Taking the Ro-Ro, huh?” Hindi kasi lingid kay Guinevere na chartered plane ang ginagamit ng mga ito para mabilis na makauwi sa Naujan. Sa katunayan ay may sariling airstrip ang mga ito sa loob ng hacienda.          “Wala akong pang-arkila ng eroplano ngayon, eh,” ani Charlie sa himig na nagbibiro. “Kidding aside, na-miss ko rin kasi ang sumakay sa ganito. Hindi naman ako nagmamadali so I am here, enjoying the slowness of this vessel. Isa pa, dala ko rin ang kotse ko kaya kailangan ko talagang sumakay sa malaking barko,” anito bago nangalumbaba sa railing at tinanaw ang mga alon na nililikha ng makina ng barko. There was pleasure in his eyes as he looked out into the sea.          She smiled. Kapagkuwan ay inabala na rin niya ang sarili sa pagtingin sa malawak na karagatan. Walang duda, iyon ang pinakamaligayang araw ng buhay niya dahil sa wakas ay nakadaupang-palad niya si Charlie Valencia. Truth be told, Charlie was one of the reasons she volunteered for the medical mission. Kung bakit kasi naging mailap sa kanya ang pagkakataon at hindi nagsasalubong ang mga landas nila ng binata.          “Mabuti na lang pala at dinala ko ang sasakyan ko…” mahinang dagdag pa nito.   PALIHIM na sinulyapan ni Charlie si Guinevere. Ang mga mata ng dalaga ay nagniningning sa tuwa. Mas maganda ito sa malapitan. Ang balat na bagaman morena ay flawless naman. And he loved how she carries herself, confident pero hindi nagyayabang. That made her more beautiful. Ang ilong ng dalaga ay maliit pero matangos. And she possessed a swan-like neck that he was strongly tempted to caress. Tumuon ang paningin ni Charlie sa mga labi ni Guinevere. They looked soft, pliant, sensual, and very tempting. Noon din mismo ay gusto niyang kabigin at angkinin ang mga labi ng dalaga. He wanted to crash his lips against hers and kiss her to his heart’s content. Lihim siyang napaungol. The thought wreaked havoc on his mind and body. Ang masama pa ay nakikini-kinita niya ang dalaga sa kanyang kama, worshipping her. Was he lusting over her?          For God’s sake, Charlie, pinsan siya ni Ate Febe! saway niya sa sarili. So? kontra naman ng kabilang bahagi ng isip niya. In the first place, iyon nga ba ang nararamdaman niya? Lust? Kung pagnanasa lamang ang nararamdaman niya, paano niya ipapaliwanag ang nangyari kanina? Ang slow-motion effect at ang tila magnet na paghigop ng dalaga sa presensiya niya? At higit sa lahat, bakit pakiramdam niya ay may nabago sa kanya? Hindi lamang niya matukoy kung ano iyon. But the change was undeniable. It felt like he was soaring.          Muling ibinalik ni Charlie ang tingin sa karagatan. Funny, pero hindi pa rin nawawala ang mga paruparong nagliliparan sa kanyang sikmura. Maging ang t***k ng puso niya ay mas mabilis pa rin kaysa sa normal na t***k. Really, what did it mean? Hindi alam ni Charlie ang sagot dahil kung alam niya ay hindi sana siya naguguluhan ngayon. Bago ang pakiramdam na iyon. It felt out of this world yet at the same time it also felt right.          Kumunot ang noo ni Charlie nang may mamataan siya sa banda roon. “Gwen, look! Over there!” Itinuro niya ang lugar.          Bumaling naman doon ang dalaga. Ayaw niyang ipikit ang mga mata nang sa gayon ay makita niya kung paano magre-react ang dalaga sa tanawing iyon.          Guinevere held her breath. “Dolphins…” anito bago sumilay ang excitement sa mukha. Natigilan si Charlie. Pumiksi ba ang puso niya sa ngiting iyon?          Puso. Puso. Nanlaki ang mga mata niya nang may pumasok na ideya sa kanyang isip. Posible nga kaya? Is it really possible that Guinevere had my heart at first sight? Am I in love with her? At first sight, really? Jesus!          Biglang humawak ang dalaga sa braso niya, na para bang ibinabahagi nito ang karanasang iyon sa taong malapit dito, malapit sa puso nito. “Meron din dito, Charlie, look!” anito bago itinuro ang mas malalapit na dolphins. Sumusunod ang mga iyon sa barko.          Marahil ay nakita rin ng ibang pasahero ang dolphins kaya nagsipuntahan na rin ang mga ito sa railing at nanood. Pero wala na roon ang atensiyon ni Charlie. Wala rin sa mga dolphin. Dahil hindi niya magawang alisin ang kanyang mga mata sa dalaga at panoorin ang pagdaan ng katuwaan doon. Ang dibdib niya ay para bang napakagaan. Nakakaramdam siya ng kakontentuhan.          Hanggang sa dumiin ang pagkakahawak ni Guinevere sa braso niya nang magsimulang tumalon ang mga dolphin habang ang ilan ay nagbubuga pa ng tubig. Napatingin si Charlie sa kamay ng dalaga na nakakapit sa braso niya. That simple act, without her knowing, gave him happiness. At nakaramdam siya ng kahungkagan nang bawiin na ng dalaga ang kamay nito at sa halip ay ihawak na lang iyon sa railing.          “Amazing!” bulalas pa nito.          Natagpuan na lang ni Charlie ang sarili na kinukuha ang cell phone sa kanyang bulsa. Bahagya siyang lumayo. “Gwen,” tawag niya.          Lumingon ang dalaga. Sinamantala niya iyon at kinuhanan ito ng picture. “Hey,” protesta nito.          “Para may remembrance ka sa mga dolphin. Tingnan mo, o.” Lumapit siya kay Guinevere at ipinakita ang kuha niya. The picture spoke a thousand words. Napaka-candid ng paglingon ng dalaga kaya naman nakuha ng camera ang ngiti nito, ang kislap ng mga mata habang ang ilang hibla ng buhok ay inililipad ng hangin. She was just so breathtakingly beautiful. Ang background nito ay ang malawak na karagatan at ang mga dolphin na eksaktong tumalon at na-freeze sa ere. “Akina ang phone number mo para maipadala ko sa `yo ang picture.”          Ibinigay nga ng dalaga ang numero. Agad naman niyang naipadala ang picture nito.          “Thank you,” she mouthed. At hayun na naman ang pagragasa sa dibdib niya ng kagustuhang ikulong ang dalaga sa kanyang bisig at angkinin ang mga labi nito—tuklasin kung gaano iyon katamis. Lihim siyang napaungol. Bukod sa hindi niya type ang mga morena, hindi rin siya ganoon kadaling ma-attract. Kadalasan pa nga ay saka lang siya nagkakagusto sa isang babae kapag nakikilala na niya ang ugali nito. Pero ngayon ay hindi iyon ang nangyayari sa kanya. Malakas ang atraksiyong nararamdaman niya sa dalaga. Sa tindi ng damdaming iyon ay wala na siyang ibang maisip kundi ang mahagkan ito. At higit pa roon.          Normal pa ba ako? tanong ni Charlie sa sarili.   THEY were side by side. At hindi magawang bale-walain ni Guinevere ang pagkiskis ng braso ni Charlie sa kanyang braso. Gumagawa iyon ng sparks at sa huli ay nagdudulot ng kakaibang init na nanunulay na yata sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Sure, dumaan na siya sa mga relasyon. Ang huli pa nga ay minahal niya. Pero sa mga nagdaan niyang relasyon ay wala siyang naramdaman na katulad ng nararamdaman niya kay Charlie. Aminado siyang malakas ang s****l tension sa pagitan nila. Para silang magnet na magkaiba ng polar dahil tila hinihigop nila ang isa’t isa.          “May bayad `yan,” narinig niyang wika ni Charlie. “H-ha? Ah…” Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. Sigurado siyang hindi pera ang sinasabi nitong kabayaran. Ipinamulsa na ni Charlie ang telepono nito. She wondered, binura kaya nito ang litrato niya pagkatapos maipadala iyon sa kanya? “Samahan mo naman akong kumain. Hindi ako nag-almusal, eh.” Walang restaurant sa Ro-Ro, sa halip ay maliit na canteen lamang ang naroon. At wala iyong ibang tinda kundi mga cup noodles at sandwiches. Kunsabagay, cowboy nga pala ang mga Valencia. Hindi maseselan. At least, iyon ang kuwento sa kanya ni Febe. “Cup noodles at sandwich. Okay lang ba sa `yo?” anito. “Sure.” Napamata na lang siya sa binata nang kunin nito ang backpack niya na nasa bench at isukbit iyon sa balikat nito. Kumunot ang kanyang noo. Paano nito nalaman na sa kanya iyon?          Hanggang sa magulat na lang siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at bahagya siyang hinila nang sa gayon ay mapasunod na siya sa binata. “Let’s go.”          Hindi alam ni Guinevere kung ano ang sasabihin. Big deal kaya iyon sa binata o natural na nitong ginagawa sa bawat babaeng nakakasama nito? Magpapakaipokrita siya kung sasabihing hindi niya iyon nagustuhan. She liked it. She loved it. Tila sadyang inihulma ang palad niya para sa palad nito. At siyempre pa, hayun na naman ang tila mahikang pakiramdam na iyon. Animo may nagbibigkis sa kanilang dalawa.          Pumasok sila sa loob ng barko. Madali naman nilang nakita ang maliit na canteen. “Seafood flavor sa akin. Ikaw?”          “Ga—” Natigilan si Guinevere sa pagsagot nang walang ano-anong hinawi ni Charlie ang mga nakalaylay na buhok sa mukha niya at iniipit iyon sa likod ng kanyang tainga. Nangilabot siya. It was so goddamn intimate for her. And for the life of her, he was still holding her hand.          “G-ganoon na rin lang. Seafood.”          “Okay.”          Nag-iwas siya ng tingin. Pakiramdam ni Guinevere ay lalabas ang kanyang puso mula sa rib cage niya sa sobrang lakas ng pagtambol niyon. Kailangan niyang kalmahin ang sarili. “Ahm, Charlie…” tawag-pansin niya.          Lumingon si Charlie. Nakangiti ito at ang isang kilay ay bahagyang nakaangat na para bang nagsasabi ng “bakit?”          My goodness! Lihim na napabuntong-hininga na lang si Guinevere sa ka-cute-an ng binata. Cute? No, hindi cute si Charlie. Understatement ang matawag na cute ang binata.          Tumikhim siya. “Sasaglit muna ako sa comfort room. Would you mind kung ikaw na lang muna ang um-order?”          “Okay.”          “Okay,” pag-ulit niya.          Nang hindi pa rin siya umaalis ay muli siyang binalingan ng binata. “Do you want me to come with you? I mean, hindi mo ba alam ang way?” And he looked more than willing to do that.          “No, no. I’m fine. Alam ko rin kung nasaan ang comfort room dahil nakita ko na kanina. Kaya lang…” Nangingiting inginuso niya ang kamay. “Can I have my hand back, please?” Hindi napigilan ni Guinevere na hindi lagyan ng panunukso ang tinig niya.          “Oh!” gulat na wika ni Charlie. Pinakawalan na nito ang kamay niya. Hinagod ng binata ang sariling buhok. He looked like he was far from being embarrassed, though. He was more like amused. “Sorry,” nangingiting usal nito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD