bc

Valencia Brood Series Book 5: Charlie Valencia (Completed)

book_age0+
6.2K
FOLLOW
50.0K
READ
billionaire
possessive
opposites attract
arrogant
goodgirl
CEO
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Isang dentista si Guinevere. Nang maimbitahan siya na sumama sa medical mission ng Valencia Foundation ay agad siyang pumayag. May hidden agenda siya pag-volunteer at iyon ay nag makilala ang kanyang crush na si Charlie Valencia. Hindi naman siya nabigo. At mukhang kakampi pa niya si Kupido dahil tinamaan sa kanya ang binata. Isang whirwind romance ang nangyari sa kanila. Subalit ayaw umasa ni Guinevere na may forever sila ni Charlie dahil sa isang sekreto...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“HELLO, people!” maingay na bungad ni Roel sa kusina ng restaurant.          “Oh, crap!” bulalas ni Charlie. Dahil sa tila kulog na boses ng pinsan ay bigla niyang naibuhos ang isang sauce sa kaserolang nakasalang.          Napasipol si Roel. “Sorry.”          “Sorry-in mong mukha mo!” angil niya. “Hindi ka ba puwedeng pumasok dito nang hindi nanggugulat? Look at what you did.” Itinuro niya ang putaheng ineeksperimento. “Malapit ko na sanang ma-perfect kung hindi mo lang sinira ang diskarte ko ngayon.”          He was Charlie Valencia. Isang chef at ngayon ay nagmamay-ari ng isang restaurant na masasabi niyang sikat din naman. Kung si Vicente na bata pa lang ay kinakitaan na ng talento sa pagkanta, siya ay hindi. Walang mag-aakala sa angkan ng mga Valencia na kahihiligan niya ang pagluluto at mamahalin iyon. Well actually, his love for cooking started from a challenge. Labinlimang taong gulang siya noon nang kumain silang magpipinsan sa isang restaurant. Hindi niya nagustuhan ang lasa ng pagkain. Sinabi niya noon na kayang-kaya niyang magluto ng mas masarap kaysa roon. Dahil wala naman siyang alam sa kusina, hinamon siya ng mga alaskador niyang pinsan. Magluto raw siya at kapag nakapagluto nga siya ng mas masarap ay bibigyan siya ng mga ito ng tig-iisang buy-that-wish. Puwede niyang ipabili ang ano mang bagay na gusto niya gaano man kamahal iyon.          Nahamon si Charlie at na-excite. Nagsimula siyang mag-aral kung paano magluto. Unfortunately—to cut a long story short—talo siya dahil hindi masarap ang iniluto niya. Nagkandapaso-paso pa naman siya noon. Fortunately, hindi nawala ang drive niyang matuto. Para iyong agila na lumilipad sa loob ng dibdib niya at nagnanais na makawala. Kaya naman animo laging dinaanan ng bagyo ang kusina nila. Then, every summer, he enrolled in a culinary school. Kitchen became his most favorite place. He realized he loved the craft. Hanggang sa magtuloy-tuloy na ang passion niya sa pagluluto. All of his hard work paid off. Natuto siya at naging magaling sa larangang iyon. ‘Yours is an innate talent, we just honed it.’  Iyon ang sabi noon sa kanya ng instructor niya. Inborn daw ang husay niya sa pagluluto.          “`Sus, ikaw naman. Malay ko bang nerbiyoso ka na ngayon. Sorry na. If I know, nakasulat na sa journal mo ang step-by-step procedure niyan, ang mga ingredients, at ang mga sukat ng bawat sangkap. Kilala kita.”          Kinuha ni Charlie ang kaserola at itinaktak ang laman niyon sa waste bin. Tama naman ang kanyang pinsan na naisulat na niya sa kanyang journal ang lahat ng tungkol sa bago niyang putahe na ihahain exclusively sa kanyang restaurant.          Si Roel ay kumuha ng high stool at naupo roon. Siya naman ay kumuha ng malamig na tubig at uminom. Mayamaya ay inasikaso na niya ang paglilinis ng kusina. Alas-onse na ng gabi. Sarado na ang restaurant niya. Ang lahat ng empleyado ay nakauwi na maliban sa guwardiya at sa kanya. Naroon siya dahil kinokompleto pa ang bagong set ng menu na balak niyang i-launch next year.          Nilingon niya si Roel. Nakita niyang inaamoy-amoy nito ang isang putaheng nasa mesa. Lihim siyang natawa. Huwag kang magkakamali na tikman `yan, Roel, aniya sa isip. Puwede niya itong bigyan ng babala pero napangisi na lang siya sa kalokohang naisip.          “Kailan ka mag-aasawa?” naitanong ni Charlie.          Tumaas ang isang kilay ni Roel. “Bakit mo naman naitanong iyan?”          “Well, mas matanda ka kaysa kina Enteng at Cedrick pero hindi ka pa rin nag-aasawa.” Tatlong taon pa lang ang nakararaan mula nang permanenteng umuwi si Roel sa Pilipinas. Isang architect ang pinsan niya at sa California nakabase ang firm nito. Noong nakaraang taon ay ipinasya ni Roel na ilipat na ang main office sa Pilipinas bagaman tumatakbo pa rin ang kompanyang nasa California.          Nagkibit-balikat si Roel. “Kapag nakita ko na siya.”          “Who?”          “I don’t know who. Ang puso ko ang magsasabi kung siya na ang hinihintay ko. I’m sure my heart will know. Kapag dumating na siya, I’ll pursue her, no questions asked.”          Napangiti si Charlie sa sinasabi ng pinsan. Hindi na siya nagugulat na nagsasalita ng ganoon si Roel. Roel was romantic and sentimental. Walang broken marriage sa pamilya nila. Lahat ay successful. Iyon ay dahil puso ang nagde-decide kung sino ang gusto nilang makasama habang-buhay. Tulad niya, puso rin ang pagaganahin niya. And once his heart found the one, he’ll pursue her no matter what.          “Hmm, in that case, sino kaya sa ating dalawa ang susunod kay Cedrick?”          “Hindi natin masasabi. Hindi tayo puwedeng magsalita nang tapos. For all we know, love finds a way.”          And he couldn’t agree more.   “PIER, pier, pier!” Ang malakas na tinig ng kundoktor ng sinasakyang bus ni Guinevere ang nagpagising sa kanya.Inayos niya ang sarili. Nasa Batangas Pier na pala siya. Nagpulasan na ang mga kasabay niyang pasahero. Isinukbit na niya ang backpack na dala at tumayo na rin. Isinuot niya ang dark shades nang makababa ng bus at nagmadali nang pumunta sa bilihan ng ticket.          “Argh!” Guinevere rolled her eyes. Hindi na siya umabot sa alas-dose y medya na biyahe ng Supercat papunta sa Mindoro. Ang Supercat ang pinakamabilis na sasakyang-pandagat sa pier. Aabutin lamang kasi ng isang oras ang biyahe mula pier ng Batangas papunta sa pier ng Mindoro kung iyon ang sasakyan niya. She had other option, though. Puwede siyang sumakay ng Ro-Ro, isa pang klase ng sasakyang-pandagat. Iyon nga lang, mabagal ang Ro-Ro at aabutin nang mahigit dalawa at kalahating oras ang biyahe. Halos tatlong ulit na haba ng biyahe ang gugugulin niya sa Ro-Ro kompara sa Supercat. Ngayon ay wala siyang pagpipilian kundi ang sumakay sa Ro-Ro dahil hindi na niya naabutan ang biyahe ng Supercat.          She was Guinevere Mercado, a twenty-five-year-old licensed dentist. Hindi siya taga-Mindoro. Sa katunayan ay iisang beses pa lang siyang nakarating doon. Gayunman ay matalas naman ang memorya niya sa mga ganoong bagay kaya alam niyang hindi siya maliligaw sa kanyang paroroonan.          Kunsabagay, hindi naman nagmamadali si Guinevere kaya walang kaso sa kanya kung mabagal na barko ang sasakyan niya. Kaya nga pinili niya ang land at water transportation kaysa sa air transportation. Kailangan lang niyang paalalahanan ang taong susundo sa kanya sa pier ng Calapan na mahuhuli siya ng tatlo hanggang apat na oras. Pumila na siya sa bilihan ng ticket. Nang makakuha ng ticket at makapagbayad ng terminal fee ay tinalunton na niya ang pathway na magdadala sa kanya sa pantalan. Habang naglalakad ay tinawagan niya ang kanyang pinsan na si Febe. Dalawang ring lang at may sumagot na sa kabilang linya.          “Gwen, sakay ka na ba ng Supercat?”agad na bungad nito. Her cousin—Febe Juderial—was now married to Brandon Valencia. Si Febe ang pupuntahan niya sa Mindoro dahil nag-volunteer siyang sasama sa medical mission ng Valencia Foundation. Isa iyong nongovernment organization na itinatag at pinamamahalaan ng pamilya ni Brandon Valencia.          “No, Ate. Hindi ko inabutan ang Supercat. Pasakay ako ngayon sa Ro-Ro.”          “What? Baka mainip ka sa biyahe.”          “Nah,” agad na sansala niya. “No worries. Kayang-kaya ko `to. Isa pa, dala ko ang k****e ko. Puwede kong ubusin ang oras ko sa pagbabasa.”          “Sigurado ka? Kung bakit kasi hindi ka pa sumabay sa amin ni Brandon noong isang araw.”          “Hey, may trabaho rin ako, `no?”          “Yeah, right! Pero tumanggi ka rin na ipasundo ka na lang ng chopper diyan.”          Natawa si Guinevere. “Hay, Ate, minsan ay kailangan pa rin natin ng mabagal na takbo ng oras to appreciate things around us. Minsan-minsan lang ito kaya okay lang. Isa pa, hindi mo ba alam na mahal ko si Mother Nature? I love the scenery. Sige na, Ate, tumawag lang ako para ipaalam na male-late ako ng dating. Ikaw na ang bahalang mag-inform sa taong susundo sa akin sa pier, `kay? Bye for now.”          “Okay, wala na akong sinabi. Wait, sweetie, anong barko iyan?”          Sinabi niya ang pangalan ng barko.          “Okay. Take care. Bye.”          Narating ni Guinevere ang bukana ng barko. Iniabot niya sa inspector ang ticket niya at dere-deretso na siya sa pagpasok sa barko. Bahagya siyang napasipol nang makitang puno na ng mga sasakyan ang lower deck ng barko. Bukod kasi sa mga tao ay nagta-transport din ang Ro-Ro ng mga sasakyan.          “Welcome aboard, Ma’am. This way, please,” anang isang crew na hindi maitago ang paghanga sa mga mata. Iminuwestra nito ang hagdan na papunta sa upper deck ng barko kung saan tumitigil ang mga pasahero.          Nginitian ni Guinevere ang crew. “Thank you.”          Pagkalipas ng labinlimang minuto ay nagsimula nang maglayag ang barko. Hindi muna siya dumeretso sa mga upuan, sa halip ay tumayo siya sa railing at pinanood ang unti-unting pagliit ng pantalan ng Batangas sa kanyang paningin.   NANG masiguro ni Charlie na maayos na ang kanyang kotse ay pinatay na niya ang makina ng sasakyan. Inaantok siya pero ayaw niyang matulog sa loob ng kotse niya. Mahirap na at baka aksidenteng ma-suffocate pa siya roon. May napanood kasi siyang pelikula na ganoon ang nangyari. Mabuti na iyong nag-iingat. Pupunta na lang siya sa upper deck ng barko at doon iidlip.          Kinuha niya ang cell phone at wallet, pati na ang susi ng sasakyan na nakasuksok pa sa ignition. Bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan nang may nakatawag ng kanyang atensiyon.          Isang babae. Isang magandang babae na nasa bukana pa lang ng barko. Napasinghap siya. Habang tila tumigil ang oras sa kapaligiran at lahat ay naestatwa, ang babae ay tila slow motion na naglakad papasok. Nakasuot ito ng puting shorts na tinernuhan ng polo. Ang mga mahabang manggas ng polo ay nakarolyo hanggang mga siko nito. Isang pares ng sneakers ang sapin nito sa mga paa. Her hair was tied into a bun. Ang mga hibla na nakatakas ay lumalaylay sa mukha nito at inililipad pa ng hangin. Morena ito, matangkad, at maganda. May nakasukbit din sa likod nito na backpack.          Ang antok na nararamdaman niya ay tila pinalis ng hangin. Pakiramdam niya ay buhay na buhay ang dugo niya na para bang tinurukan siya ng sangkatutak na adrenaline.          Hinawi ng babae ang mga hibla ng buhok na lumalaylay sa mukha nito. She gracefully did that. Pagkuwa’y saglit na tumigil ito at nginitian ang crew na sumalubong dito.          Uh-oh! Charlie thought. The lady mouthed the words “thank you” to the crew. At hindi niya napigilang tumutok ang tingin sa mga labi nito. Nakalampas na ang babae sa sasakyan niya nang tila magising siya mula sa isang mahika. “What happened?” naitanong pa niya, amazed by the recollection of the event. Pagtingin niya sa hagdan ay nakita pa niya ang babae bago ito tuluyang makaakyat.          Bigla na lang pumuno sa dibdib niya ang kagustuhang masundan ito. At bago pa niya mapigilan ang sarili ay mabilis na siyang bumaba ng sasakyan at umakyat sa hagdan. Namataan na agad niya ang babae. Muli ay nahigot niya ang hininga. Bakit hindi gayong sa paningin niya ay nanlabo ang kapaligiran, maliban sa kinatatayuan ng babae. Animo tinutukan ng spotlight ang kinatatayuan nito.          “Christ, what’s happening to me?” he muttered under his breath. Nakatayo ito sa railing at pinanonood ang pantalan ng Batangas. Dahil sa hangin ay lalong dumami ang mga hibla ng buhok na nawala sa ayos at ngayon ay inililipad na. And yet, she was a sight to behold. Hindi niya magawang alisin dito ang mga mata niya. Bigla-bigla ay tila may mga paruparo na nagliparan sa kanyang sikmura, making him feel dizzy.          Napatingin si Charlie sa dingding ng cabin. It was a tinted glass. Mabilis siyang pumasok sa cabin. Umaasa siyang walang pasahero ang nakaupo sa tabi niyon. Mukhang nakikisama naman sa kanya ang pagkakataon dahil bakante nga iyon. He took a seat. At mula roon ay malaya niyang napagmasdan ang babae.          What is it about her? Bakit tila hinihigop ng presensiya nito ang buong atensiyon niya without her even trying? Without her even knowing? All right, so she was beautiful. Matangkad at hindi payat. Pero morena ito and he had never been attracted to morenas, right?          Ngayon lamang, Charlie, bulong ng isip niya.          Napapitlag pa si Charlie nang tumunog ang telepono niya. “Ate Febe, hi,” aniya nang makitang ang asawa ng pinsan ang tumatawag. Habang nakikipag-usap ay hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang babae. Umalis na ito sa railing at tinungo ang bench na nasa gilid ng salamin. Sa mismong katapat niya.          Naupo ito roon. She eased her backpack off her shoulders and placed it beside her. Nakatalikod na ito sa kanya. Tinanggal nito ang suot na dark shades.          And for the life of him, bumaling ito sa bintanang salamin na animo nanalamin.          Ohlala! he thought. Napakaganda ng mga mata ng babae. Bilugan iyon at tinernuhan pa ng malalantik na pilik. Sinuri nito ang sarili sa salamin. kapagkuwan ay pinasadahan ng haplos ang mga hibla ng buhok na nagulo. Pagkatapos ay nahigit na lang niya ang hininga nang ngumiti ito as if she was satisfied by her reflection on the mirror. Pakiramdam niya ay direkta itong ngumiti sa kanya. Napalunok siya. Aware kaya ang babae na sa kabila ng salaming iyon, sa mismong harap nito, ay may nanonood dito?          “Charlie, hello? Nariyan ka pa ba? Charlie?” Nagulat pa siya sa tinig na iyon ni Febe. Oo nga pala, kausap niya ang asawa ng pinsan niya. “A-ah, yes, yes. I’m still here, Ate Febe. Sorry, nawalan ako ng signal.” Now I am lying. “You were saying…?”          “`Sabi ni Brandon, uuwi ka daw ngayon para sa medical mission bukas at dadalhin mo ang kotse mo. That means you’re going to take the Ro-Ro, right?”          “That’s right. In fact sakay na ako ng barko. Kaaalis pa lang sa pantalan. Why?”          “Talaga? Kaaalis pa lang ng pantalan? Charlie, by any chance, M/V Anastacia ba ang sinasakyan mo?”          “Yeah…” clueless niyang sagot. Saan ba patungo ang mga tanong na iyon ni Febe?          “Great! Nandiyan din si Guinevere!”          Kumunot ang noo ni Charlie. “Guinevere who?”          “Pinsan ko. Third cousin, actually. Sasama uli siya sa medical mission bukas. Anyway, can you look for her and keep her company? Puwede mo ba siyang isabay na rin papunta rito? Oh… oo nga pala, hindi mo pa nga pala kilala si Gwen. Noong unang beses na nag-volunteer siya ay wala ka naman dito.”          Napatingin siyang muli sa babae. Tumayo ito at nagtungo uli sa railing. Hindi niya alam kung bakit tumatahip ang kanyang dibdib ng ganoon kabilis. “Ate Febe, puwede mo bang i-describe sa akin ang hitsura niya?”              

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.8K
bc

Faithfully

read
266.3K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

SILENCE

read
381.4K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.6K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook