Chapter 13

1914 Words
“Isang buwan nalang sembreak niyo na ah.” ani ni Jake habang inaabot kay Ellie ang isang plato na may lamang carbonara.                         Nasa dining area sila ng apartment ni Jake, Nangako kasi ito kay Ellie na ipapatikim nito ang luto nitong carbonara.               “Um-huh.” Tango ang isinagot ni Ellie kasabay ng pagkuha niya ng plato mula sa kamay ni Jake.   “This smells good. Jake. Nakakagutom.” Dali daling dinampot ni Ellie ang tinidor, at snunggaban ang carbonara sa plato niya.                  Nanlaki ang mga mata niya habang ngumunguya siya. “Mmmmm.. Ang sarap ng luto mo!” papuri ni Ellie sa luto ni Jake.                 “Thank you. I told you, I can cook.” Nakataas ang noong sambit ni Jake. “Anyway any plans? Uuwi ka ba sa inyo, sa Itakam?” Pagbabalik nito sa topic ng sembreak nina Ellie, nagsimula na din galawin ni Jake ang pagkain niya sa sariling plato.               Natigilan si Ellie sa tanong ni Jake. “Baka magstay nalang muna ako dito or baka maghanap ako ng ibang pwede kong pasyalan na lugar. I don’t know yet.” Pagkikibit ng balikat niya. Never naging option kay Ellie ang pag-uwi sa Itakam, “Hindi nga ako makatagal na makasama si mommy eh kahit ilang segundo lang, tapos uuwi pa ako doon? No way!” nakangusong dagdag niya.               “Gusto mo sumama sa akin sa Isla Betina?” Alok ni Jake.               “Really?!” abot tenga ang naging ngiti ni Ellie. “Gusto ko! Gusto ko!” Excited na sigaw niya.  “I want to see the place kung saan ka nakatira and also to meet your mom.”               Napangiti si Jake sa naging tugon niya. “Gusto ko rin talaga ipakilala ka kay mommy.”               Dahan dahang nawala ang ngiti ni Jake, napatingin siya sa sahig bago muling tumingin kay Ellie, nag-aatubili siyang magtanong kay dito pero nais niya talagang malaman ang tungkol sa isang bagay. “I know na hindi kayo okay ng mommy mo, pero would you mind if I ask kung anong nangyari sa inyong dalawa?” lakas loob na tanong ni Jake.                 Binitawan ni Ellie ang tinidor na hawak niya at napasandal siya sa upuan, kasabay ng isang buntong hininga.   “I’m sorry Ellie, masyado ba akong usyusero? It’s okay, kung ayaw mo pag-usapan.” Nababahalang sambit ni Jake.   “Okay lang. I want you to know, bilang boyfriend ko, I think dapat mo rin malaman.” pinagdaop ni Ellie ang dalawa niyang palad at  huminga muli ng malalim bago nagsalita. “My mom, she’s a workaholic. She’s very good in managing our business to the point na wala na siyang time para sa pamilya niya. I think that’s the main reason kung bakit si daddy, bigla nalang siyang nawawala sa bahay. Nung una, two days lang, hanggang sa naging weeks, tapos months na siyang hindi umuuwi,  until one day, nakita ko si mommy, pinapahakot na niya lahat ng gamit ni daddy, nung pinigilan ko siya, sabi niya lang hindi na uuwi sa amin si daddy. I didn’t understand kung anong nangyayari sa kanilang dalawa and she never bother to explain anything to me. I never saw my dad again. Pagtinatanong ko si mommy about kay daddy, kung nasaan siya o kaya kahit contact details lang sana para naman magkausap kami, malaman ko yung side niya, kung bakit niya piniling umalis, pero she never give in sa mga pakiusap ko. Lagi niyang sinasabi na kalimutan na namin si daddy, dahil may sarili na itong buhay. Pwede ba naman iyon? Kalimutan si daddy ng hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari?” Nakasibangot na kwento ni Ellie. “Sigurado ako na siya ang dahilan kung bakit umalis si daddy, and ayaw niya ako magkaroon ng communication sa daddy ko, dahil definitely sasama ako kay daddy.”   “Sorry to ask this. Pero did it ever crossed your mind na baka.. there’s a third party?” Napatingin si Ellie kay Jake.     “Yun ang hinala ko noong una, pero kahit pa third party ang dahilan ng break up nila, Siya pa rin ang pinakareason kung bakit nasira ang pamilya namin, Si mommy! dahil nawalan siya ng time sa amin, inuna niya yung business niya. I hate her so much! I hate that business of her. I promised myself na never akong maiinvolve sa business industry!” Nanginginig sa galit na napahampas si Ellie sa ibabaw ng mesa.               “Kaya ba you changed your course from business management to fine arts?”   Kumalma si Ellie ng marinig ang tanong ni Jake.               “No.” Umiling siya ng bahagya.  “I saw your paintings, you as Jaki.” may halong lambing ang boses ni Ellie ng banggitin niya ang alias ni Jake. “I fell in love with arts because of that, I wanted to be part of this world kung saan ka nag-eexist Jaki.” Matamis na ngumiti si Ellie kay Jake. “I never thought that I will fall in love with Jaki as well, you made my miserable life a happy one. Thank you for your love.”   Napangiti din si Jake sa sinabi ni Ellie, Tinawid niya ang lamesa sa pagitan nila upang dampian ng halik sa labi ang nobya.               “Ikaw naman ang magkwento ng buhay mo.” udyok ni Ellie sa kanya ng maghiwalay ang mga labi nila.               Natawa si Jake. “Ano pa ba ang hindi mo alam tungkol sa akin?”               “Yung about sa mga paintings mo. Bakit parang lagi painful and miserable ang mga iginuhit mo?” Seryosong tanong ni Ellie.               “Ah.” Sandaling napaisip si Jake. Tumayo ito at kinuha isa isa ang mga pinagkainan nila at inilagay iyon sa lababo. Nakasunod lamang ng tingin si Ellie sa kanya.   Muli siyang humarap kay Ellie at sumandal sa lababo. “Paano ko ba uumpisahan?” Napakamot siya sa noo niya.  “May nakababatang pinsan ang daddy ko, yung tito Carlos ko. When he was young  namatay both parents niya sa aksidente, kaya kinupkop si tito ng grandparents ko at pinalaki sila ng daddy ko as siblings. Si tito may anak siya, yung anak niya, obviously, pinsan ko.”   Tumayo si Ellie sa kinauupuan niya at lumapit siya kay Jake.               “My dad was really good in business. We used to live in Itakam nung time na namamayagpag ang negosyo ng daddy ko. Tapos one day nahimatay siya sa work, nung dinala siya sa ospital doon na namin nalaman na may cancer siya. I was so young that time, six years old. Tapos si mommy siya ang nag-alaga kay daddy sa ospital, so he wanted my tito to take over the business. And so he did. Doon din ako nagstay sa kanila, while my dad was receiving treatment at the hospital and mommy was with him.”               “What happened next? Hindi na niya ibinalik sa inyo ang business niyo?”               Napangiti si Jake sa assumption ni Ellie. “No, my tito Carlos is a good man, When my dad died, he wanted to transfer the business to mommy pero tumanggi si mommy kasi wala siyang alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Tinuring niya talaga ako na parang totoo niyang anak, and I became Jayjay’s older brother. Everything was going quite well, kahit si Jayjay na pinsan ko, magkasundo kami talaga. Not until nung tumuntong kami ng high school. Nagbago si Jayjay bigla.”               “What kind of change?” Kunot noong tanong ni Ellie.               Hinawakan ni Jake sa kamay si Ellie at nagtungo sila sa sala, kung sabay silang naupo sa sofa.             “He and his friends, bullied me.”             “Ha?! Bullied you? Paanong...?” Napahawak si Ellie sa braso ni Jake,             Nagkibit balikat si Jake. “Mentally, emotionally, and a lot of physical abuse. You see I was a nerd kid back then, nakakahiya man aminin, that I wasn’t able to defend myself from Jayjay and his friends.”             “But why would he do that to you? akala ko ba close kayo?” lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ellie.               “Exactly! Akala ko din close kami, honestly, I don’t know why.” Tugon ni Jake. “I guess that’s who he really is.. An asshole.” Biglang nagdilim ang mukha ni Jake. Ramdam ni Ellie ang lalim ng galit ng nobyo niya para sa pinsan nito, nakikita niya iyon sa nag-aapoy na mga mata ni Jake. Doon niya napagtanto na lahat ng paintings na gawa ni Jake ay hinugot nito mula mga ala-ala nila ng pinsan nito. Matagal ng nakakulong si Jake sa galit nito para sa pinsan niya, at ang galit na iyon ang nagpapabigat ng kalooban ni Jake hanggang ngayon. Those bad memories, kung tutuusin ay nasa past na iyon, kahit anong gawin nila ngayon ay hindi na nila mababago ang nakaraan, Pero iyon ang mas masakit, Dahil siya na nasaktan kahit anong gawin niyang pilit na limutin ang nakaraan ay hindi niya magawa, Paulit-ulit siyang binisita ng mga iyon, gising man siya at hanggang sa panaginip niya. Samantalang yung taong nakasakit sa sa kanya, wala man lamang idea na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa mga pangit na ala-alang iniwan nito sa kanya.             “How about your tito, tell me about him.” Pag-iiba ni Ellie sa topic ng usapan nila, dahil nagsimula na din siyang makaramdam ng takot sa nakikitang galit sa mukha ni Jake kapag naalala nito ang pinsan nito.             Bigla naman umaliwalas ang mukha ni Jake ang tanong ni Ellie. “Oh, yeah my tito Carlos, napakabait niya, kahit na nung nagdesisyon kami ni mommy na manirahan sa Isla Betina, ay ayaw niya sana kaming umalis, dahil nga nag-aalala siya para sa aming dalawa ni mommy. Ngunit wala din siyang nagawa kasi hindi ko na rin kayang pumasok sa school ko sa Itakam eh. Pero kahit sobrang layo ng Isla, walong oras ang byahe nun mula sa Itakam City ay hindi  naging hadlang iyon kay tito Carlos para bisitahin kami ni mommy every week, Patuloy niya kaming sinuportahan financially kahit hindi kami humihingi. Siya rin ang nagpush sa akin para maging pintor, nung makita niya yung mga drawings ko gamit yung watercolor lang, sabi niya may potential daw ako sa pagpipinta, sinuportahan niya ako talaga. In fact siya ang pasimuno ng pagtatayo ng Jakegenix Gallery, dati kasi talaga ang baba ng self esteem ko, Hindi talaga ako naniniwala na kaya ng mga paintings ko na maisabit sa isang gallery, pero pinilit pilit niya ako, hindi talaga siya sumuko hanggat hindi ako pumapayag. Kayalaking pasasalamat ko sa kanya para sa Jakegenix na iyon. It opened a new world for me, Hindi ko inexpect na tatanggapin ako ng ganito sa mundo ng sining.” Nagnining ning ang mata ni Jake habang nagkwekwento ito.  “Hindi ako nangulila sa pagmamahal at guidance ng isang ama, dahil kay tito Carlos.” May matamis na ngiti pa rin sa labi si Jake na tumingin sa malayo habang inaalala ang imahe ng kanyang tito Carlos.             “Base sa mga kwento mo, I think, He’s good man.”             “He is. Definitely. I can’t wait na maipakilala din kita sa kanya.” Pinisil pisil ni Jake ang palad ni Ellie na hawak nito.             “Me too.” Nakangiting tugon ni Ellie kay Jake. Tapos ay isinandal niya ang ulo sa braso ng binata.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD