Chapter 1
Dinig na dinig ni Jake kahit nasa malayo pa siya, ang ingay na nagmumula sa pavilion na nasa likod ng kanilang mansion. Doon kasalukuyang ginaganap ang engagement party ng pinsan niya na si Justin.
Kung bakit naman kasi dito pa sa Isla Betina nito naisipan magpaparty. Mukhang ipagyayabang na naman nito sa kanya ang pagiging Mr. Popular nito, as always. Ipapamukha na naman nito sa kanya kung gaano karami ang mga kaibigan nito. Yun lang naman ang lamang nito sa kanya kahit noon pa. Loner kasi siya noon, wala siya kahit isang kaibigan dahil tahimik siya at hindi palakibo, pero ang akala ba ni Justin ay wala pa rin siyang mga kaibigan hanggang ngayon? Meron na siyang mga kaibigan, hindi man kasing dami ng mga kaibigan ni Justin pero sigurado siya na lahat ng kaibigan niya ngayon ay totoo sa kanya.
Ayaw niya sanang pumunta sa engagement party na iyon, dahil unang una sa lahat hindi niya kasundo ang pinsan niyang ito, Mortal silang mag kaaway simula pa noong mga bata sila.
Mabigat man ang mga paa niya ay nagpatuloy pa rin siya sa paghakbang papunta sa pavilion.
Hindi pa man siya nakakalapit ng husto ay natanaw kaagad niya ang limang long tables na nakahilera doon. Bawat lamesa ay may halos tig bente katao na nakaupo. Sa ibabaw ng mga lamesa ay may mga tall vases na may white roses and hydrangea flowers, sa pagitan ng mga tall vases ay mayroong mga platito na puno ng iba’t ibang nuts. Nakalatag rin ng maayos ang mga plato kutsara at baso sa harap ng bawat bisita.
Sa ceiling ng pavillion ay naka-ilaw na ang bulb shape string fairy lights, kahit medyo maliwanag pa sa paligid, dahil pasado alas singko pa lamang noon. Sa pagitan ng mga bulb string lights ay ang mga glass bubble chandeliers. Sa harapan naman ay mayroong maliit na platform kung saan naroon ang isang loveseat na blue mint ang kulay, may backdrop ito na magkahalong maliliit at malalaking bulaklak na disenyo, may mga nakalaylay din na mga artificial na dahon na nakapalibot sa taas ng platform. Sa kanang bahagi ng platform nakalagay ang isang maliit na podium para sa emcee ng event.
Maganda at elegante ang pagkakaayos ng pavilion para sa event na iyon, ganitong ayos din sana ang gusto niyang gawin kung sakaling mag propropose na siya sa girlfriend nya, SOON.
Sa tantya ni Jake naroon na ang lahat ng bisita dahil halos puno na ang mga lamesa, ngunit hindi pa rin nag-uumpisa ang pagtitipon.
“Jacus! thank goodness you’re here!” salubong ni Mrs. Betina Insano sa kanya, ang ina ni Jake. tinawag siya nito sa orihinal na pangalan niya, dahilan para mapangiwi sya.
Ayaw na ayaw niya sa pangalan na iyon, dahil maraming mapait na ala-ala ang kalakip nun. Si Jacus na hindi man lamang na-ipagtanggol ang sarili noon dahil mahina ito. Simula ng nag kolehiyo siya, Jake na ang pangalang ginamit niya. Binago niya lahat ng mga papeles nya at binura niya si Jacus sa sistema niya. Tuluyan na nga sana niyang malilimot si Jacus kundi lamang sa kanyang ina na patuloy pa rin ang pagtawag sa kanya gamit ang pangalan na iyon.
"Akala ko hindi ka na darating.” dagdag ni Mrs. Betina nang salubungin siya nito sa may bungad ng pavilion kung saan nanatili siyang nakatayo. “Hindi mo rin matiis ang pinsan mo noh?” panunukso nito. Mapanuyang ngiti ang itinugon ni Jake sa kumento ng ina.
Kahit ilang beses niya yatang sabihin sa nanay niya na wala talaga siyang pakialam sa mga nagaganap sa buhay ng pinsan niya, ay hindi pa rin ito nakikinig sa kanya. Umaasa pa rin ito na magkaka-ayos sila ni Justin, pero hindi lang kasi away bata ang naganap sa kanila ng pinsan niya noon. Ang totoo nyan kung pwede nga lang burahin din sa buhay niya si Justin ay matagal na sana niyang ginawa.
Simula ng i-bully siya nito noong high school sila, Never na niyang itinuring na kapamilya ito at sigurado din si Jake na ganun din ang nararamdaman ni Justin para sa kanya. Para silang tubig at langis, hindi na kailanman pwedeng maghalo.
Galit din sya sa sarili niya dati, kung tutuusin ay mas matanda siya dito ng tatlong taon, pero dahil napaka-duwag niyang bata, kahit lalaki din siya at mas matanda dito ay hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili sa pambubully ng pinsan niya.
Justin is the complete opposite of Jake. Magkaiba sila ng personality. Open book si Justin, friendly, bubbly, center of the crowd, leader of the gang. Samantalang siya ay boring, weird and aloof.
Kaya noong high school sila mas marami itong friends at maraming estudyante ang naghahangad maging kaibigan din nito. Samantalang siya, wala siya kahit isa man lang na kaibigan dahil wala siya ng confidence na meron si Justin. Mahina ang loob niya, madali siyang matakot at madali siyang mahiya, madali rin siyang umiyak. Mga ala-ala ni Jacus na ayaw na sana niyang balikan.
Pero iba na siya ngayon, siya na si Jake. Naging sikat na painter siya sa edad na sixteen. Nakapagtapos siya ng college in Fine Arts at nagkaroon ng PHD diploma sa edad na twenty seven. Naging founder ng isa sa pinaka sikat na art gallery sa bansa at isa na rin siya sa pinakabata na University professor ng SBU, isa sa pinakamalaking college school sa bansa.
“Ang mahalaga ay nakadalo ka, para makilala mo din ang fiancee ni Justin. she’s so pretty and very refined woman.” ani ni Mrs. Betina habang hinihila nito ang braso ni Jake patungo sa lamesa na laan para sa kanila.
Napasimangot na dinampot ni Jake ang glittery paper name plate sa ibabaw ng lamesa na nakatapat sa kanya, nakasulat doon ang pangalan niya. Nasusuya siyang isipin na napilitan lang din si Justin na imbitahan siya, dahil siguro sa pangungulit ng mommy niya at ng ama nito na si tito Carlos niya.
“Sinong matinong babae ang pipili sa isang kagaya ni Justin para maging asawa. I’m sure, wala siya sa kalingkingan ng girlfriend ko.” Matalim ang binitawang salita ni Jake habang paupo siya.
“Sshhh.” saway ni Mrs. Betina sa anak. Nahihiyang ngumiti ito at humingi ng paumanhin sa mga bisita na nakarinig ng sinabi ni Jake. “Bakit nga ba hindi mo isinama ang nobya mo dito sa Isla? Para naman makilala ko na siya.” Pag-iiba nito sa usapan.
“Next time mom.” matipid na sagot ni Jake. Hindi siya makapagbigay ng dahilan sa ina dahil maging siya ay hindi niya alam kung bakit hindi nakasama sa kanya ang girlfriend niya.
Maya maya pa ay narinig na nila na nagsalita ang emcee ng event. “Good evening ladies and gentlemen.” Pagbati nito sa lahat. “We have gathered today to celebrate the engagement of a lovely couple. Let us all welcome with a round of applause…”
Nagsitayuan ang mga bisita para pumalakpak at i-welcome ang mag kasintahan maliban kay Jake, nanatiling siyang nakaupo at walang pakialam sa mga nagaganap sa paligid niya. Nagpatuloy siya sa pag-nguya ng nuts. Hindi niya pinapansin ang mga siko sa kanya ng kanyang ina.
“Mr. John Justin Ledesma, our groom to be..and his beautiful fiancee..” announced ng emcee “Ms. Ellie Villanueva.”
Natigilan si Jake sa pagnguya.
Nabigla siya sa narinig niya.
Tama nga ba ang narinig niya?
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya.
Dahan dahan siyang nag-angat ng paningin sa gawing harapan kung saan nakatayo ang pinsan niya at ang fiancee nito.
Bleached natural slicked back haircut ang hairstyle ni Justin, hindi talaga takot ang pinsan niyang ito na mag stand out sa lahat. kumpara sa kanya, mas maputi ang pinsan niya, kaya nga mas nagmukhang mayaman ito sa school nila dati kesa sa kanya. matangos ang ilong, malapad ang pagkaka-ngiti ng heavy lower lips nito, ngunit ang nagpapakulo ng dugo niya habang nakatingin siya sa pinsan niya ay ang upturned almond eyes nito, sa ngayon ay nakangiti at masayang masaya ang mga mata nito, ngunit hindi pa rin ma-iwaksi sa mga ala-ala ni Jake kung paano siya pinanood lamang ng mga matang iyon habang binugbog siya ng mga tropa mismo ni Justin.
Mula kay Justin ay dahan dahan niyang inilipat ang paningin sa babaeng katabi nito.
Bigla siyang napatayo sa kinauupuan niya, ng matingnan niya ng mabuti ang mukha ng fiancee nito.
Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng isang baldeng malamig sa tubig sa ulo, napakaraming katanungan ang bumalot sa isipan niya.
Paano? Bakit? Baka naman kapangalan lang? Baka rin kamukha lang?
Pero narealized niya na imposible na magkaroon ng kamukha at ka pangalan at the same time ang isang tao.
Shocked na shocked siya, hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na iyon.
Malapad ang pagkakangiti ng pink heart shape lips ni Ellie sa mga bisita na bumabati sa kanilang dalawa ni Justin. Nakalugay ang straight, makapal at sobrang itim nitong buhok na lagpas balikat, nakasuot ito ng double necklace na parehong nakakonek sa isang malaking blue diamond stone sa gitna ng mga ito, Bumagay ang kwintas na iyon sa blue cocktail dress na suot ng dalaga.
Katabi nito si Justin na nakahawak sa beywang ni Ellie habang nagpapasalamat sa lahat ng bumabati sa kanila. Sweet na sweet ang dalawa, na nagpapakita na mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa.
Lumalim ang bawat paghinga ni Jake. Pilit niyang pinipigil ang galit na nadarama niya.
Hindi niya alam kung ano ang mas matimbang sa nararamdaman niya ngayon, ang sakit ng pagtalikod sa kanya ng taong mahal niya? O ang galit dahil pagtataksil nito sa kanya?
Naguguluhan man siya sa nangyayari, hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa ni Ellie ang ganito. Nasaan na ang napakabuting babaeng nakilala niya? Pagpapanggap lang ba talaga ang lahat ng iyon? Kinuntsaba ba ito ni Justin para lokohin siya?
Nakatitig lang siya sa fiancee ni Justin, o mas mabuting sabihin na DATI niyang nobya.
Biglang yumuko si Jake upang itago ang mukha niya nang tumingin si Ellie sa gawi ng lamesa nila. Napamura siya sa sarili niya. Siya ang niloko, bakit tila siya ang mas nahihiya? hindi ba dapat magwala siya at sirain ang pagtitipon na iyon? Nang sa ganun ay malaman ng lahat ng tao na naroon kung paano siya pinaikot ng dalawang ito.
Ngunit paano kung kasama sa plano ng mga ito ang ipahiya siya at pagmukhaing tanga sa lahat? Kilala niya ang pinsan niya, magaling itong magpaikot ng sitwasyon, at the end palaging nakukuha ng charisma ni Justin ang pabor ng maraming tao.
Dahan dahan niyang itinikom ang mga palad niya ng sobrang diin. Nanginginig siya sa galit.
Ang dati niyang nobya na fiancee ni Justin ngayon, Kasabwat nga ba talaga ito ng pinsan niya para lokohin sya?
Pinaniwala siya ni Ellie na mahal siya nito at pina-ibig kahit pa ang totoo niyan ay si Justin ang talagang mahal nito?
Pilit niyang inalala ang lahat. Kung paano sila nagkakilala ni Ellie, kung paano niya ito naging nobya. Si Ellie ang palaging lumalapit sa kanya, si Ellie ang unang nagtapat ng pag-ibig sa kanya. Marahil tama nga siya ng hinala.
Pumayag si Ellie na maging kasangkapan para lang sa paghihiganti ni Justin. Para lang kay Justin sumugal si Ellie sa kanya? Paano kung mapagsamantalang tao siya? Paano kung habang nagpapanggap ito na nobya niya ay ginawan niya ito ng masama? Ni minsan ba hindi pinag-dudahan ni Ellie ang intensiyon ni Justin? Hindi ba naisip ni Ellie na baka ginagamit lamang din siya ni Justin para sa sarili nitong interest?
Lalong Nagdilim ang expression ng mukha ni Jake, sa isiping nagpagamit si Ellie kay Justin. Si Ellie na sobrang minahal niya at prinotektahan ay kinasangkapan lamang ni Justin para pasakitan siya.
Gusto niyang itaob ang lahat ng mga lamesa at magsisigaw, gusto niyang sugurin at pagsasapakin si Justin, ngunit kung magpapadala siya sa galit niya ngayon, siya lamang din ang masisira.
Ang makita siyang luhaan at nasasaktan, siguradong iyon ang pinakanais ni Justin na mangyari at hinding hindi niya iyon ibibigay dito.
Napailing siya ng ilang beses. Bakit siya magiging apektado kung ginamit nga ni Justin si Ellie para paibigin siya, gayong niloko lang din naman siya ni Ellie, Kaya kung anuman ang gawin ni Justin kay Ellie mula ngayon, ay wala na siyang pakialam. Si Ellie ang pumili ng sarili niyang landas, kung magdurusa ito sa naging desisyon niya ay labas na iyon kay Jake.
Mabigat ang bawat hakbang niya na umalis ng pavilion.
Hindi na siya ang dating Jacus na kapag nasaktan ay iiyak na lamang.
“May araw ka rin sa akin Justin.” Punong puno ng galit na bulalas niya. “Pati ikaw Ellie, ipanalangin mo na hindi magkrus ang landas natin muli, dahil titiyakin kong pagsisisihan mo na nakilala mo ako.” Mariin ang bawat katagang binitawan ni Jake habang tinatahak ang daan palayo ng pavilion.
To be continued...