Chapter 2

1929 Words
One year before the engagement party. "Naranasan mo na ba? yung feeling na parang nangyari na ang isang bagay pero hindi mo matandaan?" Biglaang naitanong ni Ellie kay Vanessa habang nakadungaw siya sa bintana ng dorm room nila.             Napalingon naman sa kanya mula sa pagkakayuko ang roommate niya na noon ay abalang nagta-type sa laptop nito. "Parang deja vu?" Nakakunot noo na sagot ni Vanessa. “Deja vu.” Pag-uulit ni Ellie na hindi pa rin inaalis ang tingin sa labas ng bintana. “Bakit mo ba tinatanong?” Usisa ni Vanessa, ngunit hindi siya pinansin ng kaibigan kaya napasimangot na lamang siya at muling ibinalik ang pansin sa naantalang ginagawa. Nasanay na siya kay Ellie na madalas ay lumilipad ang isip, weird talaga ito, pero tanggap na niya ang kaibigan niyang ito.  Nagkakilala sila ni Ellie noong unang lipat niya sa college housing ng St.Benedict University. Mabait at palangiti si Ellie, minsan weird kasi madalas nga lumilipad ang isip nito, pero magaan ang loob niya dito, isang bagay na napakahalagang requirement sa isang kaibigan. Nagtype muli si Vanessa sa laptop niya ng bigla siyang mapahinto dahil may naalala siya, kaya tumayo siya mula sa kinauupuan niya at may kinuha siya sa bag niya, pagkatapos ay lumapit siya kay Ellie na nakadungaw pa rin sa may bintana. “Hay naku Ellie, tingnan mo na nga lang itong mga pictures, kesa nagmumukmok ka dyan at nagtatanong ng kung ano ano.” Ani ni Vanessa habang iniabot kay Ellie ang isang digicam. Kinuha naman iyon ni Ellie at nagsimulang magscroll ng mga close up pictures doon. Larawan ng mga binata ang naroon, Lahat ay may mga itsura at marami din doon ang member ng basketball varsity team, yung iba member ng swimming team, at meron din tatlong miyembro ng math whiz. “Para saan ba ang mga ito?” May mapanuksong ngiti na tanong ni Ellie   “Well hindi sa akin yan kaya wag mo akong tingnan ng ganyan." sabay taas ang dalawang kamay ni Vanessa sa hangin. "Sila ang mga prospect na maging subject ni Maris para sa project natin kay Professor Luca-" hindi pa tapos sa sinasabi niya si Vanessa ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nila at mula doon ay pumasok si Maris. Bawat kwarto sa boarding school na iyon ay tig-dalawang estudyante lamang. Kaya si Maris ay sa ibang kwarto nakatalaga. Nang makita ni Maris na hawak ni Ellie ang digicam ay lumapad ang pilyang pagkakangiti nito. "Nakita mo na silang lahat?” tanong nito kay Ellie na tuluyang pumasok na sa loob ng silid nila. “Ang gwapo nila noh?" Kinikilig na sambit ni Maris. "Para saan ba ito kasi?" Sabay angat ni Ellie sa digicam na hawak.  "So far sila ang nakitang ko na gaganahan akong gayahan ng pastel portrait painting ko. What do you think?” dalawang beses na nagtaas baba ang mga kilay ni Maris na may malapad pa ding ngiti sa labi. Sa kanilang tatlo na magkakaibigan si Maris ang pinaka pilya, happy go lucky, dare devil at liberated. Habang si Vanessa ang palaging seryoso sa buhay, leader ng student council at ng kung ano anong club. Si Ellie ang pinaka weirdo. Hindi naman siya ganito ka-blanko dati, pero habang tumatagal ay dumadalas ang pagiging dreamy nya. Magkakaiba man sila ng personalities ay nagkasundo pa rin silang tatlo. Tatlong taon na silang magkakaibigan. Nakilala niya ang mga ito noong una siyang lumipat sa college housing ng St. Benedict University o SBU kung tawagin ng mga estudyante roon. Una niyang nakilala si Vanessa dahil ito ang room mate niya, mukhang mabait ito at matalino bukod pa doon ay magaan kaagad ang loob niya dito. Pagkatapos ay nakilala naman nila si Maris noong unang araw ng klase, ito kasi ang napagtanungan nila ng direksyon dahil akala nila ay senior student na ito, Matured kasi ang itsura ni Maris at hindi mo aakalain na first year lamang siya. Sa kanilang tatlo siya ang pinakamatanda, ngunit laging napagkakamalang pinakabata dahil baby face siya. Pangalawang kurso na niya sa college ang Fine Arts in Painting. Business Admin ang unang kurso niya, alinsunod sa kagustuhan ng mommy niya.  Twenty one years old na siya habang ang dalawa ay eighteen pa lamang. Masyadong pilya itong si Maris, mahilig itong magbiro sa lahat ng mga kaklase nila, kaya karamihan ay naaasar dito, sila lang ni Vanessa ang hindi pa siguro at never pang na asar sa mga biro niya, Marahil dahil matured mag-isip si Vanessa at siya nga kasi ang pinakamatanda sa kanilang lahat kaya medyo mas mataas ang level ng understanding nila towards Maris. kaya simula noon ay lagi nang sumasama si Maris sa kanilang dalawa, hanggang nga sa naging inseparable na silang tatlo. Napapailing na natatawa si Ellie sa tinuran ng kaibigan. “Bakit pakiramdam ko sila ang mga kawawa prospect mo para maging boyfriend mo?” “Ayyy pwede rin!” patiling ani ni Maris sabay hablot nito sa digicam na hawak ni Ellie.  “Check mo to! ang gwapo niya diba?” inilapit nito sa mukha ni Ellie ang screen ng digicam kung saan naka display ang larawan ng isang binata mula sa basketball varsity team. Ang itsura nito ang tipo ni Maris. Dark skin at matangkad. Napahawak sa noo niya si Vanessa at umiling “Hay naku Maris, Ginawa mo pang excuse ang project natin para makuhanan ng photos ang mga kaawa-awang mga lalaki na yan.” pinalis ni Vanessa ang digicam na hawak ni Maris na noon ay nasa tapat pa rin ng mukha ni Ellie. "Magseryoso ka nga! Tatlong taon na tayo sa college pero hanggang ngayon puro lalaki pa rin ang inaatupag mo!" Dagdag sermon ni Vanessa. “Ano bang mali ko? Eh diba sabi ni professor Luca humanap tayo ng subject na malapit sa puso natin? Eh mahal ko na silang lahat eh.” Nakangusong na sambit ni Maris. “Sabi ni Professor Luca magpinta ng tao na importante sa buhay natin, hindi malapit diyan sa puso mo!” Naiiritang ani ni Vanessa sabay irap kay Maris. "Pero aminin mo Vane, sa ating tatlo siya ang pinakamagaling sa portrait painting." Pagtatanggol ni Ellie kay Maris. "Madalas nga hinihiling ko maging kasing galing mo ako Maris." Napangiti si Maris sa papuri ni Ellie sa kanya. Ito kasi talaga ang tagapagtanggol niya kapag nagsisimula ng manermon si Vanessa sa kanya. "Kinampihan mo na naman siya Ellie, hay ewan ko sa inyong dalawa!" Taas kamay na sambit ni Vanessa. Tatlong taon nang nakakaraan simula ng magtransfer si Ellie sa SBU, pare-pareho silang tatlo na kumukuha ng Fine Arts in painting. Sobrang nagpapasalamat si Ellie sa mga kaibigan niya, at naging napakasaya ng bawat panahon na inilagi niya dito. Ngunit kahit matalik sila magkakaibigan may mga personal na bagay siya na piniling hindi na lamang ipaalam sa mga ito. Gaya na lamang ng lamat sa relasyon nila ng kanyang ina. Naglayas si Ellie sa kanila noon, hindi alam ng mga magulang niya na nag-enroll siya sa school na ito at lalo na hindi alam ng mga ito na nandito siya sa Sining City nakatira ngayon.  Simula ng maghiwalay ang parents niya, at umalis ang daddy niya sa kanila, Ay lagi na sila nag-aaway ng mommy niya. Hanggang ngayon ay hindi sila nag-uusap, baka nga hindi rin siya nito hinahanap dahil malamang sa sobrang busy nito sa negosyo ay hindi pa rin nito alam na tatlong taon na simula ng maglayas siya sa bahay nila. Hinala ni Ellie na dahil sa pagiging obsessed ng mommy niya sa negosyo ang naging dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang niya, and she hated her for choosing to let their family be broken para lang sa sarili nitong negosyo, sa sarili nitong pangarap. Paano naman ang pangarap niya na masaya at kumpletong pamilya? “Wait, Eh sino ba ang napili mong subject Vane?” Tanong ni Maris. “Sina daddy at mommy.” “Ikaw Ellie?” baling ni Maris sa kanya. “Wala pa eh.” Tugon ni Ellie, Wala naman kasi siyang maisip na importanteng tao sa buhay niya ngayon, galit siya sa mommy niya at hindi rin naman niya alam kung nasaan ang daddy niya. “Aba, dapat maghanap ka na ah. Ten days lang ang ibingay sa atin para matapos ang portrait painting na yan.” Paalala ni Vanessa. “Yes boss.” Magkasabay na pabirong sambit nina Maris at Ellie, Dahil doon ay pinaghahampas sila sa braso ni Vanessa. “This time matatalo ka namin sa portrait painting kung saan ka pinaka magaling.” Determinadong pahayag ni Vanessa kay Maris. “No problem, basta kayo ang tatalo sa akin, magiging masaya pa rin ako.” “Maybe you can share some tips?” tanong ni Ellie. “Tips? Hmm.” Kinapa ni Maris ang baba niya at nag-isip. “Siguro, Kaya tayo pinapadraw ng subject na importante sa buhay natin dahil dapat yung tao na iyon, eh yung nagbibigay sayo ng inspirasyon, Yung tipo ng tao na gustong gustong gusto mo talagang ipinta, yung feeling na amzed ka sa kanya kaya gusto mo ipresserved ang image niya sa canvass. Nagegets niyo ba? Sabay na umiling sina Ellie at Vanessa habang pinipigil ang tawa. "Bakit? Ano nakakatawa?" Naasar na ani ni Maris. "Ang weird pala na makita kang seryoso sa sinasabi mo." Natatawa explain ni Ellie. "Nakakatawa nga, pero thank you pa din Maris, we'll keep that in mind." Pasasalamat ni Vanessa sabay tapik sa balikat nito. "Oo nga pala girls, change topic na tayo, dahil nabanggit mo Ellie na gusto mo i-invite si Mr. Justin sa annual ball, nagdecide ako na aattend ako sa ball ng walang ka date para may kasama ka Vanessa." Pag-iiba ni Maris ng topic. "What do you mean by that?!" Natatawang binato ni Vanessa si Maris ng notebook. "What I mean is, I know na wala ka na namang date Ms. NBSB kaya sasamahan kita kasi naawa ako sayo, ini-imagine kita nandoon sa gilid, mag-isa during tha ball." Sabay turo ni Maris sa corner ng kwarto. Sinugod ni Vanessa ang nagtatakbong si Maris, Nang maabutan ito ni Vanessa ay pinaghahampas niya si Maris ng mga unan na nadampot niya. Naiwang nakatulala si Ellie. “Justin?” Napatingin si Ellie sa dalawa  “Sino si Justin?” Napahinto ang dalawa sa paghaharutan nila upang tingnan si Ellie. "Mas malala yan si Ellie, Vane, Dinidiin niya pa na may lovelife siya at ikaw ay wala." Sabay dila ni Maris kay Vanessa. “Diba Yung boyfriend mo.” ani ni Vane sabay hampas sa braso ni Maris na napasigaw ng “Ouch!”  “Wala naman akong boyfriend. Kailan ko sinabi yun?” kunot-noong tanong ni Ellie. "Seryoso ka bang hindi mo matandaan? Akala ko ba ako lang ang prankster sa ating tatlo?" Ani ni Maris na tumigil na sa paghahampasan nila ni Vanessa, at noon ay parehong nakaupo na lamang sa sahig. “Sabi ko na eh!" Tinuro ni Vanessa si Ellie. ”Gawa gawa mo lang yun noh? na kunwari may boyfriend ka para itaboy si Michael.”   Napangiti si Maris “Sabagay kung hindi mo nga naman sasabihin na may boyfriend ka na, hindi ka talaga titigilan nun ni Michael. Nice strategy EL!” sambit ni Maris sabay kindat kay Ellie. Justin? boyfriend niya? kahit anong isip ang gawin ni Ellie ay hindi niya talaga matandaan na nagbiro siya at nagbanggit na may boyfriend siya. Ngunit parang pamilyar nga ang pangalan na iyon sa kanya. Possible nga kaya na ang Justin na ito ay boyfriend niya? Pero paano nangyari iyon? Paano siya nagkaboyfriend ng hindi niya nalalaman?            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD