Chapter 3

4356 Words
Katatapos lang mag ayos ng sarili ni Ellie for the school annual ball. Nakaharap siya sa full length mirror na nasa corner ng kwarto nila ni Vanessa. Red turtle neck short sleeves cocktail dress ang napili niyang isuot. Flowery Embroidery lang sa bandang breast part hanggang sa baywang ang design nito. Ikinulot niya ng bahagya, at nakalugay ang natural na tuwid niyang buhok.  Nag-apply siya ng mineral glow powder sa buong mukha niya, bronzing powder sa apples ng cheeks niya, natural matte eyeshadow naman para sa talukap ng kanyang mga mata. Nag-apply din siya ng eye liner at mascara. Sheer red lip gloss para sa mga labi niya. Bumagay ang napiling make up niya na nagbigay sa kanya ng fresh at natural look. Gold closed heel shoes ang napili niyang iterno para sa kanyang red dress, at isang gold clutch purse. “Wow, ang ganda mo Ellie!” Papuri ni Vanessa sa kanya habang  nakatayo sa pintuan ng bathroom ng kwarto nila, katatapos lang din nitong mag-ayos ng sarili. Nakapurple dress ito na one shoulder, nakapusod ng maayos ang buhok nito. “Okay lang ba? Hindi ba pangit?” nag-aalalang tanong ni Ellie sa kaibigan. “Ano ka ba?! You look stunning!” assurance nito sa kanya sabay thumbs up. “Ikaw rin naman, bagay sayo yung napili mong dress.” Nakangiting papuri din ni Ellie kay Vanessa. “Ang ganda nga natin pero wala naman tayong mga kadate.” Nakangusong sabat ni Maris mula sa pintuan ng kwarto nila. Sanay na sila dito na bigla na lamang pumapasok ng kwarto nila ng hindi kumakatok. Black tube dress na above the knee ang napiling isuot ni Maris, curly bob with blunt bangs ang hairstyle nito. “Thank you ha.” Lumapit si Vanessa sa dalawang kaibigan at payakap na umakbay sa mga ito. “Dahil yata sa akin, kaya tinurn down niyo mga ka-date nyo.” Napangiti sina Ellie at Maris. “Wala naman talaga akong kadate, diba?” ani ni Ellie. “Okay lang yun ano ka ba? Mas gusto ko kayong ka-date na dalawa kaysa sa kung sinong poncio pilato pa yun.” Tugon ni Maris. “Kahit pa sobrang gwapo?” pabirong bulong ni Vanessa. “At sobrang macho?” dagdag biro ni Ellie “Saan ang gwapo at macho?” ganting biro ni Maris na biglang bumitaw sa pagyayakapan nila at luminga linga sa paligid na kunwari ay may hinahanap. Dahil doon nagtawanan silang tatlo. “Hay naku tama na ang drama, malalate na tayo, mamaya imbes na ka-date lang ang wala tayo, eh hindi pa tayo umabot sa ball, sayang ang dress, ang food at ang dance floor!”  ani ni Maris, sabay hila sa mga kaibigan palabas ng kwarto. ***. Sa School Convention ginanap ang annual ball, mga ten minutes walk lang iyon mula sa dorm nila, pero ginamit pa rin nila ang sasakyan ni Vanessa papunta doon, Dahil wala naman sigurong babae ang nanaisin na maglakad ng nakagown at nakaheels. Malaki ang school convention nila, kasing laki ito ng anim na basket ball court. Ginaganap ang annual ball para ipagdiwang ang foundation ng SBU, at the same time ang proceeds ng mga binayaran para sa registration fees nila ay mapupunta sa isang charity institution na napili ng school nila. It’s a ball for a cause, kaya hindi lang mga kasalukuyang estudyante ng school ang umaattend dito, maaari ring umattend ang mga alumni ng school at ibang mga professionals at government officials ng Sining City. Kaya naman palaging magarbo ang school annual ball nila. Pagpasok nila ng convention ay bumulaga kaagad sa kanila ang mga nakahilerang long tables na  may 24 seaters bawat isa, sa may bandang unahan naman naroon ang malawak na dance floor at may mini stage. Elegante ang pagkakaayos ng convention center ng eskwelahan para sa pagtitipon na iyon. Sakto alas siyete ng gabi nagsimula ang event. Una ay nagbigay ng speech ang presidente ng school na si  Mr. Rodolfo Calderon, nasa late sixty na ang edad nito pero mababanaag pa rin ang awtoridad sa tindig at pagsasalita ng matanda. After ng ilang dance performances ay sinerve na ang mga pagkain sa bawat lamesa, pagkatapos ng kainan ay nag-anunsyo na ang emcee  ng open dance para sa lahat, naghiyawan ang ilang mga estudyante ng marinig iyon, lalo na ang mga freshmen students. Sobrang dami ng tao ang nagsisiksikan sa dance floor, lahat kasi ng estudyante pati na ang mga ilang bisita ay gustong sumayaw at mag enjoy ng gabi iyon. Sa lamesa nila Ellie, Silang tatlo na lamang magkakaibigan ang nakaupo pa rin, Kaya naman ng magyaya si Maris na sumayaw na sila sa dance floor ay pumayag agad ang dalawa, patayo na sana sila ng may biglang may lumapit sa lamesa nila na dalawang lalaki. “Hello, ako nga pala si Alex.” Pakilala ng mestizong binata sa kanila. “At siya naman si Brix.” kumaway din sa kanila ang lalaki na tinawag na Brix. “Yayayain sana namin kayong sumayaw?.” nahihiyang tanong ni Alex na nakatitig kay Vanessa, habang si Brix ay kay Maris naman nakatingin. Matagal ng napapansin ni Ellie itong Alex na tumitingin kay Vanessa mula sa malayo, Mukhang pinaghandaan talaga nito ang araw ng annual ball para maaya na makasayaw ang kaibigan niya. Sa tingin naman ni Ellie kay Brix, walang duda na si Maris ang type nito, Oo pilya si Maris pero ang pagkakaroon ng sense of humor nito ang lalong nagpapalakas sa appeal na taglay niya. Sa kanilang tatlo si Maris ang madalas may nobyo, kaya ito rin ang madalas broken hearted. Si Vanessa ay may pagkasuplada, kaya kahit maganda ito ay marami ang nag-aalangan na lapitan ito, dahil naiintimidate ang mga binata sa kanya. And about naman sa kanya, hindi naman siya pangit, hindi lang talaga siya lapitin sa school na iyon, dahil may isang lalaki na matagal ng bumabakod sa kanya. Isang lalaking hindi niya matanggal tanggal sa buhay niya, ito marahil ang dahilan kung bakit wala kahit isang lalaki ang nagnais na maka date siya o maka sayaw man lang ng gabing iyon. “Pero tatlo kami at dalawa lang kayo?” puna ni Maris. “Hindi naman kami papayag na may maiiwan sa amin dito.” “Kaya nga, Pasensya na pero kasi nagdesisyon kaming magkakaibigan na kaming tatlo ang magkakasama ngayong gabi, kaya wala kaming iwanan.” segunda ni Vanessa. Nabakas ang pagkataranta sa mukha ni Alex  at napalingon ito kay Brix  na halata din ang pag-aalala sa mukha, Ang  matagal nilang plinano na pagkakataon na makausap at makasayaw ang mga kaibigan niya ay mapupurdana pa dahil lang sa wala siyang kapareha. Dali dali nag-isip ng solusyon sina Alex at Brix. Luminga linga sila sa paligid, upang maghanap ng available na kakilala nilang lalaki na maaaring makapareha ni Ellie. Magsasalita na sana si Ellie, upang sabihin sa mga kaibigan niya na okay lamang sa kanya na maiwan sa lamesa, ngunit naunahan siya ng dalawa binata. “Michael! Michael!” sigaw ni Alex habang nakataas ng todo ang dalawang kamay  at kumakaway para makuha ang atensyon ni Michael. Nang marinig ni Ellie na tinatawag ni Alex si Michael ay nanlaki ang mga mata niya. Bigla syang yumukod upang magtago sa ilalim ng lamesa. Napuno rin ng pag-aalala ang mukha ng dalawa niyang kaibigan. “Ellie, this won’t work, mahahanap ka pa rin niya diyan.” Bulong ni Vanessa sabay irap kay Alex na dahilan upang magbalik sa pagkabahala ang expression ng binata. Narealize na yata nito na sa ginawang pagtawag kay Michael ay lalong nawala ang pag-asa niya na mapalapit kay Vanessa. “Magpahangin ka muna sa labas, promise susunod kami.” bulong ni Maris Tumango siya sa dalawa bilang pagsang-ayon sa suhestiyon ng mga ito. Naglakad siya payukod ngunit nakita pa rin siya ni Michael, nang magtama ang mga mata nila ay lumapad ang pagkakangiti nito, ngiti na nagdala ng kilabot sa buong katawan niya.  “Putik ka Alex!” nandidilat na ani ni Ellie kay Alex, kakamot kamot na lamang sa batok ang naitugon ng binata sa kanya. “Ano bang ginawa kong mali?” inosenteng tanong ni Alex. “Shut up!” singhal ni Vanessa kay Alex. May kasunod pang sinabi si Vanessa kay Alex pero hindi na narinig ni Ellie iyon, dahil tinakbo na niya ang palabas ng Convention. Kailangan niya makaalis doon bago pa siya maabutan ni Michael. Dahil sa oras na mahawakan siya nito, hindi na naman siya makakawala dito. kung may isang bagay sa mundo na pinaka ayaw ni Ellie, iyon ay ang mahawakan siya ni Michael, ang bawat haplos kasi nito ay puno ng malisya. Ilang beses na niyang binasted ang binata, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi nito tinatanggap iyon. Sa sobrang taas ng tingin nito sa sarili ay hindi ito naniniwala na may mga taong hindi siya gusto, at isa na si Ellie doon.  Si Michael ang dahilan kung bakit walang nagtangkang manligaw sa kanya sa school, dahil pinagkakalat nito sa lahat na may relasyon sila kahit hindi naman totoo at pinagbabantaan ang mga lalaki na huwag na huwag lalapit sa kanya. Pagkalabas ni Ellie ng pintuan ng convention ay patakbo siyang lumiko sa kanang pasilyo, medyo bumabagal na ang bawat hakbang niya ng dahil sa hapdi na dulot ng mataas niyang sapatos, pero nang marinig niya ang pagtawag ni Michael sa pangalan niya ay napalingon siya dito. Nakalabas na rin ito ng convention kung saan tinatahak nito ang direksyon papunta sa kanya. Doon nataranta muli si Ellie kaya kahit sugatan na ang kanyang paa ay tumakbo ulit siya. Lumiko siya tapos umakyat ng hagdan hanggang sa ikaapat na palapag, kumanan, tapos kumaliwa naman, wala siyang idea kung saan siya patungo o kung nasaan na siyang bahagi ng school, pakiramdam tuloy ni Ellie bida siya sa isang horror movie at hinahabol siya ng isang halimaw. Nauubusan na ng hangin ang baga niya, hinihingal na siya ng sobra, at nanginginig na ang mga binti niya, hindi na niya kayang tumakbo pa, kaya nang may nakita siyang pinto na may nakalagay na fire exit sa taas nito ay pumasok na siya doon, upang makapagpahinga kahit paano. Hinawakan niya ang handle ng pinto gamit ang kanang kamay niya, pinihit niya ang seradura sabay tulak sa pinto, pagkabukas na pagbukas niya doon ay may kamay mula sa loob ang biglang humablot sa kaliwang braso niya, hinila siya nito papasok sa loob ng fire exit, Isinandal siya ng di pa kilalang lalaki sa pader, ginamit ng lalaki ang sariling katawan panangga sa katawan niya para maipit siya at mahirapan gumalaw. Sisigaw sana si Ellie ngunit natakpan na ng palad nito ang kanyang bibig. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya sabay itinaas ang hintuturo sa may labi nito at nagsabi ng “Shhhh.” Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya sa takot. Katapusan na ba niya? Ito na ba ang huling araw niya sa mundo? Nanginginig ang mga kamay at binti niya sa magkahalong pagod at takot na kanyang nadarama. Pinipilit niyang mag-isip kung paano siya makakatakas pero ang utak niya laging lumilipad sa mga hindi magagandang bagay na maaaring gawin sa kanya ng estranghero. Sino ba ito? Ano ang kailangan niya sa akin? Anong ang gagawin niya sa akin? Mga katanungan na paulit ulit na naglalaro sa isipan niya ng mga oras na iyon. Nagsimulang magpumiglas si Ellie, kahit nakatakip ang palad ng lalaki sa bibig niya ay pinilit niya pa ring gumawa ng ingay. "Ssshhhh."Muling saway nito sa kanya. Napapikit si Ellie at napaluha sa isiping maaaring hindi na niya abutin ang araw kinabukasan, kung alam niya lang sana na ganito ang mangyayari sa kanya, hindi na lamang sana siya umattend ng ball na iyon. Nasa ganoong pag-iisip si Ellie nang biglang bumukas ang mga motion lights sa bawat fire exit floors. Lahat ng building sa SBU ay may mga fire exit, para kung magkaroon ng emergency gaya ng sunog o lindol, doon ligtas dumaan ang mga estudyante at guro para makababa at makalabas ng building. Ang bawat building sa campus ay may taas ng lima hanggang anim na palapag. Bawat floor ay may fire exit doors, at bawat pintuan na iyon ay may motion lights, yung tipo ng ilaw na kapag may nadetect siyang movement ay kusang iilaw at hindi na kailangan pindutin ang switch. Kapag nakadetect ng galaw ang kahit isa lamang na motion light sa kahit saan mang floor ay susunod na iilaw ang lahat ng motion lights sa buong fire exit staircase na iyon. Ganun ang nangyari ng pumasok ang isang tao sa fire exit door na nasa ika-anim na palapag, nadetect iyon ng motion light kaya umilaw lahat ng motion lights sa buong fire exit staircase. Malas nga lamang si Ellie  dahil sa ikaapat na palapag na pinasukan niya ay mukhang sira ang motion light nito kaya naman nung pumasok siya ay hindi lumiwanag ang ilaw nito. “My Romeo!” malambing na tawag ng babae sa ikaanim na palapag Narinig ni Ellie ang paglunok ng estrangherong lalaki na may hawak sa kanya. “Romeo ko! Nasaan ka ba nagpunta?” muling tawag ng babae "Nakita kita eh, dito ka pumasok."ani nito na dumudungaw sa uwang ng mga hagdan sa ibabang bahagi ng fire exit. Sinubukan muli ni Ellie magpumiglas at sumigaw ngunit hindi niya talaga kayang pantayan ang lakas ng lalaking ito, kahit anong gawin niyang tulak ay hindi man lamang niya ito mabuwal. Pagkatapos ng ilang segundo ay narinig na nila ang pagbukas at muling pagsara ng fire exit door sa upper floor, umalis na ang babae, ang tanging pag-asa ni Ellie ay naglaho na ng tuluyan. Naluluha na si Ellie sa kawalan niya ng pag-asa nang biglang tinanggal ng lalaki ang palad nito na nakatakip sa sa bibig niya. Humakbang ito ng dalawa beses palayo sa kanya. “Sorry, okay ka lang ba?” paghingi ng paumanhin nito. Pagkatapos niyang makaramdam ng halo halong emosyon, to the point na muntik na siyang mapaihi  sa takot, tapos ngayon tatanungin siya nito kung okay lang sya? Syempre hindi! Pagod na nga siya kay Michael tapos may dagdag pang isang lalaki na  ito na bwisit sa gabi nya. "Hindi ako okay!" Singhal nya dito "Mukha ba akong okay? Pagkatapos mo akong biglang hilahin tapos takutin ng ganoon? Ano bang kailangan mo?!" "Sorry na kung natakot kita kanina." Paghingi nito ng paumanhin. “Ano bang problema niyo ng girlfriend mo!” umuusok pa rin ang ilong ni Ellie sa galit, ang lahat ng pagod, gutom, takot at ngayon ay inis na nararamdaman niya ay talagang ibubuhos niya sa lalaking ito. "Kung magtataguan kayo pwede ba wag na kayo mandamay ng ibang tao!" Ngiti lamang ang itinugon ng lalaki sa pagsinghal niya, dahilan para lalong magalit si Ellie, hindi ba siya nito sineseryoso? “Anong nakakatawa? Mukha ba akong nakikipagbiruan? Ha?!” muling sigaw niya dito. "Hindi ko siya girlfriend. Si Amara iyon, isa sa mga sponsors ng SBU, tuwing may ganitong pagtitipon lagi siyang nakabuntot sa akin kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanya na imposible yung gusto niyang mangyari, nakakasakal na kasi, wala na akong ibang maisip na paraan  kundi ang taguan siya. Kahit kasi anong gawing paliwanag ko sa kanya, parang hindi niya naman kasi iniintindi eh.” Sa paliwanag ng lalaking iyon kay Ellie natunaw ang galit na nadarama niya, nakarelate kasi siya dito, iyon din ang nararamdaman niya sa ginagawa ni Michael sa kanya, nakakasakal kaya nga diba tinatakbuhan niya rin ito ngayon. Napatitig lamang si Ellie sa lalaki, salamat sa kaunting liwanag na nagmumula sa motion lights ng ibang floor kaya kahit paano ay naaaninag niya ito, Layered bob cut ang buhok nito, katamtaman ang tangos ng ilong, ang mga labi nito kung saan mas manipis ang upper lips kesa sa lower lips. naka white shirt ito na pinatungan ng naka unbutton na burgundy blazer na nakarolled up ang sleeves hanggang sa siko nito, naka brown belt,black skinny jeans at black formal shoes. Noon lamang natingnan ng maayos ni Ellie ang mga mata ng binata. Monolid ang hugis ng brown eyes nito. Ang mga tingin nito sa kanya, ay naghahatid kay Ellie ng hiwaga yung tipong kahit walang expression ang mukha ay parang may misteryo itinatago. "Ito na ba yung sinasabi ni Maris, na kapag may natagpuan kang isang bagay na gustong gusto mong iguhit sa canvass mo?" Wala sa loob na sinambit ni Ellie na kinakausap ang sarili niya.  "Bigla ka kasing pumasok kaya hindi na ako nakapag-isip ng tama, ayoko lang talaga kasi na makita niya ako, kaya pasensya ka na talaga." muling hingi nito ng paumanhin sa kanya. “Pwede ba kitang ipinta?” diretsong tanong ni Ellie sa binata. "Ha? Ipinta? bakit?" Kunot ang noong balik tanong ng lalaki. Imbes na sumagot ay nakatitig lang si Ellie sa mga mata ng binata, pagkatapos ay ngumiti siya na abot  hanggang tenga. "Humihingi ka ng tawad hindi ba? Gusto mo ba talaga na patawarin kita?" Tanong ni Ellie. Hindi tumugon ang lalaki, sa halip tiningnan siya nito ng patagilid. "Pero may kapalit." Dagdag ni Ellie na hindi nawawala ang malapad na pagkakangiti. "Hindi ba ang pagbibigay ng tawad libre lang yun?" "Sa panahon ngayon, wala ng libre." “Feeling ko hindi ka okay, dalhin kaya kita sa clinic?” ani ng binata sabay abot sa door knob nang biglang pigilan siya ni Ellie sa braso. Napakamot sa batok ang lalaki. Tila naman nabasa ni Ellie ang iniisip nito, Nakatakas nga ito sa tinatawag nitong Amara kanina pero ngayon naman sa kanya naman ito napunta, iniisip ba nito na maluwag ang turnilyo niya sa ulo? Natawa siya sa isipin na kanina lamang siya ang takot na takot dito, ngunit ngayon nabaliktad na ang sitwasyon nila. "Gusto kita!" deklara ni Ellie "Ha?" Naguluhan at medyo nabigla ang mukha ng lalaki sa sinabi ni Ellie. "Alam mo miss, hindi ko kasi alam kung meron pa bang gentle way to do this, pero hindi kasi kita type-" "Anong sinasabi mo?!" putol ni Ellie sa mga sasabihin pa ng lalaki. "Hindi rin kita type noh! Feeling ka! What I mean is Gusto kita, Gusto lang kitang ipinta." "Ahh." natatawang sabi ng lalaki. “Oo nga, nasabi mo na iyon kanina eh.” “Pwede ba kitang ipinta?” pangungulit ni Ellie dito. “Please?” pinagdaop ni Ellie ang dalawa niyang palad na tila ba nananalangin. Tumitig ito sa kanya. Halos hindi humihinga si Ellie habang hinihintay ang sagot nito. “Ayaw ko." Matabang na tugon ng binata, muli nitong tinangka na binuksan ang pinto upang lumabas ng may bigla silang narinig na malakas na pagtawag sa pangalan ni Ellie . “Ellie? Ellie!” Sigaw ni Michael na patuloy pa rin siyang hinahanap sa di kalayuan. Sa taranta ni Ellie ay hindi na siya nakapag-isip pa, hinablot niya ang kamay ng lalaki at hinila pabalik sa loob ng fire exit. Tinulak niya ang binata sa likod niya habang sinubukan niya sumilip sa uwang ng pinto, mula doon ay kitang kita niya si Michael na papalapit na sa gawi nila. Bawat pintuan at bintana na madaanan nito ay sinisilip at pinapasok nito habang tinatawag pa rin ang pangalan niya. “Paano na kaya ito?” tanong ni Ellie sa sarili sabay kagat sa thumb nail niya habang nag-iisip. “Mukhang hindi lang pala ako ang may tinataguan dito.” Tukso ng binata sa kanya na nakikisilip din sa uwang ng pinto. “Shhh..” saway ni Ellie sabay siko sa lalaking kasama. “Boyfriend mo?” muling tanong nito sa kanya Sa inis niya sa pangungulit ng kasama ay ipininid ni Ellie ang pinto at hinarap ito. “Hindi ko siya boyfriend, basta huwag ka muna kasi maingay!” Muli siyang sumilip sa maliit na awang ng pinto, si Michael ay tatlong hakbang na lamang ang layo at papalapit na sa kanila. Wala ng ibang paraang maisip si Ellie kaya hinila niya ang lalaking kasama niya, isinandal  niya ito sa pintuan upang magsilbing harang, sakto namang tulak ni Michael sa pinto sa kabilang side. “May tao ba dito?!” sigaw ni Michael “Ellie? Buksan mo ito, kausapin mo naman ako!” Nagpupumilit si Michael na buksan ang pinto. Tinutulak nito ang kabilang side habang itinutulak niya sa magkabilang braso ang lalaking estranghero na nakasandal pa rin sa pinto. Napapapikit ito sa nangyayaring pagkakaipit sa pagtutulakan nila ni Michael. Ngunit sa kabila noon ay nananatili lamang itong tahimik, alam ni Ellie na buong lakas din nitong pinipigilan ang pinto upang hindi mabuksan ni Michael, dahil kung hindi siya tutulungan ng binata ay hindi niya kakayaning pantayan ang lakas ni Michael.   Sa kabila ng join force nila ng binata ay nanaig pa rin si Michael dahil kahit dalawa na sila ng lalaki na pumipigil sa pinto ay nagawa pa rin nitong mabuksan ng kaunti iyon,  awang na kasya lamang sa ulo ni Michael para masilip nito ang kung sino man nasa loob. Dala ng desperasyon ay  hinila ni Ellie ang kwelyo ng estranghero, inilapit niya iyon sa mukha niya upang ipang takip sana para hindi siya makita ni Michael, ngunit dahil lahat ng atensyon niya ay nakatoon lamang kay Michael kaya hindi niya natantya na sobrang napalapit na pala sa mukha niya ang mukha nito, hindi sinasadyang nahalikan niya ito sa labi. Kitang kita ni Ellie ang paglaki ng mga mata nito dahil sa gulat. Alam niyang namula ang mga pisngi niya, hindi man niya sinasadya ang nagawa pero hindi naman niya magawang bawiin iyon, dahil kapag bumitaw siya sa halik na iyon ay makikita ni Michael ang mukha niya, Kaya Hindi siya bumitaw, hindi siya gumalaw, at hindi rin naman nanlaban ang lalaki. Kailangan nilang manatili sa ganitong posisyon hangga’t nandyan pa si Michael. “Ah, sorry, hindi ko sinasadya na makaistorbo, aalis na ako.” nahihiya na paumanhin ni Michael na dali dali isinara ang pintuan. Nang masigurado na wala na si Michael ay saka niya binitawan ang lalaki. “Sorry.” iyon lang ang lumabas sa bibig ni Ellie kahit pa nais niya sanang mag paliwanag. Hindi siya makatingin sa lalaki ng diretso nang dahil sa hiya. Ngunit walang naging tugon sa kanya ang lalaki, wala din expression ang mukha nito, kaya hindi alam ni Ellie kung ano ang iniisip nito ng mga sandaling iyon. Inabot nito ang seradura at binuksan ang pinto, akma itong lalabas na. “Sandali lang!” muling pigil ni Ellie sa binata ngunit tila ba hindi sya nito narinig dahil tuluyan pa rin itong humakbang palabas ng fire exit. Hinabol ito ni Ellie. “Romeo!” hula ni Ellie sa pangalan ng binata, ayon na rin sa narinig niyang itinawag ni Amara dito kanina. Huminto ang lalaki sa paglalakad at nilingon siya nito. Napangisi ito. “Napick up mo pa iyon ha.” nakangiting ani nito “Nope, I don’t think I am your Romeo.” Hindi alam ni Ellie kung ano ang ibig sabihin ng mga sinambit nito pero nagdala iyon ng kaunting lungkot sa kanya. “About sa alok ko na ipinta ka, hindi ba talaga pwede?” umaasa pa ring sambit ni Ellie dito. Tiningnan siya ng lalaki sa mga mata niya, noong una ay nacoconcious siya pero pinaglabanan niya ang kaba na nararamdaman niya at sinalubong niya ang titig nito. “Painting major ka kamo?” basag nito sa staring contest nila.  “Oo.” tugon ni Ellie kasabay ng tango. “Sinong Professor mo?” nanliliit ang mga mata na tanong ulit nito. Nagtataka man si Ellie kung bakit iyon ang naitanong nito ay pinili niya pa ring sagutin ang binata.“Si Professor Luca.” “I see. Ellie right?” “Yes.” “Apelyido?” “Villanueva.” “Ellie Villanueva.” pag-uulit nito sa pangalan niya na tila ba tinatandaan nito iyon. “Bakit gusto mo akong ipinta?” Nabigla si Ellie sa tanong nito. “M-May..May kaibigan kasi ako, magaling siya sa portrait painting.. Hindi ako nagpipinta ng tao kasi hindi ako magaling, malayo ako sa magaling.. Tapos sabi nya.. Gagaling din daw ako basta ipinta ko lang yung mga bagay na.. Makakaagaw ng atensyon ko.. Mga bagay na.. Ma..” Pinagalitan niya ang sarili dahil walang preno ang bibig niya, sana tumigil na siya sa salitang makaagaw ng atensyon niya. “Bagay na ma…?” Nais ng lalaki na ituloy niya ang huling sasabihin niya. Napakamot si Ellie sa cheeks nya. “Bagay na maganda sa paningin ko, na nais kong ipreserved sa canvass ko. Yu-yun ang sabi nya.” “So maganda ako sa paningin mo?” seryoso ang mukha ng binata ng itanong ito sa kanya kaya lalong na ilang si Ellie. “Mysterious.. Yung mga mata mo, misteryoso.” Hindi kumibo ang lalaki sa tinuran niya. “I just hope that you respect yourself next time Ellie. Kisses should be shared between lovers only.” ani ng lalaki dahilan para mamula ang mga pisngi ni Ellie sa hiya. “Magkikita pa tayo ulit, at sa muli nating pagkikita, alukin mo ulit ako na ipinta mo, papayag na ako.” dagdag nito pagkatapos ay tumalikod ito at muling naglakad palayo sa kanya. Hindi na tinangkang habulin pa ni Ellie ang lalaki. Sobrang kahihiyan ang nararamdaman nya, hindi nya rin alam kung matutuwa siya sa part na sinabi nito na magkikita sila ulit. Gugustuhin pa ba niya makita muli ito sa kabila ng nakakahiyang pangyayari? Wala sa loob na kinapa niya ang labi niya, kahit sa panaginip hindi niya inasahan na magagawa niyang humalik sa lalaki na hindi naman niya kilala. Ni hindi niya nga alam ang pangalan nito.             Natawa si Ellie nang maaalala niya ang laging sinasabi ni Maris sa kanila ni Vanessa na kailangan i-experience nila ang life, I-embrace nila ang mga unexpected things, wag puro plano dapat go lang ng go kasi most of the time experiences make our lives worthwhile. Ano kaya ang sasabihin nito kung malalaman nito na hinalikan niya ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya?             Hindi inaasahan ni Ellie ang biglaang pagbabago ng nararamdaman niya, Kung ipapahintulot ng tandahan, nais niya sanang magkita silang muli ng binata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD